Gumawa
na tayo ng mga desisyon upang baguhin ang ating mga buhay
magpakailanman. Dapat nating baguhin ang bawat maling
aspeto ng ating buhay. Hindi na tayo kailanman dapat manatili sa
mas mababang kalagayan kaysa sