Powered By Blogger

Thursday, November 15, 2012

Sagradong Aklat at ang kapangyarihan ng Pagdidivino



SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO (GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)
SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)



Ang daan ng buhay Divino:

            Narito ang pag-aaral tungkol sa mga nakatagong kaalaman at sikretong karunungang itinago sa maraming panahon, maging sa mga ordinaryong sangkatauhan. Matutunan ang makapangyarihang pang-gagamot, ang pinansyal na kaginhawahan, ang matibay na pag-mamahal sa pamilya man at mga kaibigan.



Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas mataas na antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na mayroon sa bawat nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila upang mamuhay ng perpekto.”


Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsasagawa ng mga disiplinang ito, makakabuo tayo ng isang kapansin pansing walang hanggang kapangyarihan.


Isang kapangyarihang higit pa sa ating kamalayan at katawan,  maging ang kakayahang at kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao para sa kanyang ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin ang ating sarili at ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo ng perpektong husay, kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at kapayapaan sa ibang at alagaan ang mga katangiang ito na sa panahon ngayon ay tinatawag nating “tagumpay.”



Ang sikreto ay ang tumingin sa kaloob looban.  Dapat nating isaisip na ang ating katawan ay isang templo kung saan naninirahan an ating Panginoong Diyos.  Naniniwala kami na ang kabanalan ay nasa bawat isa sa atin, at ang Diyos ay nasa ating mga sarili, kung kaya’t kahit saan man tayo pumunta dapat kasama natin ang Diyos sa kaibuturan n gating buong pagkatao.



Mayroon tayong pilosopiya na nagpapahalaga sa buhay at nagtuturo sa mga tao kung paano nila mapapalakas ang kanilang potensyal upang pigilan ang karamdaman, sakit, pighati, kalungkutan, at ang hindi mabilang na kundisyon na hindi naman kinakailangan sa ating buhay, kung susundin lamang natin ang Divinong  daan patungo sa kabanalan.


Ang aming banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila kokontrolin ang sarili nilang buhay, kung paano irespeto at alagaan ang kanilang katawan at kung paano mararating at mapapanatili ang kumpletong estado ng kalusugan at balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno, magagawa nating magsaya sa mas mataas na antas ng ating pagkatao.


Isa itong banal na pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang sansinukob, ang mundo at ang sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende sa isa’t isa, kung saan ang ating kalusugan ay dumedepende sa iba at gayon din kung paano ang iba ay dumedepende sa atin.


Ang mga sinaunang tao ay nagturo sa atin kung paano tayo mamumuhay na magkakatugma sa pamamagitan ng magkakaibang level ng ating di matukoy na enerhiya, kasama na ang kapangyarihan at pwersa ng mundo, sansinukob at ibang tao.


Sa pamamagitan ng pag-eensayo ng mga banal na pilosopiya, matutuklasan natin na ang malakas na kapangyarihan ay nasa loob ng bawat nilalang, at ang ating isip at katawan ay nagtataglay ng sariling natural na kapangyarihan, isang kapangyarihang kayang lumagpas at humamon, gumamot ng karamdaman at rumesolba sa mga sitwasyong kinalalagyan ng mga tao.



Matutuklasan natin ang daan patungo sa kabang-yaman kung saan ang lahat ng solusyon sa ating problema ay naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim na tanong ay mabibigyang kasagutan. 

Ito ay isang pinagmumulan ng impormasyon na nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang boses na galing sa mas mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa atin.


Madidiskubre din natin na habang ineensayo natin ang mga sining na ito at nilalakbay ang ating daan, ay mararating ang isang tiyak na punto kung saan wala nang iba pang posibleng pag-unlad kundi ang gamitin natin ang ating karanasan upang makinabang ang ibang tao at ibahagi ang sikretong kaalaman sa kanila para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.

------------------------------------------------------


Kung kaya’t dapat nating ilaan ang ating sarili upang turuan ang iba na mayroong matinding pagnanais na marating ang banal na daan. 

Ang aming mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang.



Sinasabing ang ilang nangungunang /matandang kaluluwa ay pinukaw upang mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at kaalaman na kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular na oras sa kanilang kasaysayan.  Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad mula sa mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at magbigay ng serbisyo doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad.  Sila ay namuhay para sa mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa katauhan ng mga propeta, pari, clairvoyants at guro.


Ang ating mga sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay pinapayagang magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na kaalaman at karunungan.


Upang marating ang pinakamainam na kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization at meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at galaw ng katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng kaisipan at isang kakaibang paraan ng pagpopokus.


Ang mga pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila “superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.

Dito ay malalaman mo kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho, ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan, kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma, kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa sagradong aklat 1.


Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at malagpasan ang mga pagsubok.  Ang ating teknik ay naging paraan na ng pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam  at ibubunyag sa iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.


Ang ating mga teknik ay subok at napatunayan na.  Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.



Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila. 

Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan ang mundong ating hinahanap.


Ang tunay na “Divino Member” ay isang nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo. 
Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”

Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay. 

Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na pagamit nito.  Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.

Nagkaroon ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan.  Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung kaya’t sundan mo ang agos nito.

Ang pangkalahatang pangangailangan sa “Divine Focusing”

Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng pokus, ang nanay, tatay at mga anak, ang mga estudyante, ehekutibo, mga may bahay, ang mga nagretiro na, ang lahat ng mga nilalang na ito ay kailangan mag pokus.  Habang ang karamihan sa pagpopokus ay hindi sinasadyang napupunta sa isang negatibong pagpopokus. 

Kakaunting tao lamang ang nakakayang magpokus ng may intensyon.  Kahit na ang mga taong may karanasan na sa pagpopokus sa isa o iba pang paraan, sa kabuuan ay wala silang magandang pag-intindi sa konsepto.    Ang ilan ay hindi kayang kopyahin ang kanilang pagpopokus upang maisagawa ang kanilang nais, at inaasa na lamang sa kanilang kapangyarihan.  Sapagkat ang personal na tagumpay ay isang paraan para makamit ang pandaigdigang tagumpay, kung ang isang nilalang ay maraming personal na tagumpay, sa negosyo man o sa iba pang organisasyon magkakaroon siya ng kakayahang ipamahagi sa iba ang tagumpay na iyon.  Ang lahat na ito nararapat magsimula sa isang nilalang na nagtataglay ng magandang lebel ng kapangyarihang dalhin ang sarili, kalusugan at pagkatao.  Ito rin ay kusang aagos upang ang mga negosyo at organisasyon ay mapabuti.  At ang resulta nito ay ang benepisyo sa buong daigdig, ngunit ang lahat ng ito ay nakasalalay sa kakayahan ng isang tao na mag pokus sa kaniyang intensyon ng mabilis at sa paraang kanilang nais.  Ang tagumpay ng komunidad ay dumedepende sa abilidad nang pagpopokus.

Ang pinanggalingan ng mga inpormasyon

Ang nilalaman ng aklat na ito ay nagmula sa malawak na uri ng personal at propesyonal na karanasan.  Ginamit ko rin ang kaalamang ipinasa sa akin ng napakaraming divine teachers.  Dahil sa ang Divine teachings ay nauna pa sa pagsusulat ng mga kasaysayan, karamihan sa mga pagtuturong ito ay ipinasa sa akin mula sa salita ng mga guro patungo sa mga estudyante, sa napakahaba nang panahon.  At dahil bukas ang aking ikatlong mata ay na veverify ko ang tamang orasyon at kapangyarihan na eksakto para sa isang problema at situwasyon.

Sa tradisyong ito, kakaunti lamang sa mga estudyante ang napili bilang nararapat na maturuan ng katalinuhan at kasanayang ito.  Ang karunungang natanggap ko ay pinatibay pa nang aking malawak na panaliksik sa paksang ito.  Nagsagawa rin ako ng maraming pakikipanayam, pagtalakay at personal na obserbasyon kasama ang mga taong may iba’t iba ring karanasan at pinangalingan, propesyon at lebel ng kasanayan.  Ang personal na karanasan ng mga tao ay inihabi sa mga sagradong aklat na ito.

Ang nilalaman ng aklat na ito ay personal ko nang nasubukan at nagamit maging ang mga teknik at konsepto na itinuturo dito. Ang lahat ng ito ay nag-ambag sa aking personal na kapakanan.  Nakaya kong lampasan nang matagumpay ang maraming pagsubok sa pamamagitan ng pagamit ng Divine focusing techniques.  At ang naging resulta nito, ang aking pagiging mapagpakumbaba at mapagpasalamat ay tuloy-tuloy na nagpatibay sa akin at habang buhay na itong magpapatuloy.

At ang mga karunungan nakatago rito ay nagamit at nasubukan na epektibo  ng mga miembro na doctors, attorneys, mga malalaking negosyante, mga mag asawa, estudyante, inhinyero, mga politico, mga nag oopisina at maging ng mga ordinaryong tao.

  Ang malalim na karunungan at malawak na karanasan na nakamit ko gamit ang natural na panggamot ay naging direktang resulta nang pagamit ng kapangyarihang magpokus.  Gamitin mo ang mga teknik na nasa aklat na ito at ikaw din mismo ay makikinabang.

Ang Super lihim na kaalaman  ay hango sa karunungan ng mga taga silangan at kanluran, maging ng sinaunang divining manggagamot. 
SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)

Part 2

Ang kabanata isa ng aklat na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan ng “pokus,” ipinaliliwanag dito kung paanong ang pagpopokus ay mas higit pa sa aksyon ng kapangyarihan ng ating utak higit sa isang bagay. Sa pamamagitan ng pag pokus sa paggamit ng mga orasyon at pagsasagawa ng ritwal ay natutupad ang kahilingan ng isang nag didivino.

Ang kabanata dalawa hanggang tatlo ay nagpapakita kung paano mapapagana ang focus, ritwal at orasyon maging ang mga maaring makahadlang dito, kaakibat ang pwersa ng Yin at Yang o IHV na nagmula sa sinaunang natural na pilosopiya ng mga guro, masters at makapangyarihang tagapag turo. Tinatalakay rin ang natatagong kapangyarihan at kahalagahan ng iyong determinasyon, Ito ang pundasyon kung saan ang magaling na pagpopokus pag gamit ng mga orasyon at ritwal ay nabubuo, at ang kabanatang ito ay nagtuturo rin ng mga ideya kung paano mo pa ito mapapabuti.

Ang kabanata apat hanggang siyam ay nagtuturo kung paano magpokus na may kasamang intension, orasyon at ritwal sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakaibang pormula ng pagpopokus, isang stratehiya na maaring gamitin sa anumang situwasyon. Nag-aalok din ito ng iba’t ibang pagsasanay upang maging bihasa sa mga pormulang ito. Ito ang unang hakbang upang marating ang “superfocusing.”

Ang kabanata sampu hanggang labing apat ay sumusuri kung paano makakatungo sa ‘Superfocusing,’ isang estado na tinatawag ng mga sinaunang Masters na “doing without doing.” Ito ang ningning, ang mahika na natatago sa ‘Supersuccess.’ Ito ay isang estado kung saan ang isang nilalang ay makakagawa ng isang tungkulin o gawain sa pamamagitan ng perpektong balanse at pagkakasunduan, ng hindi gumagamit ng paghihirap at tensyon. Ang kabanata sa seksyon na ito ay nagpapaliwanag nang pagkakaiba ng atensyon at konsentrasyon, at kung paano pa natin ito mapapabuti. Binunyag rin dito ang enerhiya, teknolohiya at espiritual na aspeto na kinakailangan upang maging posible ang pagsasagawa ng superfocusing. Idinagdag pa rito ang iba’t ibang uri ng pagsasanay upang ipakita kung paano ilipat ang isang karaniwang paraan ng pagbibigay ng atensyon sa mas matinding paraan ng konsentrasyon, at ang pagtungo pa sa mas mataas na antas na kasanayan sa pagpopokus.

Ang aklat na ito ay magwawakas sa isang pagsusuri at pagpapatibay ng iba’t ibang aspeto ng focusing. Ang konklusyon na pinapakita sa aklat na ito ay ang pinagsama-samang ideya, kung paano ginamit ang mga teknik at ang mga katangian na nakatulong magtagumpay ang mga matagumpay na tao.

Ang bawat kabanata rito ay nagpapakita kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng disiplina, isang uri ng sining. Upang matamo ang benepisyo ng pagiging disiplinado, ang isang tao ay nararapat lamang na maging isang disipolo na nag-aaral, sumusunod, nag sasagawa at bumubuhay sa ibinigay sa kaniyang karunungan, mga lihim na kaalaman at mga makapangyarihang orasyon, Ang dagdag na benepisyo ng pagiging disiplinadong tao ay ang kakayahang umagos sa iba pang bahagi ng buhay. Dagdag pa dito, ang mga pagsasanay na pinapakita rito ay nababagay sa bata man, mga estudyante at matatanda.

Ang mga benepisyo na makukuha sa aklat na ito

Hindi lamang ang pagpopokus sa sarili ang layunin ng aklat na ito. Ito ay isang paglalakbay na espirituwal, ang pagsasaliksik ng kapangyarihang nangagaling sa kaloob looban, isang kasangkapan upang makamit ang mas mataas na lebel ng kamalayan, kapayapaan at pagkakasunduan. Bagamat kaya mo nang gamitin ang matinding konsentrasyon kahit kalian mo man naisin, ikaw pa rin ay magbebenipisyo sa makukuhang impormasyon na nilalaman ng aklat na ito.

Ang mga kagila-gilalas na resulta ay makakamit kung ang focusing, at mga orasyon ay aktibo, may pagkukusa at gumagamit ng paraang may pakay o dahilan. Ang tagumpay ay maaring isagawa sa anuman at saan man. Maari kang mas maging mahusay, mas mapapataas ang antas ng pagiging produktibo at makakakuha ng mas mataas na lebel ng kasiyahan at kaluguran sa araw-araw na pamumuhay. Ang relasyon mo sa ibang tao ay mas magiging maganda at ikaw rin ay makakapagpataas ng husay at mekanismo ng pangagamot sa iyong sarili, maging sa kapwa tao. At sa sandaling nagsimula ka na magkaroon ng intensyon na magpokus sa iyong gawain, ang produkto ng iyong pagsisikap ay hindi lamang mas
magiging mahusay kundi makakamit mo ito sa mas mataas na kalidad sa mas maikling oras. Ikaw ay magagalak sa tagumpay na hindi lamang mas marami kundi mas nakakapagpaligaya!

Kung gagamitin mo ang mga teknik na itinuro sa aklat na ito, magkakaroon ka ng bago, mas maganda at mas matagumpay na buhay. Upang makamtan ang ganitong resulta, kinakailangang isagawa mo ang mga pagasasanay na nasasaad rito nang may galak at masigasig na interes. Upang maging dalubhasa sa “intentional focus” at “superfocus” kinakailangan nito ang oras at sipag sa pagsasanay. Mga tiyak na gantimpala sa anyo ng mas malawak na abilidad ay mapapansin habang ipinagpapatuloy mo ang pag aaply ng mga teknik na ito. Sa simula pa lamang dapat nang makakaramdam ng nakakaaliw na tiwala sa sarili kasabay nito ang pagranas ng mas malinaw na pag-iisip at paghatol.

Ang aklat na ito ay nagbibigay ng oportunidad upang ikaw ay matuto at mas umunlad, mas mabatid mo kung paano pahuhusayin ang isipan sa pamamagitan ng kapangyarihang magpokus. Tinuturo nito kung paano mapapakinabangan ang kapangyarihang ito at kung paano mo malalamang kung paano ito gamitin nang hindi mo masosobrahan ang iyong sarili.

Habang ikaw ay mas nagkakamalay sa iba’t ibang aspeto ng atensyon, konsentrasyon, pagpopokus ng may intensyon at superfocusing, maging sa tamang pag gamit ng mga orasyon at ritwals ikaw ay mas magiging handa sa mga tungkulin at makakayang mo itong isagawa ng mas mabilis at sa mas mataas na kalidad, nang hindi dumaranas ng stress.

Habang pinapataas mo ang kapangyarihan ng iyong isipan, ang Superfocusing sa mga orasyon at ritwals ay mas magpapadali na kusang ibahin ang iyong sarili sa estado na may sobrang kahusayan, kasabay nito ang pagbibigay sa iyo ng bagong kamalayan tungkol sa iyong sarili at sa buhay. Ang aklat na ito ay isang inbitasyon upang magsaliksik, paunlarin, at gamitin ang kapangyarihan ng iyong isipan na minamaneho at pinadalubhasa ng pagamit ng Superfocus sa mga orasyon at ritwals.

Ano ang Focus?

Ang Focus ay hindi lamang ang pagsasanay ng isipan higit sa isang bagay. Ito ay ang pagiging dalubhasa ng laman ng isipan at gawa sa pamamagitan ng pagtotono at pagpapatalas ng buong kaisipan, katawan, emosyon at espirito. Sa pamamagitan nito nadaragdagan natin ang personal nating kakayahan kung kaya’t nakukuha natin kung ano man ang gusto nating tuparin.

Ang pagiging pokus sa ritwals at orasyon ay ang tugatog ng pagkontrol sa sarili, at ang paghawak natin sa control ng ating kamalayan. Kapag tayo ay nasa pokus kaya nating ilagay ang ating atensyon upang makumpleto natin nang matagumpay ang ating tungkulin gaano man ito katagal.

Kapag walang pokus, para tayong isang bata sa loob ng tindahan ng lollipop. Karamihan satin nakakaranas at nagdurusa sa ‘magulong isipan’ na walang disiplina at walang pagpipigil na asal. Nagpupunta ito sa kung saan saang direksyon maliban sa kung ano ang kailangan natin, gusto natin o dapat sundin. Nagiging mapag-alala tayo sa hindi mahahalagang bagay, mga bagay na nag-aaksaya sa mahalaga nating oras at lakas. Ang ganitong klase ng pag-iisip ay madaling maabala, nagreresulta sa pangit na memorya, at mahinang kapangyarihan upang magkaroon ng konsentrasyon. Dahil diyan, napupunta tayo sa isang daan kung saan tayo ay nagiging negatibo, humihina ang ating produksyon, tayo ay nabibigo at nagkakaroon ng posibilidad na masira ang sarili. At ang ilan sa atin ay kadalasang nahahadlangan ng kakila-kilabot na kundisyon na ito.

Sa kabilang dako, ang kakayahang magpokus sa mga orasyon at ritwals ay nakakatulong sa isang tao na maging palagay at magkaroon ng komunikasyon sa sarili, sa ibang tao, sa mga hayop, halaman at sa lahat ng nasa nakapaligid sa kanya.

Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay mahalaga sa maraming bagay. Sa isang sitwasyon kung saan kailangang gumanap, gaya ng mga atleta o musician, ayaw nilang maabala ng takot o pagkabalisa, dahil sa ibang tao o bagay na nakapaligid sa kanila, kung hindi ay magiging magulo at walang kamalayan sa kanilang ginagawa sa ganoong mga pangyayari. Kung siya ay magpopokus sa kaniyang tungkulin magiging walang hanggan ang kaniyang potensyal. Walang anuman ang makakapigil sa kaniya kung siya ay buong buo ang pagpopokus. Walang makakahadlang sa kaniya.

Isipin mo nalang ang mga makakagambala sa isang grand final game kung saan ang mga manlalaro ay nakahanda na para sa huling pagtutuos. Ang ibang manglalaro ay lumalakas dahil sa pagkasabik at tensyon sa gayon ang kanilang pagganap ay nagiging mas magaling. Ang kakayahang makapag pokus sa pag usal ng mga orasyon ay magbibigay ng daan upang mapahusay pa ang kanilang emosyon, sa paraang magagamit nila ito para mas maging positibo at para sa sarili nilang pakinabang. Kaya nilang hindi pansinin at maapektohan ng napakalaking kasabikan at kaba mula sa lahat ng nakapaligid sa kanila kasama na ang mga taong manonood. Kung hahayaan nila ang sarili nilang maapektohan nang mga ito, ang laro ay maaring magresulta sa pagkatalo.

Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay nagagamit rin sa mundo ng pagnenegosyo. Ang bawat negosyo ay nararapat na mayroong sentro ng pagpopokus sa mga orasyon at ritwals at ang bawat empleyado ay dapat rin magkaroon ng kaniya kaniyang bahagi sa sentro ng pokus na iyon, upang sila ay maging parte na magkakaroon ng kontribusyon sa kabuuan ng operasyon. Kung ang bawat isang indibiduwal na empleyado ay matuturuan kung paano magpokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals sa bawat sariling layunin, maging ang layunin ng buong kompanya, ang pagsasanib pwersang ito ay makakapagpalago sa negosyo.

Sa isang aklat na pinamagatang Making it in America nasasaad doon ang ‘ten paths to business success’ kung saan nakapaloob ang malawak na pagsasaliksik, ang pagsusuri sa mahigit dalawang daang storya ng tagumpay at pakikipanayam sa mga pinaka matataas na ehekutibo sa America, sinabi nila na ang isang daan na mayroon sila ay ang ‘kalugin ang organisasyon’. Ipinaliwanag nila na ang isa sa kritikal na sangkap upang maging posible ang lahat ng ito ay ang maging pokus sa pamamagitan nang pagkilatis sa mga problema at kung saan talaga nararapat magpokus ang kumpanya. Natuklasan nila na ang mga kumpanyang may malinaw na stratehiya ng pagpopokus ay mayroong natatanging kalamangan at nagkakamit ng matayog na tagumpay.

Ang mga tunay na kampyon ay ang mga taong nagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at pag riritwal, ang mga taong tumutungo nang lagpas pa sa ordinaryong konsentrasyon. Sila ay may partikular na presensya, isang mabuting aura ang mararamdaman sa mga taong ito at kaya nilang magbigay ng positibong impluwensya kahit sa mga hindi nakakaalam nang kanilang kahusayan. Katulad sila ng mga tunay na kampyong atleta na nagpapakita ng kagitingan sa isang pastulan kahit na kakaunti lamang ang nanonood sa kanila.

May mga taong natural na may talento sa kanilang trabaho o sports na nakakahanap ng mas madaling paraan upang makapagpokus kumpara sa iba. Ito ay sumasalamin sa batas na anuman ang tungkulin, ay maaring makamit ang layunin nang mas mabilis, magaling at mas nakakapag-bigay ligaya kapag ang isang tao ay ginagawa ang alam niyang pinakamahusay na paraan, kapag ang isa ay sumusunod kung ano ang tama, ay nagiging masunurin rin ang layunin.

Ang pag-unawa sa pokus

Ang pagpopokus ay hindi lamang ang pagbibigay ng atensyon dito o ang kakayahang magkaroon ng konsentrasyon. Ito ay higit pa rito. Ang atensyon ay nagsasaad kung paano ang isang indibiduwal ay nagagawang iaply ang kaniyang sarili sa isang layunin, ang konsentrasyon naman ay nagpapahiwatig ng tibay na isagawa ang isang bagay sa sandali man o mahabang oras. Ang kaibahan ng pagpopokus ay ang pagpapatindi ng kakayahan ng ating sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng kombinasyon ng ating isipan, katawan at ang iba pang mahiwagang enerhiya ng iyong pagkatao upang maging isang aktibidad. Ang pagpopokus ay kakaibang paraan ng pagpapagana ng ating mental, pisikal at iba pang enerhiya. Tayong lahat ay gumagawa sa iba’t ibang paraan na sumasalamin sa maraming uri nang pagpapahayag ng enerhiya. Kapag tayo ay nagpopokus kadalasang tayo ay nagpapalit palit ng pamamaraan. Halimbawa ang bawat isa sa mga estudyante ay gagampanan ang ibang karakter o papel ang kanilang pokus ay lilipat o magbabago. Ang hindi magpalit ng kanilang pokus ay ang mga estudyanteng hindi buo ang paganap at pagpokus sa kanilang pagsasanay. Ang ganitong karakter ay nakikita rin sa ilang mga pinuno, tagapagsanay at mga guro na nahihirapang itama ang kanilang pokus ng mabilis at nang tama, upang sila ay makapagpokus nang buo sa kanilang mga tungkulin.

Habang isinasagawa ang pagpopokus, ang tindi ng inyong pagpopokus ay lalong nabubuo habang ito ay pinagsasanayan. Sa mga ehersisyo gaya ng pagtakbo, paglangoy o paglalakad, mayroon itong epekto sa pagbabago ng ating puso kapag isasagawa ang warm-up o cool down. At ang mga araw ng pagpapahinga sa pag-eehersisyo ay pumipigil sa pagkakaroon ng pinsala sa katawan. Kung kaya ito ay ginagamitan rin ng pokus.

Ang warm-up ay kapag nagsimula ka nang magbigay ng atensyon at konsentrasyon. Kapag ikaw ay nakapokus ang iyong buong isipan at katawan ay siya na ring mismo ang ‘aktibidad’ na iyong ginagawa.

Ang cool-down ay isang yugto kung saan ikaw ay nakakaramdam na ng kasiyahan at sigla habang ang iyong pisikal at mental na kapasidad ay bumabalik na sa kasalukuyang sandali. Ito ay kagaya ng saya na nararamdaman matapos ang magandang ehersisyo. Maari mo rin maranasan ang pakiramdam na parang ikaw lang ang nilalang sa mundo at wala lahat ng nakapaligid sa iyo. Ang mga araw naman ng pahinga gaya sa ehersisyo ay ang panahong buong buo kang makakapagpahinga at hayaang gabayan ka ng iyong mas mataas na enerhiya.

Kapag ikaw ay nasa estado ng pagpopokus, mararanasan mo na ang iyong mga pakiramdam ay lalong nagiging sensitibo at malakas. Mas marami kang makikita, mararamdaman at maiisip kumpara sa simpleng pagamit mo ng konsentrasyon.

Ang konsentrasyon ay maaring lamang mapunta sa malawak na pag-iisip, samantalang ang pokus ay higit pa sa pagpapakitid mo ng daan upang makuha ang iyong inaasinta. Ang una ay ang pagpapasikip mo ng daan upang mahanap ang iyong aasintahin, at pag ito ay natagpuan mo na, makikita mo ito ng mas malaki at ang iyong pagtingin tungkol sa inaasinta mo ay mas malinaw ang bawat sulok nito. Ang pagkakayari, kulay at pagkakabuhol ng mga detalye nito ay iyong mapapansin. Ikaw ay magiging parte ng iyong tinitignan at ang lahat ng bahagi nito ay makikita mo. Ang iyong isip, katawan at ang iba pang kakaibang enerhiya ay malulugod sa pakikipagsapalarang ito. Ang katawan ay hindi mapapagod at ang saya habang isinasagawa ito ay mararanasan. Maari itong maghatid sa iyo sa mas mataas na kaalaman.

Ang pokus ay isang matalinong paraan upang iaply ang enerhiya na nagmumula sa loob. Sinabi ng Kung Fu master na si Steeve Kiat, na kapag siya ay buo ang pokus habang isinasagawa ang isang matinding paganap siya ay, hindi ang kaniyang sarili.
Sinasabi niyang ang kanyang isipan at katawan ay wala sa loob ng kanyang pisikal na sarili, na siya ay nasa loob ng kanyang ginagawa, sa isang malayong lugar kung saan ang buo niyang sarili ay nalalango sa isang paraiso. Ang enerhiya mula sa kaniyang konsentrasyon ay nagbibigay sa kanya ng katulad na ng karanasan ng isang wala sa sariling katawan. Habang isinasagawa ang paganap madalas niyang maranasan ang kumpletong pagdidilim ng lahat ng nakapaligid sa kaniya, kung saan halos hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa sa mga oras na iyon. Ang kanyang pokus ay nagreresulta sa walang hanggan pakiramdam.

Upang makapagpokus ng tama, kailangang may kakayahan kang ibukas o isara ito, kapag masasabi mong natapos mo na ang isang bagay na ginagamitan mo ng pokus, pansamantala mo itong itatabi at dapat alam mo kung kailan mo ito gagawin muli, at kinakailangan kaya mong makabalik muli sa buong pagpopokus sa kung ano man ang nais mong makamit.

Ang pagpopokus para sa ilang tao ay ang pagsasaayos ng isang lente upang mas mapalinaw ang isang imahe o larawan. Ngunit imbes na ang mata ang ating isaayos, ang ating isipan ang ating inaayos. Gaya lang ng pagkuha ng larawan kapag tayo ay nasa tahanan, ang lenteng ating ginagamit na katulad ng ating mga mata ay kusang nagpopokus upang makakuha ng malinaw na litrato. Sa kabilang banda, ang isang propesyonal na litrastista o katumbas ng ating isipan, ay gumagamit ng mas mahusay na kamera katumbas ng ating kakaibang enerhiya, na may mano manong adjustment sa lente gaya ng ating mata at buong katawan, upang makagawa ng isang litrato na may kaakit-akit na komposisyon.

Tayo ay nag-aadjust o nagpapalit ng ating pokus maya’t maya, kadalasang pinagpapalit palit ang ating atensyon at konsentrasyon sa susunod pang lebel at inaaply ang ating pokus sa mga bagay na mas kinakailangan natin agad agad, gaya ng pagkain at tirahan. Kapag mayroon na tayo ng mga ito, nililipat naman natin ang ating pokus sa ibang bagay. Ang hinaharap ay tunay at tiyak sa isang taong nakapokus, ‘tunay’ sa paraang ang taong ito ay karaniwang nakakamit ang kaniyang bagay na pinopokus. Ang pagpopokus sa isang negatibong bagay at hindi mahahalaga ay nagbibigay ng hindi magandang resulta, samantalang ang pagpopokus sa mga positibong bagay ay nagbibigay ng positibong resulta.

May iba’t ibang tindi at bilis ang pagpopokus. Ang ating pokus ay maaring lumakas o humina depende sa mga nakakaimpluwensya sa labas kasama na dito ang ating pisikal at mental na kalusugan. May mga sandaling nais nating ibahagi ang ating pokus at inilalagay nating ang malaking bahagi nito sa isang bagay, halimbawa na sa pagkukuhanan ng pera o sa ano mang bagay na tayo ay interesado. At may mga oras na tayo ay hindi handang ibahagi ang ating pokus at konsentrasyon ito ay nilalagay lamang natin sa iisang bagay upang tayo ay hindi magambala o lumihis sa ating layunin.

Dahil sa mabilis na pagpapalit palit ng ating pamumuhay, mahalagang magkaroon tayo ng matalas na talino sa pagamit ng pokus, upang tayo ay maging alerto, makita natin ang mga oportunidad at makapag desisyon kung kailangan natin itong sunggaban.

May mga bagay na hindi kayang ipahayag sa pagamit lamang ng purong katalinuhan. Minsan maiintindihan lamang natin ang mga ito kung tayo mismo ay papasok sa loob ng proseso, sa pamamagitan ng mismong pagranas nito, ito ang kaso sa pagpopokus, ito ay hindi purong pagamit lamang ng talino, ito ay isang emosyonal at praktikal na pagsasanay upang iyong malaman kailangan mo itong maranasan.

Para magkaroon ka ng panimulang ideya kung ano ang pakiramdam ng tunay na nakapokus, mag-isip ka ng isang oras sa iyong buhay kung saan ikaw ay sangkot sa isang bagay.

Iniimbitahan kita na maglaan ng ilang minuto upang alalahanin ang sandaling ikaw ay buong nakapokus sa isang bagay. Ipikit mo ang iyong mga mata at isabuhay mo ulit ang karanasang iyon. Ano ang pakiramdam? Maganda sa pakiramdam, hindi ba? Kapag ikaw ay talagang nakapokus. Ngunit gayon pa nahihirapan pa rin tayo at nagkakaroon ng hindi matagumpay na pagpopokus kapag hindi natin alam kung paano ito gawin.

Dapat ay walang hirap ang pagpasok sa mundo ng pokus, ang mundo ng natatagong talino, kapangyarihan at espirituwalidad. Bagaman importante na hindi tayo masyadong seryoso sa pagpopokus na hahantong sa sobrang tensyon at mahirapan dahil dito. Ang teknik upang mangyari ng natural ang pagpopokus ay ibibigay sa inyo habang binabasa ang aklat na ito.

Ang pagpopokus ay piniling pakikipagsapalaran patungo sa kamalayan kung saan ang isang tao ay papasok sa isang karanasan na pagiging kaisa ng buong kapaligiran. Ang pagiging ‘kaisa’ na ito ay siyang paraan upang tayo ay makapag-ugnayan sa ano man o sino mang ating gustuhin.

Higit pa rito, ang pagkakaroon ng kapangyarihan magpokus ay isang kasabik-sabik na paraan upang mabuhay, isang napakagandang pakiramdam, at ito ay nakakapagbigay ng buong kaluguran at kasiyahan.

Ang kakulangan sa pagpopokus ay madaling mapansin. Sa ating araw-araw na buhay kinakailangang tayo ay laging magbigay ng atensyon, magkaroon ng konsentrasyon, at pokus. Patuloy tayong nakikipagtuos sa mga nakakagambala sa atin, sa mga humahadlang sa ating memorya, sa pagiging wala sa sarili o kahit ang pagiging makakalimutin ay maaring magdulot ng sakuna. Ang pagkakaroon ng hangal na pagkakamali, mga kamaliang hindi mabilang bilang na maari namang mapigilan ay nakakapigil sa mapayapa nating pamumuhay. Ang nerbyos, pagod at sobrang dami ng kinain ay maari ring makapigil para tayo ay makapagpokus. Kaya ginagawa rin natin ang fasting bago gumawa ng pocus sa isang orasyon at ritwals.

Maari mong gamitin ang mga sumusunod na kumbinasyon nang alin man sa tatlong sintomas ay tutukoy kung ikaw ay may problema sa pagpopokus:

>Mahinang konsentrasyon, mahinang
memorya, kakulangan sa layunin, pagiging madali magambala, hindi tuloy tuloy na paganap sa tungkulin, pagiging hindi matiyaga, hindi pagtugon at pag-ayaw sa pagtanggap ng mga bagong responsibilidad ay ilan sa mga tipikal na sintomas sa kakulangan sa pagpopokus.

>Palaging pag-aalala, takot, pagiging irritable, depresyon at labis na pagkabalisa ay ilan sa mga emosyonal at pangkaisipang sintomas na kaakibat ng kakulangan sa pagpopokus o kawalan ng kakayahang magpokus. Dahil sa kakulangan sa pagpopokus ay nakakapagdulot ng mga emosyonal na problema, ito ay isang ebidensya na ang pokus ay sangkot sa pagiging emosyonal natin.

Ang mga ito ay ang madaling makitang sintomas upang matukoy kung ang isang tao ay nahihirapang magkaroon ng pokus.

Ito naman ang katangian ng mga taong may mahusay na pokus:

>Nakikipag-ugnayan ng kalmado at magalang sa iba.

>Ay tunay na dalisay ang damdamin.

>Nangangasiwa mula sa kanilang puso.

>Umaahon mula sa problema at hindi humihinto sa paghahanap ng solusyon.

>Hindi natataranta.

>Sila ay relax at may tiwala sa kanilang sarili.

>Ay may mataas na motibasyon.

>Nagsasabi ng katotohanan, tinatanggap ito at nagtatrabaho kasama nito.

>May magandang karakter.

>Ay tumpak at malinaw.

>Nagtatagumpay sa kanilang mga layunin.

>Nagtatrabaho ng may mapayapang ugnayan gamit ang kanilang natural na katangian at kapaligiran.

Kapag ang mga trabahador ay mas nakakapagpokus sa kanilang ginagawa, nagkakaroon sila ng kapansin-pansing pagbabago sa ugali. Sila ay mas nagiging kapakipakinabang at humuhusay ang kakayahan. Nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili, personal na responsibilidad at sariling husay. Sila ay mas nakakapag-ambag ng mas marami para sa kapakanan ng lahat. Nababawasan ang reklamo sa kanilang mga ginagawa. Sila ay nagiging sikat, mas nagkakaroon ng mas maraming nangangailangan sa serbisyo nila, at sila ay mas maasahan. Maari kang dumepende sa kanila. Ang mga manggawa na may pokus ay may pag-uugali na kaiba sa mga taong walang pokus. Sila ay mas may buhay, saya at sigla. Hindi sila nahihirapang kayanin na gawin ang iba’t ibang gawain ng sabay sabay. Napapangasiwaan nila ang mga nakakaantala at nakakaabala sa gawain ng mas maayos kung kaya’t hindi nasisira ang araw nila dahil sa mga ito. Sila ay patuloy lamang sa paggawa ng trabaho, gaya ng mga kampyon na gumaganap ng walang kahirap hirap. Ito ang tinatawag na ‘doing without doing’ sa sandaling ito maaring tawaging ‘working without working.’

Si Dr. Harold Levinson, ay nagsulat tungkol sa “Total Concentration” at sinasabi na may ilang tao na sumosobra ang paggamit nila ng pokus. Ang resulta, sila ay na titigil sa iisa lamang na aktibidad, na maaring magdala sa kanila sa pagkahumaling o pamumuwersa. Nahihirapan silang itigil ito at sila ay nagiging balisa at bugnutin, kahit sa mga walang kwentang bagay. Ang pagbibigay ng sobrang atensyon sa isang detalye ay maaring humantong sa pagpopokus sa isang bagay na hindi naman pala mahalaga at maaring magdulot ng pabagu-bago ng pokus.

Sa kabilang banda, ang kakulangan naman sa pagpopokus, ay maaring dulot ng sobrang pagod o mahinang kakayahan magkaroon ng konsentrasyon. Ang mas magulo at mas tusong mga problema sa pagpopokus ay maaring nagmula sa tinatawag na ADD o Attention Deficit Disorder. Ayon kay Levinson ang mga taong may ganitong karamdaman ay maaring magpakita pa ng iba pang sintomas na maaring walang kinalaman sa problema sa konsentrasyon.

Ang susi sa walang hanggang kapangyarihan ay ang abilidad na magawa agad na magkaroon ng intensyon sa isang buong pagpopokuks.

SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)

Part 3

Ang lumalagong kalakaran na makikita sa ating komunidad kung saan bata man o matanda ay nagkakaroon ng hirap sa pagpopokus. Sa kadahilanang tayo ay hindi naman talaga naturuan ng maayos kung paano ito gawin; kung paanong kusang makapagpokus gamit ang orasyon. Ito rin ang resulta ng pagbibigay sa atin ng madaling inpormasyon kung saan ito ay hindi na natin pinaghihirapang kuhanin at hindi na natin kelangan pa magpakahirap para tuklasin ang mga bagay bagay gamit an ating sariling kakayahan. Karamihan sa atin ay hindi nakaranas kung paano isagawa ang totoong konsentrasyon o ang pagsisikap na kailangan para masundan ang isang particular na linya ng karunungan o ang pagkakaroon ng isang sistematikong pagoobserba, gaya ng isang siyentipikong pagsasaliksik. Tila ang ating atensyon ay pamali mali. Ang mga instrumento sa panahong ito gaya ng telebisyon at computer ay nagiging dahilan para makamit ng mga gumagawa nito ang layunin nila na ang ating atensyon ay mabilis na mapukaw ng mga gamit na ito, madalas na nakukuha ng mga gumagawa nito ang gusto nilang mangyari sa mga tumatangkilik nito kung kaya’t hindi na natin napapansin na ang sarili nating layunin ay natatabunan o napapalitan na ng layunin ng mga nagsusuply nito. Habang tayo ay mas dumedepende sa mga gamit na ito, ang ating kahinaan sa pagpopokus ay lalong lumalala. Ang pagiging pokus ay kinasasangkutan ng iyong atensyon at konsentrasyon, ito ay tumutulong upang ikaw ay magkaroon ng kontrol sa iyong sarili, magkaroon ng kapangyarihang idireksyon ang iyong buhay at emosyon, kaysa ikaw ay maguluhan o magkaroon ng maling ilusyon tungkol sa iyong buhay. Ang susi, ay ang piliin mo ang mga bagay na gusto mong ipokus kaysa hayaang iba ang magdesisyon para sa iyo. Sa ibang salita, dapat tayong magkaroon ng pokus sa ating buhay.

Dalawang uri ng pokus

May dalawang uri ng pokus: nagkataon at intensyonal. Ang pokus na nagkataon lamang ay maaring magkaroon ng positibo at negatibong resulta, sa dakong huli ito ay sanhi ng magandang kapalaran. Sa kabilang banda, ang intensyonal na pagpopokus, kung magagamit ng tama, ay humahantong lamang sa mabuting resulta. Ito ay sinasadya, tantiyado, mahusay na pagamit sa ating isipan, katawang laman at espirito. Ito ay masasabing isang teknik.

Ikaw ay gumagamit ng intensyonal na pagpopokus kung ikaw ay kusa, aktibo, at may layunin sa pagpopokus; ang bawat parte ng iyong pagkatao ay nakikisama dito at ito ay tumpak ang tono sa isang paksa na iyong pinili para ipokus. Ang mga kakayahang makukuha mo gamit ang intensyonal na pagpopokus ay nakadepende sa pagamit mo ng kapangyarihan ng mas mataas na antas ng iyong sarili, ang mataas na antas ng kamalayan. Ito ay isang matalinong pagamit ng bawat cell ng ating isip at katawan, habang kinakalabit rin nito ang ating puso at kaluluwa. Ginagamit rin nito ang iba pang kakaibang enerhiya na bumubuo sa ating pagkatao. Sinasabi ng mga sina unang mga masters na ang mga kakaibang enerhiya mula sa ating katawan, gaya ng emosyon, ay nagpapakita ng kani-kaniyang partikular na kalidad na nagiging sariling lakas. Ito ang kapangyarihang magpokus sa pinakamagaling na paraan. Kung magagamit mo ito ng tama, ang iyong abilidad na makalikha ng magagandang resulta ay mas lumalakas nang hindi nakakaranas ng sobrang tensyon at hirap.

Marami sa atin ang nakakaranas ng intensyonal na pokus sa ilang okasyon, gaya ng pagkuha ng isang pagsusulit o ang pagtapos ng isang gawain upang umabot sa araw ng pagpapasa nito. Upang makuha ang resulta at tagumpay na gusto natin, ang pagpili sa intensyonal na pagpopokus ay isang mahusay na paraan para makamit ito. Ngunit ang gumagamit nito ay dapat isagawa ito ng may pag-iingat at layunin. Ang pokus na nagkataon lamang ay maaring mangyari kapag tayo ay napipilitang magkaroon ng konsentrasyon sa isang bagay, gaya ng isang sitwasyon na may kinalaman sa panganib sa buhay, kung saan ang buo nating atensyon ay nagpopokus. Kung ano ang ating pinopokus ay kung anong siyang pinili para sa atin, minsan ay ipinilit lang sa atin. Wala tayong pagpipilian o kontrol laban dito. Halimbawa na, ang isang babae na tumatakbo sa loob ng isang bahay kahit ito ay nasusunog para iligtas ang kaniyang anak, bagama’t kahit na isang propesyonal na bumbero ay hindi papasok sa isang gusaling gaya nito, ang babaeng ito ay sinasabing hindi nagkaroon ng pagsasanay upang gamitin ang panlabas niyang enerhiya upang protektahan at mabantayan ang kaniyang sarili laban sa pagkasunog, tinatawag itong Wei Chi ng mga Intsik. Paano nya tinawag ang enerhiyang ito para iligtas ang anak niya at kaniyang sarili? Siya ba ay sobrang pokus, bagama’t ito’y nagkataon lamang – upang iligtas ang buhay ng kaniyang anak at ang mataas na antas ng kaniyang sarili ang buong pumoprotekta at gumagabay sa kanya?

May mga pagkakataon din na ang ibang enerhiya at pwersa ay tila nakakapekto o nakakapagpalakas ng ating pokus. Tayo ay naninirahan sa mundong kakatwa at mga pangyayaring hindi maipaliwanag ng medisina na tila ito ay kahima-himala, gayunman ang sinaunang mga ritwal, kaugalian at kamalayan ay binabalewala. Ang ilan sa mga pangyayaring ito ay ang resulta ng pagamit ng mga tao ng kanilang intensyonal na pokus at kakayahan. Ang iba naman ay dahil sa kapangyarihang lumilitaw na wala na sa ating kontrol, gayunman ito ay makakaya nating kontrolin kapag natutunan natin kung paano.

Ang pagpopokus ay isang prosesong pinag-aaralan, ito ay hindi namamanang talento. Tayo ay pinanganak na may kusang abilidad upang magbigay ng atensyon, kung kaya’t inaasahan nating madaling lumipat mula sa mahinang kapangyarihang pagpopokus patungo sa mas malakas na kakayahan at makapangyarihang pagpopokus. Ngunit hindi ito ang laging kaso. Habang ako ay naniniwala na lahat tayo ay may kagustuhang makamit ito, sa kabilang banda, karamihan sa mga indibidwal ay may natutulog na kagustuhang matutunan ito, ang iba naman ay hindi pa ito natatanto.

Isipin mo na lang kung anong maaring mangyari sa sandaling hindi ka nakapokus. Ang isipan mo ay maglalakbay, maari kang mawala sa sarili, at hindi ka magkakaroon ng sapat na oras para isipin ang iyong tungkulin at mga pagsubok. At kapag ito ay nangyari, maaring ikaw ay magkaroon ng isang hindi makatwirang konklusyon. Ikaw ay matatangay paloob at palabas mula sa tinatahak ng iyong isipan, kadalasang mapupunta ang iyong diwa sa ibang mga bagay o aktibidad na walang kinalaman sa iyong layunin. Ang maaring kahinatnan nito ay ang pagkabahala o maging pagkabigo.

Ang intensyonal na pagpopokus ay isang sinasadya, kusa, at kagustuhang gawin ng may pagkakaisa ng iyong isipan, katawan at kasama ng kakaibang enerhiya mula sa iyong sarili. Ito ay maaring makatulong na makamit ng isang tao ang isang gampanin na halos imposibleng gawin. Ang mga indibidwal na may pagsasanay dito ay nakagamit na ng isang ispesyal na meditasyon at iba pang teknik upang mapokus nila ang kanilang isipan upang pabagalin o pabilisin ang tibok ng kanilang puso sa pamamagitan ng sarili nilang pagkontrol dito. Ang iba naman ay paulit-ulit na umuupo sa niyebe ng walang anumang kasuotan at tinutunaw ito ng wala man lang masamang epekto sa kanilang katawan. Ang ibang nagsasanay ng martial arts ay nakakawasak ng matitigas at maraming kahoy, yelo, konkreto at kahit bato gamit lamang ang kanilang katawan. Bakit may mga taong nakakagawa ng ganitong mga bagay ng hindi man lang nasasaktan ang kanilang mga sarili? Ang sigurado ay ang kapangyarihan ng espirito ng tao ay maari lamang tukuyin bilang ‘superhuman’ o ‘supernatural’. Ito nga ba ang maari nating itawag dito? Ang salitang supernatural ay ang simpleng bihasang pagamit ang natural na pwersa. Makakamit ito sa pamamagitan ng paggamit ng intensyonal na pagpopokus at ang superfocus, ito ang pinakamagandang kaalaman upang masimulan mong magamit ang superfocusing. Kapag natutunan mo ito, makakaya mo, magagawa mo ang mga bagay na sa tingin ng iba ay imposible.
Kaya nakakagamot ang sispiritwal na manggagamot alam niyang gamitin ang ganitong kapangyarihan kasama ang kapangyarihan ng mga orasyon.

Tumingin naman tayo ngayon sa mga pang pagulo ng isipan at ang kakayahang labanan ito, ang dalawang aspeto na ito ang magpapagana sa superfocusing. Tulad ng isang ispiritwal na mangagamot pag kulang sa pag pokus kulang sa pananampalataya kulang sa orasyon maaari ring mabigo sa panggagamot lalo na kung mahina ang kaniyang enerhiya maaari siyang mabalikan ng kalaban o kaya ma contaminate ng negatibong enerhiya ng mga sakit.

Kabanata 2
Ang pagkakagulo ng Yin at Yang

Ang mga pangpagulo o pangpalito ay isang natural na pangyayari, ngunit dapat nating maintindihan ang katangian nito upang matanggap natin at makapagtrabaho tayo kasama ng mga ito, kaysa hayaan natin ang ating sarili na maapektohan dahil dito. Sa pagsasagawa nito, makakaangkop tayo laban sa mga pangpalito o maari din na tayo ay hindi na matablan kaagad agad ng mga bagay na ito. Kung may isang bagay na makakasira sa iyo, sisirain ka nga nito, maasahan mong mangyayari, sa ilang pangyayari napakaliit lang ng magagawa natin para dito. Sa iba maari itong mapigilan kung matatangap natin na ang mga pangpagulo sa ating buhay ay natural, kinakailangan at isa itong panimulang bahagi ng pagpopokus. Ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito ay matatagpuan sa pag-aaral tungkol sa Yin at Yang.

Ang Yin at Yang ay sumisimbolo sa paraan ng pag-iisip at pamumuhay, isang teorya na nagpapaliwanag kung paanong ang mga bagay ay gumagana nang may kaugnayan sa sa isa’t isa at sa buong daigdig. Ang Yin at Yang ay magkakontra at kabaligtaran. Sa loob nito, ang Yin at Yang ay nagtataglay ng posibilidad na magkaroon ng pagsalungat at pagbabago. Ang third law of motion ni Sir Isaac Newton na nagsasabing “For every action there is an equal and opposite reaction” ay isang pagpapahayag na galing sa sinaunang pilosopiya ng mga Intsik.

Ang Yin at Yang ay sinaunang konsepto na galing sa mga Taoist, na siyang naging pinakapundasyon ng paraan ng pamumuhay ng mga Intsik. Lumaganap ito sa kanilang sining, literatura, pilosopiya at medisina. Maging ang astronomiya, geograpiya at aritmitik ay dumedepende dito. Ang Yin at Yang ay nagbibigay ng isang natural na prinsipyo na magagamit natin para maintindihan kung paano ang mga bagay ay nakakaimpluwensya sa ating mga katawan at ang iba’t ibang paraan kung paano natin naiimpluwensyahan ang ating kapaligiran. Ang konseptong ito ay kapos sa mga taga kanluran, hinihiwalay nila ang pagiging tao mula sa kanilang kalikasan, isipan, at mga bagay na nakapaligid sa kanila, imbes na makipag kasundo sa mga bagay na magkakontra, magkaka-ugnay, at ang pinag-isang dalawang katangian ng Yin at Yang.

Ang Yin ay kumakatawan sa negatibo, babae, lamig, pahinga, walang kibo, madilim, panloob, pababa o papabawas. Ang Yang ay kumakatawan sa positibo, lalake, init, pampapasigla, pagalaw, aktibidad, pagkasabik, kalakasan, panlabas o papadami. Sa natural na seryeng ito, ang isa ay laging yumayabong sa kaniyang pinaka sagad at nagsisimulang magpalit anyo. Habang mayroon palaging katangian ang isa na makikita rin sa isa, ang isang mahalagang aspeto ng pilosopiyang ito ay ang mayroon sa kundisyon ng Yang, ang katumbas ng estado ng Yin ay ang kabaliktaran ng Yang. Isang halimbawa ay ang isang positibong pwersa ng Yang ay nagbibigay ng swerte sa iyo, ang katumbas na pwersa ng Yin ay maaring alisin ang swerteng ito. Ang konsepto ay maaring ihantulad sa kasabihang “kung ano ang tumaas ay nararapat bumaba”.

Kaya, mula sa konsepto ng Yin at Yang maari nating maiwasan ang kawalang pag-asa at sakit ng ulo dahil sa mga hadlang, at tanggapin na kung mangyari man ang mga ito, ito ay tunay na kinakailangan at isang natural na pangyayari na importante upang tayo ay manatili sa mundo. Ang pagtanggap sa konseptong ito bilang isang panimula at hindi maiiwasang parte ng ating buhay ay maghahatid sa atin sa panloob na katahimikan at pagiging kontento. Ika nga kasama sa ating buhay ang problema ang mahalaga ay magkaroon ng pokus para ma solusionan ang problema.

Ang pagdirekta ng ating atensyon patungo sa impormasyong gusto natin ay makakatulong upang ating masala ang mga impormasyong hindi kinakailangan. Ang ating isipan ay dapat mamili ng mga may kaugnayang mensahe at huwag pansinin ang mga walang kaugnayan. Halimbawa, ang isang taong nagbabasa ng aklat upang marelax habang nagbabiyahe sakay ng isang tren. Ang ingay mula sa riles ng tren habang umaandar o ang mga taong nag-uusap ay hindi nakakaabala sa taong nagbabasa ng libro. Ang gulo sa paligid ay hindi makabuluhan dahil ang pagbabasa ay ginagamit nya para sa kanyang kaluguran. Kahit na siya ay abalahin, kayang bumalik ng magkakadugtog niyang isipan ng mabilis at madali. Ngunit kung siya ay nagbabasa para mag-aral o nagbabasa ng isang teknikal na libro na nangangailangan ng mas maraming konsentrasyon, siya ay kailangan magbigay ng mas mataas na lebel ng konsentrasyon o magpakita ng galing lumusot mula sa mga pangpagulo at kung siya ay nagbabasa para sa isang pagsusulit dapat gawin nya itong parehas. Ang mga pang-abala ay maaring magdulot ng pagkainis, hindi lang sila nakakasagabal, nakakapigil at nakakasira din ito ng konsentrasyon, ang paglaban dito ay maaring magdulot ng tensyon sa ating mga muscle, hirap sa ating pisikal na katawan at sa ating emosyon. Ang mga panggambala at mga hadlang ay nagbibigay ng pinsala sa ating pagkatao at humahantong sa hindi magaling na pagganap at pagiging produktibo.

Ang paulit-ulit, simple, at mga trabahong ginagamitan ng makina ay mga gawaing hindi madaling tablan ng mga pang-abala kumpara sa mga gawaing mas mahirap na mas nangangailangan ng mas higit na talino at memorya.

Gayunman, may mga nakakatanda na madaling maabala, at siyempre mas malamang sa kaso ng mga bata. Ang kababawan ng atensyon ay makikita natin sa mga bata ngaun ay lubhang nakakaalarma. Ito ay tunay na problema para sa mga bata ngayon, sila ay hindi madaling sumunod at magsikap. Ang pagiging abala ng modernong pamumuhay, ang sobrang panonood ng telebisyon, at ang pagkain ng mga pagkaing madaling lutuin na mataas ang nilalamang taba na hindi nakakapag bigay ng sustansiya sa kanilang katawan, lahat ng ito ay may kinalaman kung bakit ganito ang mga bata ngayon.

Ang isang paraan para harapin ang mga problemang ito ay ang matutong tumingin sa panlabas at pangloob na sanhi nito. Ang mga panlabas na sanhi nito ay maaring aksiyonan sa pamamagitan ng pagawa ng isang kapaligiran na nakakabawas ng mga nakakaabala. Ang mga panloob naman na nagiging sanhi nito ay maaring kontrolin sa pamamagitan ng pagpapakalma sa ating mga sarili at pagiging relax ng ating isipan hanggat maari. Kapag nagawa ang mga ito, maari na natin simulang isipin kung ano ang isyu, pakiputin ito hanggang ito ay maging tiyak, gamitin ang konsentrasyon at pokus.

Gayunman, ang susi upang pakitunguhan ang mga nakakagambala ay ang hanapin ang dahilan kung bakit nga ba tayo naiistorbo ng mga ito.

Mga dahilan ng pagkaabala

May iba’t ibang dahilan na magdadala sa atin sa pagkaabala mula sa ating pagpopokus. May mga taong madaling mawalan ng pokus o mawala na ng tuluyan sa pinopokus. Ito ay maaring sanhi ng kanilang sariling panloob na iniintindi, kawalan ng alam kung paano magpokus, kakulangan ng kagustuhang magpokus o sadya lamang tamad gawin ito. Mawawala tayo mula sa ating konsentrasyon dahil sa panghihimasok ng mga bagay na kinakailangang paglipatan natin ang ating pokus, gaya ng miyembro ng pamilya, radyo, musika, tumutunog na telepono o mga taong nagbibigay ng problema sa atin. Alalahanin ang prinsipyo ng Yin at Yang, ang lahat din ng mga sanhing ito ay may positibong panig at maaring maging kapaki-pakinabang para sa ating kapakanan.

Ang pagbabago ng pokus

Ang isang karaniwang sanhi ng pagbabago ng pokus ay kapag ang ating layunin ay nagbago.

Sinasadyang paglihis ng atensyon

Maari nating sadyaing ilihis ang ating atensyon kapag boluntaryo nating inalis ang ating atensyon sa isang gawain o bagay at ilipat ito sa iba. Ang teknik na ito ay partikular na kapakipakinabang para sa pagagamot ng sarili, kapag inilipat natin ang ating kamalayang mula sa kalagayang may karamdaman patungo sa makabagong estado ng kalusugan at sigla. Sa kaso ng isang sakit o karamdaman, makakakuha tayo ng ginhawa sa pamamagitan ng paglilipat ng ating atensyon mula sa kinalalagyan ng sakit o karamdaman mula sa ating katawan at ang paglilipat nito patungo sa ibang lugar. May mga sandaling ang isang santuaryo na walang karamdaman at sakit ay nagagawa rin sa pamamagitan ng ating isipan upang magbigay sa ating ng pang-araw araw na ginhawa mula sa paghihirap. Ang resultang ito ay makakamit sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng meditasyon at mga ehersisyo para sa ating isipan.

Ang paghahati-hati ng atensyon sa pagitan ng magkakasabay na trabaho

Para mapanatili ang lebel ng pagiging produktibo, ang isang supervisor o manager ng isang team ay nangangailangang harapin din at kumpletuhen ang personal niyang trabaho habang patuloy na nagbibigay atensyon sa lahat ng kaniyang nasasakupan. Habang ang kaniyang atensyon ay tuloy tuloy na nahahati, maari bumaba ang kaniyang husay sa pangangasiwa o sa pagkukumpleto ng kaniyang sariling trabaho. At kapag may lumitaw na problema kung saan kailangang ibuhos nya ang kaniyang buong atensyon upang solusyonan ang partikular na problema, maaring hindi niya mamalayang na napapabayaan na nya ang kaniyang nasasakupan at hindi na ito nabibigayan ng atensyon. Ang mahusay na konsentrasyon at kakayahan sa mahusay na pagpopokus ay makakatulong sa kaniya upang bigyan lahat ng atensyon ng sabay sabay ang bawat problema sa isang situwasyong nangangailangan nito.

Ang iba pang nakakagambala sa atin ay ang ingay o tunog maari itong makapagdulot ng benepisyo o magandang epekto sa ilang tao. Gayunpaman, depende ito sa tunog. Kapag ang isang estudyante ay nagandahan sa isang musika habang siya ay nag-aaral maari itong maging sanhi ng abala. Sa kabilang banda, isang mananalisik mula sa Bulgaria na si Dr. Georgia Lozanov, ang pinagmulan ng “accelerated learning method” ay natuklasang ang musika na galing sa panahon ng Baroque, ay isang musika na banayad pinapatugtog ito habang nag-aaral at ito ay makakatulong para sa mas pag-unlad ng kaalaman.

Ang isang malakas na tugtog o ingay naman ay makakatulong sa paggawa ng madadaling trabaho, ngunit makakabawas sa mahusay na pagawa ng isang mas mahirap na trabaho. Ang mahabang pagkakalantad sa ingay ay makakaapekto sa pagganap ng tungkulin. Halimbawa na sa isang stadium na puno ng mga tagahanga ng mga manlalaro ng football, maaring ang ingay ng mga tagahanga ay magbigay ng sigla at lakas sa isang football player. Gayunman, kung ang isang manlalaro ay nakakaranas ng hirap a paglalaro nito, maaring makapagdulot ito ng pressure at mas maging mahirap para sa kanya ang tungkulin nya, maaring makapinsala ang malakas na ingay sa kanyang paganap. Ito rin ay magandang halimbawa upang ipakita na ang ugali ng tao ay maaring makagawa ng mga bagay na makakagulo sa kanya imbes na makatulong, kung alam mo ang tamang teknik at tamang balangkas ng isipan ang mga nakakagambala sa iba ay maaring makatulong pa sa iyo.

Ang bawat tao ay may kanyang kanyang pagtingin sa kanyang kapaligiran kapag sila ay nagrerelax o nagpopokus. Ang iba ay nakakapag-aral kahit pa may napakalakas na musika silang naririnig, ang mga nagtatakbuhang miyembro ng pamilya sa loob ng bahay, at ang humahampas na pintuan dahil sa ihip ng hangin. Sinasabi nilang kaya nilang panatilihin ang pokus nila sa kung ano ang ginagawa nila. Ang iba naman ay gusto ng madilim na kwarto, walang musika, at kumpletong katahimikan, kung hindi sila ay hindi makakapagpokus. Ito ay tungkol sa paghahanap ng kapaligiran na magbibigay sayo ng pinakapositibong karanasan.

Emosyon, isipan, pangdama

Ang kaugalian natin sa mga bagay na nakakagambala o nakakaabala ay ang basehan kung tayo ba ay maiistorbo o maiinis dahil sa mga ito. Halimbawa, kung tayo ay nagkakaroon ng reaksyon sa mga bagay na nakakagambala sa labas gaya ng mga taong malalakas mag-usap sa isa’t isa, kapag tayo ay magagalit, ang galit na ito ay mas nakakaistorbo at nakakasira sa ating pagawa ng trabaho kaysa sa mismong nakakaabala sa atin.

Pansinin ninyo ang mga taong may maiksing atensyon sa eskwelahan, sa meetings o sa unibersidad. Sa unibersidad, habang may nagtuturo ng isang aralin, may mga estudyanteng umuupo sa harapan at nakikinig, mayroon din sa likod umuupo at nagpapalipad ng papel na eroplano, kinakausap at ginagambala ang ibang tao. Kapag dumating ang araw ng pagsusulit sila rin ang mga tao na natataranta, walang alam sa kung ano ang gagawin at karaniwang nanggugulo pa ng ibang estudyante para lang huminge ng tulong. Ang mga estudyanteng ganito ay may iba’t ibang rason kung bakit sila nagiging hangal sa klase, hindi karaniwang dahilan ang kawalan ng interest sa isang paksa, dahil kung wala silang interest dito hindi na dapat sila pumasok pa. Ang sanhi ng kanilang pagkaabala ay dapat matukoy dahil maaring ang sanhi nito ay sobrang pagod, pagkainip, gutom, kawalan ng kakayahang magkaroon ng konsentrasyon o dahil ng sila ay bata pa halos binibigay ang lahat sa kanila ng walang kahirap hirap.

Kahit na ang pagkakaroon ng distraksyon ay nakakasira sa mahusay na paganap, ang taong nagtratrabaho ng sobra ay maaring tignan ang pagkakaroon ng abala bilang oportunidad para makapagpahinga at magrecharge ng ilang minute. Sa sandaling ito maaring huminga ng malalim, banatin ang mga kasukasuan, at maglagay muli ng enerhiya upang muling sumigla.

Dalawang kasong pinag-aralan

Ang pagiging madaling magambala, ang pagranas ng kahinaan sa lakas ng ating konsentrasyon at ang paghina ng tindi o ang buong kakulangan ng konsentrasyon ay dahil sa karamdaman, pagod, pagkabagot o kawalan ng interest. Halimbawa ay kung nawala ang ating konsentrasyon at naibagsak natin ang ating mga pagsusulit, ang ating kabuuang pokus ay maaring hindi masyadong naapektohan dahil alam natin na maari nating ulitin ang isang araling naibagsak at maaring kumuha ulit.

Si Jeff, isang estudyante sa chemistry, ay nagkwento tungkol sa kaniyang pagsusulit sa biochemical engineering, sinabi nyang sa buong semester siya ay walang pokus sa paksang ito at patuloy na nagbibigay lamang ng konting atensyon para dito, at bilang resulta nito kakaunti lamang ang natutunan nya tungkol sa paksang ito. Siya ay nag-alala at problemado at naisip nya na kapag hindi niya naipasa ito uulitin na naman niya ito sa susunod na semester, na siyang ayaw niya mangyari at wala rin siyang kakayahang magbayad pa muli. Sa pamamagitan ng pagpopokus ng buo niyang atensyon para sa limitado nyang alam tungkol sa araling ito, nagawa niyang ibigay ang makakaya at naipasa niya ito, kung ikukumpara sa araling ito, siya ay magaling naman sa matematika. Alam niya ng buong buo ang araling matematika at tiwala na papasa siya nang may mataas na marka.

Sa unibersidad, ang mga estudyante ay karaniwang binibigyan ng labing limang minute para basahin ang papel para sa pagsusulit bago sila pahintulutang sumulat. Minsan si Jeff ay babasahin ito sa loob ng unang limang minute at gagamitin ang natitirang sampung minuto sa pag-abala sa kanyang sarili, gaya ng pagtingin tingin kung nasaan ang kaniyang mga kaibigan at paglingon lingon sa paligid. Kung saan saan nakatingin ang mata niya sa loob ng kwarto ng pagsusulit. Sa puntong ito ang sakuna ay maaring umatake, kapag hinahayaan natin ang ating mga sarili na mawala sa pokus.

Higit pa rito, napag-alaman ni jeff na siya ay hindi nagpokus sa mga paksang hindi niya gusto o mga paksang inaakala niyang hindi nya kakailanganin para sa kaniyang karera. At ito ngayon ay nagresulta sa panganib na maari niyang ibagsak ang mga araling iyon. At sa kasong iyon kailangan kaagad gumawa ng paraan o makahanap ng dahilan upang muling maging interesado sa mga ito ay muling makapagpokus.

May panganib rin na kung tayo ay marami ng nalalaman tungkol sa isang paksa o situwasyon, hindi na tayo nagpopokus ng mas matindi sapagkat tayo ay komportable na alam na natin ito. Hindi natin nararamdaman na may pangamba sapagkat kampante na tayo sa ating nalalaman. Kailangan tayo ang gumawa ng dahilan para tayo ay bumalik sa pokus. Hindi natin dapat hayaan ang ating sarili na mahulog sa isang bitag na ang alam natin ay pangkaraniwan lamang.

Si Debra, isang occupational therapist sa isang psychiatric hospital, ay nagkwento tungkol sa kung paanong ang trabaho niya ay mahalaga sa mga taong nangangailangan ng tulong para malampasan ang kanilang mga kapansanan.

Nakahanap siya ng tatlong aktibidad na partikular na nagbibgay benepisyo sa mga taong nahihirapan dahil sa schizophrenia isang uri ng sakit sa pag-iisip. Ang Tai Chi, pagamit ng kompyuter, at ang isang teknik sa paguhit na gumagamit ng kanang bahagi ng utak ay nagpakita ng paghaba ng atensyon sa ilang tao. Ang prinsipyong ginagamit sa tatlong aktibidad na ito ay may magkakamukang elemento na nagbibigay ng positibong resulta, habang siya at ang iba pa ay nakaranas ng hirap sa pagsasagawa ng ibang aktibidad na sinubukan nila. Sa yugtong ito, si Debra ay patuloy na naghahanap ng kamukhang elemento; na magbibigay din ng positibong resulta.

Ang Tai chi at ang teknik sa paguhit ay parehas na higit na gumagamit ng kanang bahagi ng utak, habang ang paggamit ng kompyuter ay lohikal na pagamit ng kaliwang bahagi ng utak. Ang elementong pinagsasaluhan ng mga aktibidad na ito na tinukoy ni Debra ay dahil ang tinatawag na patterns ay mahalaga sa bawat isa, ang patterns ay ang paraan kung paano ang pangyayari o bagay ay isinasaayos. Ang bawat hakbang sa kanilang aktibidad ay may kinalaman sa bawat isa, ang bawat hakbang na ginawa sa una ay konektado sa mga susunod pa.

Ang mamumungkahi ko ay sa pamamagitan ng pagsasama ng kanan at kaliwa nating bahagi ng utak, ay makakagawa ng kabuuan ng ating pagkatao na kung saan makakapasok tayo sa isang estadong mapayapa at may balanse habang tayo ay may kapayapaan sa ating sarili, na makakaya nating tagalan ang mga aktibidad sa mas mahabang oras at sa mas kaunting stress. Ito ay makakatulong para tayo ay makapagpokus ng buong buo sa aktibidad na ating ginagawa. At ang resulta ang kakayahan nating mapanatili at mamemorya ang mga inpormasyon ay mas tumataas dahil ito ay madali na para sa atin nag kakaroon din tayo ng mataas na kapasidad upang makatanda, tayo ay patuloy na magiging masaya sa ating aktibidad habang natututo.

Ang Yin at Yang: Ang balanse

Ang abala at konsentrasyon ay mga natural na elemento, gaya ng Yin at Yang, at gaya nila dapat tayo ay maging balanse upang maging pokus. Habang ako ay yumuko upang wasakin ang patong patong na tabla, kung ako ay masyadong Yang (matigas, mahigpit, banat) ang pagwasak ay hindi magiging matagumpay. Kung sobra naman ako sa Yin, masyado akong magiging mahinhin, mahina at maluwag. Ang magaling na pagamit ng balanse ng Yin at Yang ang nagsasabi ng abilidad natin upang maging matagumpay.

Ang totoo nito, habang ikaw ay pokus, ang iyong malay tao ay nawawala, hindi mo na namamalayan na ikaw ay gumagamit ng konsentrasyon. Nagiging parte ka na ng pagsisikap, maging pagwasak, pag-iisip, pagkanta, pagtakbo o pagsusulat. Nararamdaman mo ito sa lahat ng sulok, makakaya mong gamitin ang lahat ng iyong pandama ng sabay sabay, magiging kaisa ka ng iyong ginawa.

Kapag sobra kang nagsisikap ang pagsisikap na iyon ay maaring maging limitado. Ang isang Kung Fu master at maestro na si Steeve Kiat, isang mataas na lebel na atleta, ay nagpaliwanag na kapag tayo ay sobrang nakatuon na maperpekto ang sandali, ang kaniyang galaw ay hindi natural na aagos. Siya ay magdurusa sa pananakit at paninigas ng kanyang mga kasukasuan na makakaapekto sa kalidad ng kanyang pagganap. Kapag nakikita nya ang kaniyang sarili na nagagawa ng tama ang kanyang galaw sa mata ng kanyang isipan, at ginawa ang kanyang pagganap ng siya ay nasa pinakamahinahon na estado, ang isang tiyak na mahika ay mangyayari.

Bilang resulta ng ating modernong pamumuhay, tayo ay dumuduyan-duyan sa gitna ng Yin at Yang sa sukdulang pag-uugali, tayo ay patag sa isang sandali at tayo ay magiging parang gulay nalanta sa susunod. Minsan sobrang haba ng ating pagiging lanta dahil sa labis na karga ng ating mga isipan, katawan at mga pandama sa puntong tayo ay pagod na pagod, at tayo ay mahihirapan na makaya pa ang mga susunod. Ang mga bagay ay nangyayari ng sobrang bilis na ang ating mata at tenga ay nakakaranas na ng hirap upang mangalap at tumanggap ng inpormasyon upang ilaman sa ating utak.

May mga oras na nagbibigay tayo ng sobrang liit na inpormasyon at pampasigla ang kakulangan ng nito ay nagpapamanhid sa ating mga utak. Ito ay bumabagal at lumilipat sa moda kung saan ito ay naghihintay lamang magamit at malagyan ng mas maraming inpormasyon. Habang may tiyak na panganib at pag-aaksaya habang ang utak ay nasa ganitong moda, may mga pagkakataon na ang pagtigil na ito ng ating utak ay kinakailangan upang tayo ay makapag muni muni at makapagrelax. Ang Yin at Yang ay nararapat na bumuo sa isa’t isa, sapagkat sila ay parte ng pag-iral ng bawat isa. Ang balanse ang susi.

Ang pagkakaroon ng boluntaryong atensyon at kontrol (Yang) ay tumutulong maialis ang mga gambala (Yin). Sa kundisyong iisa lamang ang ating iniisip, ang atensyon ay hindi nahahati sa magkakaibang inpormasyon o gawain. Iisang bagay ang nagagawa sa isang sandali. Kapag ito ay natapos, tsaka tayo uusad sa susunod. Mas mahusay at epektibo tayo kapag tayo ay nakatuon sa iisang bagay. Ang isang matinding konsentrasyon at atensyon sa iisang bagay ay natural na nagpapahirap sa pag asinta ng iba pang bagay. Ito ang kalikasan ng pagtuon sa iisang bagay, ito rin ay nakakapigil ng abala. Gaya ng Yin at Yang, ang mga abala o istorbo ay magpapatuloy na maging bahagi ng ating buhay, hinihimok kita na hanapin mo ang iyong daan, tanungin ang iyong sarili, tumuklas at lumikha ng natural na kapaligiran na makakatulong sa iyo upang maging kompletong masangkot at lubos na nakapokus sa iyong tungkulin. Sa paraang ito mapapanatili mo ang iyong balanse.

Ang pag-iwas sa mga nakakagambala

Habang ang mga iniisip ay lumilitaw at nawawala, ang pagpopokus sa kasalukuyang sandali, ang nandito at ang ngayon, ay isang paraan para kontrolin ang mga nakakagambala sa ating iniisip. Sa isang manlalaro ng golf iniisip na nya ang susunod na paghampas sa bola, sa isang martial artist ang kanyang paghinga at sa isang salesman ay isang tagabili. Ang pagsupil sa pisikal, mental at emosyonal na tension ay nakakatulong din.

Ang dalawang paraan para maiwasan natin ang abala ay ang pisikal na pagtatanggal ng mga bagay na nakakaistorbo sa atin at matutunan ito alisin gamit ang isip, sapagkat ito ay mas mabisa. Ang mga pagsasanay na narito sa aklat ay ang mga paraan para gamitin ang ating isipan.

Para matulungan kayong alisin sa isipan ninyo ang mga istorbo, ang dalawang teknik sa meditasyon ay maaring gamitin ng nakaupo at gumagalaw.

Para sa teknik na nakaupo, gawing komportable ang inyong sarili sa upuan o sa sahig. Maaring gamitin para ipokus ang isang simbolo, bagay, tunog, himig, o maging ang sarili nyong paghinga. Habang nagpopokus, ang inyong isipan at pakiramdam ay ilalapat lamang sa isang partikular na bagay. At payagang ang buong isipan mo ay hindi mag alala sa ibang mga bagay gaya ng mga bayarin, pag-aasawa, o problema sa trabaho. Ito ay nagbibigay ginhawa mula sa araw-araw na problema.

Ang meditasyon na gumagalaw ay nakikita na natin mula sa aktibidad na gaya ng Tai Chi, Kung Fu, pagpipinta at ballet. Habang nageehersiyo, halimbawa, ang sobrang konsentrasyon at enerhiya ay kinakailangan para ang iyong katawan ay gumana sa paraang gusto mo at hindi ka dapat mag-aalala sa mga bagay na gaya ng iyong plantsahin na naiwan mo sa bahay. Imbes na ang meditasyon nang nakaupo ang iyong gamitin, ang mga pangangailangan ng iyong katawan at isipan ay ang mga angkla na nagpapalaya sa iyo sa ano pa mang bagay.

Ang iba pang teknik at pagsasanay na ituturo sa aklat na ito ay makakatulong din kung paano mapipigilan ang mga abala. Ang mga pagsasanay na ito ay nagbibigay ng mas malakas na pag-iisip, at ginagawang mas matibay ang isip laban sa mga nakakagambala at nagbibigay ng abilidad na tangalin lahat ito at makapapokus ayon sa iyong kagustuhan.

Ang ibang teknik ay kagaya rin nang ginagamit sa intensyonal na pagpopokus. Kapag naranasan mo na ang pakiramdam ng nakukuha mo na ang gusto mo gamit ang mga teknik na ito, lalakas ang abilidad mong salain ang mga paparating na impormasyon upang ialis ka sa mga bagay na nakakaabala. Kahit na madali lamang matutunan at gawin ang mga teknik na ito, ang pagiging maestro dito ay nangangailangan ng regular at masigasig pagsasanay.

Hindi natin matatamo ang kahit anong maganda sa ating buhay hanggat tayo ay aktibong nagpopokus. Tayo ang nagtatakda ng ating mga layunin, at tayo ay nangangailangang magpokus sa mga hakbang na magdadala sa atin upang makamit ang mga layunin. Ipalagay mo kung ano ang mangyayari sa iyo at sa buong mundo kung lahat tayo ay hindi nakakapagpokus. Isipin mo rin kung gaano kabuti sa mundo kung tayong lahat ay nakakapagpokus ng epektibo.

Mga paraan para mapigilan ang pagkagambala

Tanggapin na ang abala ay natural na bahagi nga ating buhay. Maaring sila ay nakakainis o paraan para magkaroon ng sandaling ginhawa.

Intindihin ang iyong sarili; kung paano ka mas makakapagtrabaho ng mahusay, mag-aral at maglaro.

Gawin ang iyong aktibidad sa kapaligirang mas komportable sa iyo; tanggalin ang mga makakaabala sa labas o kontrolin ang mga nakakaabala sa loob gaya ng mga iniisip, emosyon at pakiramdam.

Subukan ang mga kusang mungkahi gaya ng “Ako ay interesado lamang sa isang bagay sa sandaling ito”.

Gamitin ang pagpopokus sa iisang bagay; ibigay ang lubusang atensyon sa iisang bagay sa isang sandali huwag hatiin ang iyong atensyon.

Kabanata 3

Ang kahalagahan ng determinasyon
“isaisip mo na malayo ang iyong mararating”

Iniisip ko kung ang mga kabataan ngayon ay maaring pintasan sa pagkawala ng determinasyong mabuhay, upang magtagumpay at makamit ang layunin. Gayunman, naniniwala ako na ang mga problemang kinakaharap nila ngayon ay dahil sa kanilang mga magulang.

Ang tagapagtatag ng Youth in Search, ay malinaw na isinaad na ilang dahilan, ay maisisisi sa mga magulang na nagbibigay ng maliit o walang pag-ibig at pag-aalaga sa kanilang mga anak. Tinutukoy nila ang mga batang, nasaktan sa buhay, at wala nang determinasyong ituloy ang kanilang buhay. Marahil ang pakikipagsabayan sa kultura mula sa kanluran ay nagpapatigas sa puso ng ilang tao.

Habang ang Australia, ay minsang binansagang maswerteng bansa, ay kasalukuyang humaharap sa napakataas na bilang ng mga kabataang nagpapakamatay sa buong mundo, nakikita natin ang mga kabataang may malubhang pinsala at nagdurusa sa iba’t ibang problema gaya ng paghihiwalay ng pamilya, pressure, pagkalito, kawalan ng direksyon o pagsasawalang bahala sa halaga ng buhay. Ang nakakabahala pa ang mga nasaksihan ko sa komunidad, ang mga kabataang hindi alam kung ano ang hinahanap nila sa buhay. Ang pagtaas ng pagpapakamatay na ito ng mga kabataan, kawalan ng trabaho at kahirapan sa buong mundo, nagpapakita ito na tayo ay alipin ng kaginhawahan ng modernong pamumuhay at hindi na natin naturuan ang ating mga sarili kung paano gamitin ang mga ito para sa ating kapakanan. At ang resulta nito ay ang kawalan natin ng determinasyon, katatagan at paninindigan. Ang mga panloob na katangian at kapangyarihan, kaakibat ng kawalan ng malinaw na pag-iisip at karunungan, ay hindi nagpapalakas ng ating kagustuhang gawin ang kahit ano para lang magtagumpay at hindi ako susuko.

Ang paglikha ng mahusay na pagamit ng determinasyon

Kailangan nating pahusayin ang ating determinasyon at palakasin ito ng sapat upang magsilbi sa atin sa ano mang hamon ng buhay, maging ito man ay pagpapaganda ng kalusugan, para makatulong sa paghahanap ng trabaho o maging ang pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ang mga aktibidad na magbibigay sa atin ng malakas na determinasyon ay ang ang mismong pinili natin. Sa pagpili ng isang positibong bagay, tayo ay mas nagkakaroon ng mahusay na kaugalian. Habang ang tatag ng determinasyon ay mahalaga, gayon din ang mahusay na pagamit nito. Kaysa ang hayaan natin ang ating bugso ng damdamin at kagustuhang mangyari na lamang ang mga bagay bagay, maari nating mahusay na gamitin ang ating determinasyon para mangyari ang mga ito. Ang pwersa ng determinasyon ay isang malaking tagapagbigay ng kapangyarihan sa pagpopokus. Ang ating determinasyon ay maaring lumakas sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay. Ang simplisidad ng panloob at panlabas na buhay, maging ang pagpapalakas ng panloob na kapangyarihan ng pagsisikap, konsentrasyon, buong pagpopokus at layunin, ay magiging pangontra sa ating modernong pamumuhay na sumisira sa ating determinasyon. Kahit na nangangailangan din tayo ng ilang dami ng pressure at stress, lakasan lamang natin ang ating determinasyon para sa ibang tao at tulungan natin silang manatiling nabubuhay. Ang ibang tao ay labis na naapektohan ng sobrang stress at pressure, maging ang sobrang bilis ng maginhawang pamumuhay, lahat ng ito ay nakakapagpababa ng ating pisikal at mental na kalusugan at dumadagdag sa ating kawalan ng kakayahang magpokus. Ang prinsipiyo ng mga Taoist ng “simplisidad” ay kunumpirma ni Assagioli, na nagsulat na ang buhay ay maaring gawing simple sa pamamagitan ng pagpipigil sa atraksyon ng modernong mundo at ang pagmamadali nitong makisabay, maalis at maiiwasan ang mga hindi naman kinakailangang komplikasyon, sa pamamagitan ng aktibong pag-sali sa mga relaxation at pagiging malapit sa kalikasan. Ang simplisidad ay ang pagsuko sa mga bagay, gawain o aktibidad na hindi naman kinakailangan. Kapag nagawa mo ito, ang isang pakiramdam ng muling pagkabuhay ay mararanasan.

Upang magamit mo ang kapangyarihan ng determinasyon, kailangan nating malaman na ito ay umiiral sa bawat isa sa atin, upang magamit kapag kinakailangan. Kapag tayo ay nagsanay at gumamit nito, tayo ay magkakaroon ng malalim na relasyon sa kaibuturan ng ating katauhan. Sa puntong ito ang tagumpay ay mahahantungan.

Para matulungan kang matapos ang layunin mo sa buhay, hayaan mong ang iyong kalooban ang mismong magdesisyon sa kung anong dapat gawin. Ang pagkontrol mo sa iyong kalooban ay katulad ng pakikipagkasundo na gawin ang mga bagay na kinakailangan para matapos ang trabaho. Ang ibig sabihin nito ay ang pagtiyatiyaga sa tungkulin kahit na kaharapin natin ang mga hadlang at pagsubok. Hindi mahirap na turuan ang iyong kalooban, kahit na minsan may kakulangan ka sa determinasyon. Ang ating ambisyon at dangal ay tutulong sa atin upang lumakas ang kakaunting enerhiyang mayroon tayo. Ngayon ito ang mga itatanong ko sa iyo:

Madali ka bang sumuko?
Gumagawa ka ba ng opportunidad para sa sarili mo at sa mga nakapaligid sayo para mapalakas ang iyong determinasyon?

Pinapadali mo ba ang mga bagay para sa ibang tao? O dapat sila ang tumuklas para sa sarili nila?

Masyado ka bang nakikibagay sa mga pangyayari at masyadong maraming pagpipilian ang nagpapahina sa iyong determinasyon?

May kakayahan ka bang magtiis at magtagumpay sa mga bagay na iyong gusto sa buhay?

Mga pagsasanay para buuin ang iyong determinasyon

Maraming mga simpleng pagsasanay o laro na maaring isama sa ating pang araw-araw na buhay upang makabuo ng determinasyon. Minsan magandang gawin ang mga bagay na hindi natin gustong gawin, gaya ng pag-eehersisyo, pagbabawas ng pagkain, pagtatanim ng halaman o paglilinis. Mas nakakakuha tayo ng mas magandang benepisyo kapag partikular nating hindi gusto gawin ang isang tungkulin. Mas magiging masaya ka sa paggawa ng mga ito kapag inisip mo na ginagawa mo ito para palakasin ang iyong determinasyon. Ang patuloy na pag-gamit sa ating determinasyon ay lalong nagpapatatag nito. At humihina naman ito kapag napapabayaan.

Ang pagsunod sa mga simpleng pagsasanay ay nakakatulong na buuin ang iyong karakter at tiyaga, maging ang lakas ng iyong determinasyon. Maari kang gumawa ng sarili mong pagsasanay. Gawin mo itong simple at madali. Mas madali mas mabuti, hindi ito dapat maliitin sapagkat ito ay magbibigay ng benepisyo sa iyong kalooban at kalusugan.

Maglaan ng oras araw araw upang magsagawa ng aktibong ehersisyo sa paghinga upang palakasin ang iyong kalooban at magkaroon na din nang benepisyo sa iyong immune system. Huminga sa bilang na tatlo, pigilan ito sa loob ng labing dalawang segundo at ilabas ito sa loob ng anim na segunda. Ulitin ito ng maraming beses hanggat makakaya. Huminto kung nakakaramdam ng pagkahilo.

Pumorma nang parang sasakay sa kabayo, ilagay ang iyong kamay sa iyong balakang. Panatilihing derecho ang iyong likod at ulo. Ipikit ang mata kung kinakailangan at magmedidate. Orasan ang iyong sarili at habaan ang durasyon nito bawat araw. Ito ay magpapalakas ng iyong muscle sa hita at sa balakang, magbibigay ito ng pisikal na lakas sa iyong binti at makakatulong ito sa pagharap mo sa mga pagsubok.

Ilagay ang iyong mga paa kapantay ng iyong balikat, ibaluktot nang kaunti ang iyong tuhod. Itaasa ang palad ng isang kamay kapantay ng iyong baba. Irelax ang iyong balikat. Hanapin ang Lao Gong point sa gitna ng iyong palad at ipokus ang lahat ng iyong konsentrasyon ito. Makakaramdam ka ng init at nakakakiliting pakiramdam sa iyong palad. Orasan ang iyong sarili at habaan ang bawat sesyon. Ang pagsasanay na ito ay tumatawag sa enerhiya ng Chi upang dumaloy sa iyong mga dulo ng daliri.

Maglagay ng nakasinding kandila sa kapantay ng iyong mata, ilagay ang konsentrasyon dito. Tignan kung gaano mo kayang ilagay ang iyong konsentrasyon sa kandila nang hindi naabala. Orasan ang sarili sa bawat sesyon. Maari kang umupo habang ginagawa ang pagsasanay na ito.

Lumakad papunta sa tindahan imbes na gumamit ng sasakyan. Buhatin mo ang mga pinamili mo pauwi sa bahay. Harapin mo ang ano mang hirap na mararanasan, ito ay magpapatatag sa iyong kalooban. Magugulat ka na kaya mo pala gawin ang maraming bagay higit pa sa dami nang iyong pinamili.

Iwasan ang tsaa, kape at softdrinks sa isang buong araw. Palitan ito ng tubig na puro o herbal tea, lalo na sa mga may karamdaman o sakit na dinadamdam.

Iwasang kumain ng karne sa loob ng isang araw. Palitan ito ng gulay at dahan dahang damihan ang mga araw na hindi kumakain ng karne.

Nguyain ang kinakain nang halos 26 na beses hanggang ito ay maging likido sa iyong bibig.

Mula ngayon magsit-ups ng hindi bababa sa 100 bawat araw upang patatagin ang muscle sa iyong tiyan. Kung kinakailangan hatiin mo ito sa limang sesyon na tig 20.

Mula ngayon sumali sa isang programa ng ehersisyo na tatagal ng 30 minuto araw-araw.

Habang isinasagawa ang mga pagsasanay na ito, natuklasan ko na ang ligaya ay hindi ang pagtapos sa mga ito kundi ang pagdiskubre sa aking lakas at kahinaan. Ang saya ng may nakakamit at ang pakiramdam nang mas lumalakas. Nalaman ko ang aking lakas nang kalooban sa pamamagitan ng pagpapakahirap sa mga pagsubok gaya ng pisikal na paghihirap at emosyonal na reaksyon. Minsan ang pakikiharap sa mga pwersang kumokontra sa atin ay ang mismong aral na matutunan natin. Ang pagbubuhat nang mabibigat na pinamili pauwi ng bahay ay ang tunay na pagsubok para sa akin. Natutunan ko na maraming pera ang aking inuubos sa mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan at mabubuhay naman ako nang wala ang mga ito. Sa pisikal at mental na pagsisikap na kinailangan, may mga sandaling pakiramdam ko ay hindi na ako makakaalis pa, at ako’y susuko na. Sa sandaling iyon isang mahika ang lumitaw na parang dinala ang katawan ko sa ibang lugar at may lumabas na kapangyarihan mula sa kaloob looban ng aking sarili na muling nagpuno ng aking lakas at bumuhay sa nawalang enerhiya mula sa akin. Parang ako’y nakarating na sa mas mataas na antas ng aking sarili. At pinasalamatan ko ang aking determinasyon. Ang iluminasyong ito ay nagbigay sa akin ng panibagong pakiramdam ng kumpiyansa, lakas, seguridad at kaligayahan sa mas malakas na pakiramdam, at kabuuan, na nagdudugtong sa akin at sa nasa loob ng aking sarili.

Sa mas malakas at makapangyarihang determinasyon at kakayahan, mas naramdaman kong ako’y buhay, mas masigla, mas malakas upang magdala ng positibong pagbabago na magbibigay benepisyo sa aking sarili at sa iba. Ang pagiging maestro ng aking sarili, maari rin mangyari sa iyo ito. Ang pagkontrol sa kakayahang magdisiplina at magsanay. Kailangan mo lang ng lakas ng loob, enerhiya at pagsisikap upang ito ay umepekto sa pinakamalakas na antas na magbibigay ng kapangyarihan, saya, at katiyakan.

Ang malakas na loob at determinasyon ay kailangan sa atensyon na may pagpopokus. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong determinasyon upang dalhin ka sa iyong pangarap, at layunin. Lagyan mo ng puso at apoy ang kagustuhan ng iyong kalooban at gamitin mo ito.
SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)/

Kabanata 4

Ang pormula ng pagpopokus ay maaring gamitin sa pangkalahatan, anoman ang kalagayan mo sa buhay, situwasyon o trabaho. Ito ay tutulong sa iyo upang magamit ang intentional focus nang mahusay at palawakin pa ang iyong personal na kapangyarihan at husay. Ito ay susi ng superfocusing.

Kahit na tayo ay kailangang magpokus sa iba’t ibang gawain, iisang pormula lamang ang ating gagamitin. Isipin mo kung iba’t ibang pokus ang kailangan mong gamitin sa bawat gawain, siguradong mawawala ka sa iyong pokus. Upang maging matagumpay gamitin mo ang parehas na pormula kapat ikaw ay nagpopokus. Ito ay ang pormulang magagamit mo nang madali sa anumang oras.

Ang buong relaksasyon, layunin, ang pagsesentro, ang kaisahan ng isip, katawan at espirito at ang pagtingin sa mata ng iyong isipan. Iyan ang mga sangkap na kailangan mo maintindihan upang magawa mo ang buong pormula ng pagpopokus. Habang ginagawa ang aklat na ito natuklasan ko na ang karunungan mula sa nakatagong katalinuhan ay kailangan sa ating henerasyon; ito ay magmumula sa pwersa galing sa mataas na antas nang ating sarili. Nilalaman nito ang mga mensaheng kailangan natin ngayon. Mas epektibo at produktibo upang makamtan ang tagumpay.

Kabanata 5

Ang buong relaksasyon

Kung naramdaman mo lamang ang kapayapaan nang isang beses, ito ay pagyayamanin mo habang buhay.

ibaba ang antas ng pressure

Upang magkaroon ng konsentrasyon at pokus nang mabisa, kailangan kang maging relaxed. Ibig sabihin, ang pinaka mahalagang bahagi ng pagpopokus ay ang buong relaksasyon.

Ang buong relaksasyon ay ang buong katahimikan nang iyong isip at katawan ito ay para mabuhay at malinis muli ang ating mga sarili. Ito ay kailangan para sa kompletong pagpopokus. Imbes na sayangin ang enerhiya sa tensyon, maari natin ito idirekta sa mas maayos na lugar upang palakasin ang ating husay at palakihin ang ating tagumpay.

Ang isang atleta na puno ang isipan tungkol sa kaniyang makakalaban ay maaring hindi na makapagpokus sa sarili niyang pagsasanay; ang isang estudyanteng problemado sa kanyang pagsusulit ay maaring mahirapan lalo sa pagsagot nito at gumanap ng mahusay; ang isang manggawa na sumasailalim sa sunod sunod na pressure sa trabaho ay maaring mabawasan lalo ang galing sa paggawa.

Upang tayo ay makagawa nang mahusay, kailangan magpahinga din tayo nang mahusay. Ang pagtatrabaho nang sobrang pagod ay hindi mainam sa trabahador, nagbibigay lang ito ng init ng ulo sa pakikitungo nya sa mga katrabaho, at bumababa lamang ang kalidad ng husay sa kanyang ginagawa. Kapag siya ay umuwi na sa bahay, siya ay mas nagiging irritable sa kanyang pamilya. Hindi makatulog nang maayos sa gabi at sa kinabukasan mas mararamdaman niyang siya ay mas pagod na pagod. Kasunod nito hihina ang depensa niya laban sa sakit, ang kumpanya ay mapeperwisyo at siya rin dahil kailangan niya ng mahal na halaga upang magpagamot sa doctor. Ang resulta ay ang dagdag na trabaho nauwi rin sa kawalan ng produksyon imbes na makadagdag sa pakinabang.

Ang sobrang pagtatrabaho na tinatawag na rin nakaugaliang pagtatrabaho na lagpas na sa kakayahan mong makarecover sa mga oras nang iyong pahinga at ito ay malaking panganib sa lipunan. Ang maayos na pagtulog ay hindi lamang ang solusyon, ang pagpapalaya nang iyong isipan at katawan sa trabahong naghihintay sa labas ay kinakailangan. Kahit na ang pagsobra sa trabaho minsan ay nagpapalakas ng karakter, ang pagiging matatag at pagkakaroong ng commitment sa mas mahabang panahon ay mas matalinong desisyon.

Ang katawang relax ay nagdudulot ng relax na isipan. Ang pagod na katawan ay nakakaapekto sa isipan, at ang sarado at makipot na pag-iisip ay nakakapekto rin sa katawan. Ang tensyon sa isip at katawan ay maaring alam natin, ngunit mas delikado kung hindi natin alam na nangyayari na pala sa atin at tayo ay naapektohan na nito.

Ang mental na tensyon ay nagdudulot ng pagkabalisa, kawalan ng konsentrasyon, kakulangan ng kumpiyansa, at pagdududa sa sarili. Ang pisikal na tensyon ay pumipigil sa pag-galaw ng mga muscles, nagdudulot ng paninigas at pananakit ng kasukasuan, ang emosyonal na tensyon gaya ng pagkabigo o galit ay magdudulot ng matigas at hindi sumusunod na pag-iisip. Lahat nang ito ay nagpapahina sa sirkulasyon ng ating dugo at sa enerhiya ng Chi, ang sobrang pagod ay nagbibigay daan sa mga karamdaman upang pumasok sa ating katawan gaya ng depresyon, mataas na presyon ng dugo, at rayuma. Ang resulta mas maraming oras ang kailangan natin para gumawa ng simpleng gawain, pagkaubos ng reserbang lakas, kalusugan at pagkatao.

Ang malusog na produksyon maging ang personal at tagumpay ng mundo ay hindi makakamtan hanggat wala tayong malusog na isip at katawan na mayroon dapat sa isang indibiduwal.

Ang pagiging buo ang relaksasyon ay nagbibigay daan upang ang ating potensyal ay mas lumabas, at makamit ang mga bagay sa mas maikling oras. Ang mga resultang ito ay nakakamit nang mga kasali sa ating Dtef training programs sa pagsasagawa ng superfocusing:

-Positibo, hindi madaling masiraan ng loob at masayang pakiramdam.

-Ang pagkakaroon ng kontrol, kapayaapaan at pagiging kalmado.

-Sigla, determinasyon, motibasyon, sigasig at linaw ng isipan.

-Pagtaas ng produksiyon at pagiging malikhain.

-kakayahang alamin at solusyunan ang problema.

-Pagiging masaya sa buhay at balanse sa gitna ng pressure sa trabaho at buhay pamilya.

Sa pagkukumpara ng kanluran at silangan pagdating sa pamamaraan na kanilang sinusunod, hindi ko layuning manirang puri sa kanluraning pamamaraan. Ang mga teknik nila ay ginagamit rin ngayon kahalo ng siyentipikong karunungan ng kanluran at ang malawak na pagsasaliksik ng mga sinaunang taga silanganan. Ang parehong modernong pamamaraan ng kanluran at silangan ay parehong may pakinabang.

Ang pamamaraang ginagamit sa kanluran

Ang kaalaman nang mga taga-kanluran ay tradisyon nang humaharap sa mental at pisikal na relaksasyon bilang hiwalay at isang naiibang aktibidad, ang bawat isa rito ay nabibigay ng kani-kaniyang benepisyo. Habang may maganda tayong dahilan para dito, may mga kapintasan parin tayong makikita rito.

Ang pag-aalis ng mental na tensyon ay maaring makuhang benepisyo mula sa pagbabasa ng libro, ngunit depende kung anong klase ng libro. Ang isang nakakatakot na babasahin ay hindi nakakarelax basahin para sa isipan kung tayo ay maghahanda para sa isang eksaminasyon. Habang ang isang nakakaaliw na nobela ay maaring magbigay ng magandang pakiramdam at makapagparelax, ang pagbabasa habang napapabayaan na ang ating katawan ay maaring magbigay ng hindi magandang epekto.

Karamihan sa publiko ay naglalabas ng pisikal na tensyon sa pamamagitan ng pagpunta sa isang gym. Sa mga may sobrang timbang mas gusto nilang lumabas at ilakad ang kanilang alagang aso. Maliit lamang ang nagagawa natin para sa pagrerelax ng ating emosyon.

Ang balanse ay kinakailangan. Kung pipiliin nating magbasa na lamang ng libro para marelax, napapabayaan natin ang ating muscles at mga buto ang nagkakaroon ng kakulangan sa pisikal na kalusugan at ang buong katawan ay magdurusa sa mahinang sirkulasyon ng dugo at oxygen papunta sa ating mga tissues. Sa kabilang banda, ang pag eehersisyo gamit ng mga weights ay nakakaalis ng pisikal na tensyon, ngunit kapag tayo ay pagod na sa buong araw na trabaho at daragdagan mo pa nito, ito rin ay hindi makakatulong. Ang alcohol at drugs ay isang uri ng pag-aabuso sa pisikal at mental nating kalusugan kung ito ang gagamitin natin pang-alis ng tensyon.

Hindi lamang ang mga paraang ito ang humaharap sa tensyon ngunit sila din ay parehong ekslusibo, maaring sila ay nakakaubos ng oras at delikado rin sa kalusugan. At sa pag-gamit ng pamamaraang ito, kailangan mo ng tatlong magkakahiwalay na aktibidad, para sa iyong isip, katawan, at emosyon. Ngunit may isa pa, mas mahusay at pangkabuuang paraan na ginagamit na sa higit pa sa tatlong libong taon.

Ang pamamaraan ng silangan

Ang kultura ng silangan ay ang laging pagsasagawa ng aktbong teknik ng relaksasyon, ito ay tuloy tuloy na napaliligiran ng kaharian ng isip, katawan, emosyon at espirito. Ang pagkakaugnayan sa pagitan ng mga kahariang ito ay dumedepende sa isa’t isa. Ang bawat kaharian ay may sariling paraan ng kanyang pagkatao, habang direkta itong umaasa sa estado ng iba upang gumana ng sapat. Ang bawat kaharian ay iniimpluwensyahan ng direkta ng iba pa; ito ay ang apat na sulok na hindi maaring paghiwalayin.

Higit pa rito, ang paraan ng pagrerelax ng silanganan ay nagsasanay sa isip at katawan upang marelax sa ilalalim ng sarili mong pag-uutos, at kakayahan. Ang mas sanay na gumagawa nito ay kayang biglang lumipat sa napakalalim na estado ng relaksasyon, at kaya rin niyang ilipat ang estadong ito sa mas malakas na konsentrasyon at pagpapalabas ng enerhiya. Ito ang mga katangian ng supernatural na kakayahan na ikinubli sa sining ng silangan, bagamat ang supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagsisikap at pagkakaiba ng pang-unawa sa realidad.

Sinasabing ang malalim na relaksasyon ay ang nagpapalakas ng ating pagiging sensitibo, at ito ang nagbibigay kakayahan sa atin upang matukoy ng eksakto ang paglipat ng enerhiya. Tumutulong itong pagaanin ang iyong isipan, buuin muli at punuin ng enerhiya ang iyng katawan, ang mga taga-silangan ay gumagamit ng banayad ngunit makapangyarihang paraan ng aktibong relaksasyon.

Aktibong relaksasyon

Ang mga paraan ng pagrerelax na ginagamit sa kanluran ay passive o walang aktibong pagganap kumpara sa teknik ng silangan na aktibo. Ang passive relaxation ay gaya ng paglalakad kasama ng alagang aso, panonood ng telebisyon, o pagbabasa ng libro ito ay nagbibigay ng kaunting halaga sa lahat ng kaharian ng isip, katawan, emosyon at espirito, at magbibigay ng kaunting pakinabang upang mapalakas natin ang ating potensyal. Sa kabila nito, ang aktibong relaksasyon ay nagbibigay ng tiyak at masusukat na benepisyo:

-ang pagpapakawala ng mental at emosyonal na tensyon maging tensyon mula sa ating mga muscles.

-bumubuhay, nagpapasariwa at naglalagay muli sa mga nawalang lebel ng enerhiya para tayo ay makaharap muli sa ating mga tungkulin nang may bagong lakas at sigasig. Mas malaking produksyon at husay ang magiging resulta.

-pinapataas nito ang linaw ng ating isip at konsentrasyon at sinisigurong magkakaroon tayo ng kompletong pokus sa ating trabahong ginagawa. Binabawasan nito ang pagkakamali at hindi masolusyonang problema.

-inaalis nito ang pananakit na dulot nang paulit-ulit na pagawa, pressure, at tensyons sa ating mga muscles, pamamaga at kakulangan sa sirkulasyon ng dugo.

-pinapalakas din nito ang ating utak at binubuhay muli ang sobrang pagod na pag-iisip.

Ang buong relaksasyon ay tumutukoy sa benepisyong makukuha lamang sa pagsali sa aktibong teknik ng pagrerelax.

Isinama rin nila ang malalim na relaksasyon kung saan tayo ay buong buong magiging relax at namamahinga, ibig sabihin ay ang pag-aalis ng tensyon sa lahat ng ating muscles maging ang pag-aalis ng nerbyos. Ito ay para lumikha ng mapayapang emosyon, mapunta sa estado ng katahimikan at matalim na paggamit ng atensyon, handing gawin ang pinakamagaling na ating makakaya.

Ang pagsasagawa ng aktibong relaksasyon ay nagbibigay ng oportunidad upang magkaroon ng personal na oras para sa iyong sarili. Ito ay isang mahalagang oras kung saan matutuklasan mo ang pakikipag-isa sa iyong sarili nang may kapayapaan at naiibang pakiramdam nang buong relaksasyon. Ito ay kinakailangang parte upang muling buhayin ang iyong sarili, sapagkat hindi ka makakapag-pokus sa anuman kung hindi buo ang iyong pagiging relax.

Para sa mas epektibong paglaya sa tensyon, ang unang hakbang ay alamin ang eksaktong lugar kung saan naroon ang tensyon, ang parte kung saan ikaw ay naghihirap. Ang pag-gamit ng conscious relaxation o stretching techniques ay dapat sumunod upang maalis ang tensyon o pananakit ng anumang bahagi ng iyong katawan.

Ang mahinahong pagbabanat sa iyong mga kasu-kasuan ay tumutulong upang buksan ang daanan ng enerhiya sa iyong katawan at pinaparaan nito ang ang buhay na enerhiya ng Chi upang ito ay malayang makadaloy sa buong katawan. Lahat ng iyong kasukasuan ay pinapalaya. Ang dugo at oxygen ay nakakaikot ng maayos at pinapalusog nito ang bawat cell. Hahantong ito sa matibay na muscles at kasukasuan na magbibigay ng malayang pagalaw nang walang mararamdamang pananakit. Ang mga teknik upang irelax ang buong katawan ay nagbibigay ng magandang benepisyo upang magkaroon ng matatag na balanse at kapayapaan sa pagitan ng isip, katawan at emosyon.

Ang daan patungo sa mas mataas na antas ng sarili

Ang sinaunang karunungan ng Zen Buddhism ay nagtuturo na sumunggab nang maluwag, at pakawalan ito ng mahigpit, sapagkat ang estado ng buong relaksasyon ay kailangan upang malaman ang daan patungo sa mas mataas na antas ng sarili. Ito ay nakakamit sa tamang paghinga na dumudugtong sa katawan at isipan. Sa pagkakataong ito ang mga mensahe ay natatanggap, sa pamamagitan ng salita, simbolo, ala-ala, paghimok, kutob, sensasyon, larawan o emosyon.

Ang pag-guhit ng isang plano upang gumawa ng isang teknik sa pagrerelax araw-araw, na may buong detalye sa layuning gustong makamit, ay nagbibigay sa mataas na antas ng iyong sarili ng balangkas kung saan dapat magpokus. Ito ay isang paraan upang gawin at gamitin ang iyong mataas na antas ng isipan. Kapag ikaw ay nagsasanay kung paano mo aabutin ang iyong mga layunin ng malinaw sa iyong isipan araw-araw, ang iyong pag-asa at kagustuhang makamit ang mga layuning ito ay makakandado sa iyong mataas na antas ng isipan. Doon sa mga pamilyar sa pagsasaisip ng mga bagay na gusto mangyari ay alam na makukuha natin kung ano ang pinaka nanais natin. Ang pagguhit na ito ay ang araw-araw mong mapa na gagabay sa iyong buhay, upang pagdumating ang oras na kailangan natin magkaroon ng mga importanteng desisyon, ang ating mataas na antas ng sarili ay nakapagpokus na ito at siya ang gagabay sa atin upang makapunta sa bagay na pinakananais nating mangyari.

Ang pagpasok sa estado ng relaksasyon ay nagbibigay daan sa ating Higher self na gawin ang ano mang gustuhin natin. Ang pagtanggi ay humahadlang dito. Kaysa hayaan nating mahadlangan ang landas na ito at umasa nalang sa maaring mangyari, importanteng ilabas ang mga epekto ng emosyon, maging ang mga limitasyon na nilikha ng ating mga paniniwala, pang-unawa o pagtingin sa sarili, ginagapos ka nang mga ito; magdesisyon ka na alisin na ang mga ito. Ang pagpapalaya mula sa mga ito ay ang pinakamahalaga upang mapapasok natin ang mga enerhiya ng malaya sa pinakamaayos na paraan. Ang pagpapakawala ng lahat ng enerhiya ng Chi na ating nabuo ay nangangailangan ng pananampalataya at tiwala na magagandang bagay ang mangyayari sa ating buhay. Ang relaksasyon ay hinahayaan tayong bukas upang tumanggap. Hayaan ang iyong sarili na makatanggap. Ang pagpapalaya sa mga ito ay importantemg aspeto ng relaksasyon. Ito ay isang halimbawa ng isang estado ng Taoist na kung tawagin ay wu-wei. Ito ay estado kung saan nararamdaman natin ang ating sarili na may kagustuhang gumawa ng daluyan kung saan daraan ang makapangyarihang enerhiya. Ito ay paghiwalay at pagpapakawala ng ating pagkabit o pagdepende sa ating ego, puri at pag-aari, upang hindi tayo makaranas ng pagkabigo o pagkadismaya at maari natin papasukin ang tagumpay at personal na pagkakamit ng layunin. Ang pagpapalaya ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa ating isip at katawan na maging bukas sa mga ideya na pumupunta sa ating kamalayan. Tayo ngayon ay nagiging bukas sa mga pangyayari, tao at bagay upang ito ay dumaloy papasok at palabas sa ating mga buhay. Bagamat, ang pagpapalaya ay dapat kontrolin. Ang pagpapalayang ito ay nagpaparaya sa atin na itapon ang kontrol, pagbabawal, at depensa upang mabuksan natin ang ating sarili na tumanggap at maging malikhain. Ngunit kung ang pagpapalaya ay hindi kontrolado ang maling enerhiya ay maari ring makapasok at manirahan sa atin sila ay magkakaroon ng pagkakataong gumawa ng pag-abuso at kasamaan.

Isang dahilan kaya nahihirapan ang tao na magpalaya ay dahil sa ilusyon ng seguridad. Ngunit ang katotohanan ay mayroon lamang maliit o wala talagang seguridad sa buhay. Gaya ng kalikasan, ang seguridad ay hindi permanente, ito ay nagbabago. Doon sa mga nawalan ng kanilang yaman at ari-arian maging ang lahat na, relasyon, pamilya, trabaho at inipong pera sa bangko ay maaring magpatunay dito.

Tandaan na upang malinawan ang iyong isipan, alisin ang pisikal na tesnyon at maging malaya sa mga bawal at sa pag-asa na mangyayari ang isang bagay, itigil ang pagsunod dahil sa kagustuhan at inaasahan lamang ng iba. Kailangan mong maging totoo sa iyong sarili.

SAGRADONG AKLAT AT ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO
(GREAT WHITE DIVINO FELLOWSHIP)/
Part 4

Alisin ang pressure: Aktibong paraan ng pagrerelax

Ang malalim na paghinga at pagrerelax ay tumutulong sa atin para magkaroon ng kapayapaan sa ating sarili at sa kapaligiran. Ang paghinga ay ang pagkakaisa ng isipan at katawan. Ito ang sentro ng pagtuturo sa silanganan. Ang paghinga ay bumubuo at nagpapalakas ng ating personal na Chi isang enerhiyang nakakapagpasigla, na maari mong tawagin sa panahong kailangang kailangan mo ito.  Sa kadahilanang ito, importante para sa atin na ikundisyong muli ang ating kaugalian sa paghinga para maging mas epektivo ang pag gamit ng mga orasyon at mga ritwals.

Makakapag-isip, makakaramdam at makakakilos nang kakaiba sa simpleng pagpapalit lamang ng ating paghinga.  Ang malalim na paghinga mula sa ating tiyan ay mayroong epektong nakakapagpakalma at nakaka-kontrol sa sarili, samantalang ang paghinga ng mababaw na galing sa ating dibdib ay nagdaragdag ng tensyon. Ang maiksi at mabilis na paghingal ay nagdaragdag ng pagod sa atin at maari pang magdulot sa ating nang pagkataranta sa isang klase ng situwasyon. Isang paraan upang isaalang-alang ang paghinga ay ang inspirasyon,’ kapag tayo ay humihinga literal tayong “nag-iinspire” at inuutusang kumilos ang ating sarili sa paraang gusto natin.

Ang paghinga ay koneksyon sa pagitan ng Yin at Yang, ang loob at ang labas, ang namamalayan at ang hindi namamalayan. Ang sentro na kumokontrol sa emosyon ay bumubukas habang ang isipan ay nagiging tahimik at ang katawan ay nagrerelax.

Karamihan sa atin ay hindi gustong magpaturo kung paano huminga ng tama. Ang mas malala pa rito ay kakaunti lamang ang nagtuturo kung paano gamitin ang kamangha-manghang kapangyarihan ng ating isipan upang maabot nito ang kanyang buong potensyal. Dito ay ipapakita ang kombinasyon ng praktical na paghinga at teknik sa meditasyon sa pagamit ng malikhaing paglalarawan sa ating diwa. Ito ay subok at napatunayan nang epektibo sa loob ng higit na libo-libong taon, kapag isinama ito sa isang tiyak na teknik nang malikhaing paglalarawan sa ating diwa, ang pagsasanay ay bumubuhay sa Chi at pinapayagan tayong buksan ang malaking potensyal nang ating panloob at panlabas na pagkatao.

Ang iyong vital life-force energy, o ang Chi, ay nagigising sa pamamagitan ng namamalayang paghinga. Ito ay daan na nagpapagana sa iyong katawan upang ito ay makipagkaisa sa iyong isipan. Ang ordinaryong hindi namamalayang paghinga ay gaya ng paraan ng paghinga mo ngayon, ito ay hindi epektibo.  Ang malalim na paghinga na isinasagawa nang ating namamalayan ay lumilikha ng bagong estado ng pagkatao.  Ang bawat bagong paghinga ay nagbibigay ng bagong pagsilang at paglaki.

Ang full relaxation ay nakokompleto sa pamamagitan ng matahimik na isipan, katawan at espirito; ang mga ala-ala ay hindi pumapasok sa isipan, at ang memorya o problema ay hindi gumagambala sa espirito.  Ito ay isang buong katahimikan at kapayapaan ng kalooban. Ito ay mga pagsasanay na ibibigay upang makatulong sa iyo sa:

-Pagrerelax ng isipan at katawan.
-Pagtanggal ng stress.
-Pagpapahusay ng konsentrasyon at linaw ng isipan upang maging epektivo ang pag gamit ng mga orasyon.
-Pagpapataas ng sigla.

Ito ay mga simple ngunit epektibong teknik para sa relaksasyon. Ito ay naglalaman ng paghinga at pagsasalarawan sa ating isipan.  Pumili ng teknik na umeepekto ng pinakamahusay para sa iyo.

Dan Tian

Ang lahat ng ehersisyo sa paghinga na napapaloob sa pamamagitan ng pagamit ng Dan Tian ay tinatawag ding Elixir o Cinnabar Field, ito ay isang pook na kasing kapal ng iyong palad tinatayang ito ay nasa 8 centimetro, kapag ito ay inilagay sa gitna ng iyong katawan, at 4 na sentimetro sa palibot sa baba ng iyong pusod.


Ang Dan Tian ay ang maestro ng Yin ng iyong katawan; ito ang nagpapatakbo at nagpapalaganap ng Yin sa iyong katawan.  Ito ang bumabalanse sa katawan at sa sentro nito, ito rin ang nagpapalusog sa ating sexual organs at kumokontrol ng paglaki at maturidad.  Ang Dan Tian ay isang pangunahing impluwensya sa ating pagganap at kalusugan ng ating buong katawan. Ang Chi ay nahihinga tuwing tayo ay nag-iinhale ay dumidirekta sa Dan Tian. At ang Chi ay naiimbak, humahalo sa ibang uri ng Chi sa ating katawan at muli kumakalat sa buong katawan.

Mga patnubay bago mag-ensayo

-Sa pamamagitan ng iyong paghinga, unang punuin ang Dan Tian.

-Huwag huminga ng sobrang daming hangin sapagkat ito ay maaring magdulot ng mabilis na paghinga o pagkahilo.  Sa gayon, huminga lamang ng 90% ng iyong kapasidad.

-Huminga sa pamamagitan ng iyong ilong sa lahat ng oras, kahit habang nasa mabigat na gawain o sports.  Ang paghinga gamit ang ilong ay pumipigil sa pagkahapo at pananakit ng katawan. Ang stamina ay lumalakas din sa pamamagitan ng paghinga sa ilong.

-Isarado ang iyong bibig at hayaang ang dulo ng dila ay maabot ang itaas ng iyong bibig.

-Siguraduhing ang iyong balikat ay mababa o pinakamalayo sa dulo ng iyong tenga.

-Kapag nakaupo, siguraduhing deretso ang iyong likod ngunit natural ang iyong posisyon, at ang iyong paa ay nakalapat sa sahig.

Ang mga pagsasanay

Pagpapakalma ng isipan

Ang pagsasanay na ito ay maaring isagawa bago o matapos ang isang stressful na situwasyon.

-irelax ang iyong isipan sa pamamagitan ng pag-uulit ulit ng salitang “ako ay kalmado”, kumilos ng dahan-dahan, mag-isip ng dahan-dahan.

-ipokus ang iyong isipan sa hanging pumapasok sa iyong ilong.

-habang inilalabas ang iyong hininga, ilarawan sa mata ng iyong isipan ang numerong 5.

-ituloy ang paghinga, sa oras na ito ibaba ang numero sa numero 4, at ituloy ito hanggang umabot sa numero 1.

-tumigil sa numero 1 nang isang minute habang inuulit ang salitang “ako ay kalmado.”

-ngayon ay magpokkus sa iyong paghinga at magbilang pabalik sa numero 5.

Imbes na gumamit ng salitang “ako ay kalmado”, ang pagsasanay na ito ay maaring palitan ng paglalarawan  sa iyong isipan na ang iyong sarili ay nagiging kalmado,  Nakikita at nararamdamang ang iyong sarili ay nasa isang paboritong lugar na payapa, gaya ng sa ibabaw ng bundok o isang beach.
Dan Tian ang pagsasanay na pangpakalma at pagpapanumbalik ng enerhiya

Ito rin ay tinatawag na paghinga gamit ang ibabang bahagi ng baga o Buddha-belly. Ang mga sanggol at mga hayop ay humihinga sa ganitong pamamaraan.

Kapag pakiramdam mo ikaw ay balisa o problemado, magpokus ka sa ganitong paghinga. Ito rin ay lumalaban sa napapagaling pang karamdaman gaya ng sobrang pagod, stress o kahit na sa masakit na ulo dahil sa tensyon at sobrang init ng katawan.

-Irelax nang mabuti ang iyong pisikal na katawan.

-Pakalmahin ang iyong isipan.

-Dalhin ang iyong isipan sa iyng Dan Tian, ang “dagat ng enerhiya” ang lugar na may apat na sentimetro pababa mula sa iyong pusod.  Tignan ang kinalalagyan nito sa pamamagitan ng mata ng iyong isipan.

-huminga papaloob sa iyong katawan, gamitin ang iyong isip upang alhin ang iyong hininga papunta sa iyong Dan Tian.  Palawakin ang iyong tiyan palabas at pakiramdamang ang iyong palad ay gumagalaw pasulong.

-huminga papalabas at  hayaang ang iyong tiyan ay bumalik sa kanyang normal na posisyon.  Habang ikaw ay mas humuhusay sa paggawa nito, maari mo nang mahigop ang iyong tiyan habang huminga palabas.

Ang maindayog na paghinga gamit ang Dan Tian

Kapag tayo ay nagagalit o natatakot, ang ating paghinga ay karaniwang nagiging mababaw at mabilis. Kapag naman tayo ay payapa ang ating hininga ay nagiging mabagal at malalim. Ang pagsasanay na ito ay humihikayat sa relaksasyon at pagiging kalmado. Ito ay naghahanda sa iyo para sa mga padating na mga bagay.

Ang pormula ng mga sumusunod na pagsasanay ay 2:1, at pagtagal maari mo itong itaas sa 4:2 at pataas pa.

-Huminga papaloob sa bilang na 2

-Pigilan ito sa bilang na 1

-Ilabas ang hininga sa bilang na 2

-Sandaling tumigil sa bilang na 1

DTEF healing-breathing exercise

-Irelax nang maigi ang iyong pisikal na katawan.

-Ikalma ang iyong isipan.

-Huminga papaloob sa loob ng 1 segundo.

-Pigilan ito sa loob ng 4 segundo.

-Huminga papalabas sa loob ng 2 segundo, ilarawan sa isipan na papaalis ang lahat ng karumihan mula sa iyong katawan.

Habang nagiging bihasa ka na sa teknik na ito, maari mo ng paramihin ang pormula sa 2, 3, 4, 5 at tuloy tuloy pa. ang bilang ng segundo ay magiging 2/8/4, 3/12/6, 4/16/8, 5/20/10 at tuloy tuloy pa.

DTEF relaxation exercise

-patigasin at pigain ang isa o lahat ng parte ng iyong katawan, gaya ng gagawin mo kapag ikaw ay gumigising. Gawin ito ng mahigpit hanggang sa makakaya at gawin ito nang ilang segundo at pigilan rin ang iyong paghinga.

-ilabas ang tensyon sa pamamagitan ng dahan dahang pagrerelax at pagkalog sa iyong katawan.

-kapag ito ay nagawa mo, tumayo o umupo ng tuwid habang nakapikit ang iyong mata. Magpokus sa iyong paghinga. Isalarawan sa isip ang kinalalagyan ng Dan Tian at dahil ang iyong hininga ng dahan dahan at malalim doon. At ilabas ang hininga habang inilalarawan sa isip na ang lahat ng tensyon ay umaalis sa iyong sistema.  Pakiramdaman ang malalim na relaksasyon.
Upang mairelaks ang buong katawan, ulitin ang pagsasanay para sa lahat ng parte ng katawan na hindi nabanat noon sa unang hakbang.

The re-vitaliser

-buong irelaks ang iyong pisikal na katawan gumamit ng mga orasyon na nasa sagradong aklat

-ikalma ang iyong isipan.

-ituon ang konsentrasyon sa hangin na pumapasok sa iyong ilong.

-gamitin ang imahinasyon upang isalarawan ang puting ilaw ng enerhiya na pumupunta sa iyong ilong.

-tignan at pakiramdaman na ang enerhiya ay tumatagos sa bawat parte ng iyong katawan, mula sa iyong ula pababa sa iyong paa.

-habang inilalabas mo ang iyong hininga, isalarawan sa isipan ang bawat piraso ng dumi at pagod na umaalis mula sa iyong katawan.

-gamitin ang konsentrasyon upang hindi lamang ito maging isang mekanikal na pagsasanay kundi isang meditasyon.

Kabanata 6

Layunin

“Ang sikreto sa buhay ay ang kilalanin kung sino ka at kung saan ka papunta”


Ang pangalawang hakbang upang makarating sa kabuuang pokus ay ang pagkakaroong ng mga layunin na malinaw sa ating isipan, ang intensyonal na pagpopokus ay gumagana kapag alam natin kung ano ang gusto nating gawin, at kung ano ang ating pakay. Sa madaling salita, dapat tayo ay magkaroon ng isa o higit pang tiyak na pinopokus sa ating buhay, maging ito ay ang pagpapabuti pa sa ating kalusugan, relasyon, karera o pag-aaral. Tayo ay madaling mawala sa pokus o magambala sa ating mga layunin sa buhay na para bang tayo ay binubulungan ng isang anghel sa ating isang tenga, at nagsasabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin, at ang isa namang anghel ay lumilitaw sa ating kabilang tenga at nagpapaalala sa atin kung ano pa ang ibang posibilidad.  Isinaad sa sinaunang masters na kung gusto mo makuha ang isang bagay, kailangang maging handa kang pakawalan ang ibang bagay.

Sa paligid natin ay ang maraming halimbawa ng mabubuti, at makatotohanang bagay na maari nating ipokus sa ating isipan.  May kilala akong kabataang magkasintahan na mayroon lamang kakaunting pera, ngunit matindi ang pag-ibig nila sa isa’t isa.  Nagdesisyon silang magpakasal at magkaroon na ng pamilya.  Pareho silang nakapokus sa bawat posibleng sandal sa lahat ng pangangailangan na hindi maiiwasan sa pagkakaroon ng isang pamilya, at nakamit nila ang kanilang mga layunin nang mabilis. Nakalipas ang limang taon, nakalipat na sila sa bagong bahay at bagong mga kasangkapan, mayroon na rin silang magandang sanggol na gumagapan sa maininit nilang sahig sa kanilang sala. Ang lahat ng ito ay nakamit nila sa isang risonable at abot-kayang lebel ng panghihiram ng pinansyal.

Ito ay isang makabuluhang tagumpay, at walang paraan upang magawa nila ito kung hindi sila nakapokus. Makikita nating ang kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng pagsasakripisyo na kanilang ginagawa upang makamit ang kanilang layunin. Tinalikuran nila ang maraming luho sa buhay. Hindi sila lumalabas ng madalas, hindi rin sila nagsusuot ng mamahaling damit o alahas. Lahat ng kanilang pisikal at mental na pagsisikap ay upang makamtan ang kanilang pinopokus.

May alam din akong ibang magkasintahan na nagpokus nang hindi tama at nasayang ang malaking bahagi ng enerhiya, oras at pera.  Imbes na magpokus sa dapat gawing bagay na mas mahalaga at kailangan upang makamtan ang layuin, sila ay nadidistract o nagagambala ng ibang atraksyon.  Hindi sila nagsakripisyo at patuloy nilang ginastos ang meron sila nang higit pa sa kanilang pangangailangan. Kapag sila ay sinuswerte upang makuha ang kanilan ginugusto, kadalasan sila ay pinipeste sila ng hindi nakalulugod na problema, na minsan ay nagdadala sa kanila sa pagkagulo ng kanilang buhay may asawa at minsan ang pagkamuhi na rin sa isa’t isa. Pinili nilang magpokus sa kung ano ang meron ngayon, at hindi nila inintindi ang baitang na mas mahalaga ang tunay na trabaho, enerhiya at sakripisyong kinakailangan “sa nandito” at “sa ngayon”.

Nakakita na rin ako ng mag-asawang naging matagumpay sa umpisa ngunit nakaranas din ng kamalasan sa bandang huli. Sila ay masyadong nagpokus sa pagpapalaki ng kanilang mga anak, hanggang sa bandang huli wala na silang dahilan para magsumikap pa  sa sobrang dedikasyon, at pagmamahal sa kanilang mga anak,  ibinigay na nila ang lahat, at halos nakalimutan na nila ang kanilang mga sarili at sa paglaki ng kanilang mga anak ang naiwan sa kanila ay ang pagreretiro at kamatayan.  Imbes na dapat sila ay gumawa ng mas balanseng pagsasakripisyo na ginawa nila para sa kanilang pamilya.

Maraming tao ang hindi nakakamtan ang kanilang layunin sapagkat nawawala ang kanilang pakay o pokus. May mga bagay na nagdudulot ng tukso habang nasa daan, at mas madali sa kanila na ibahin ang kanilang daan imbes na magpatuloy na magsikap at magpakasakit upang makarating sa dapat patunguhan.

Maari tayong matangay paatras o paabante, papunta sa kawalan, ang ating layunin ay mabilis at madaling nawawala. Upang maitama ito, ang layon, plano at prayoridad ay napakahalaga upang maging matagumpay tayo sa pag-abot sa ating nilalayon.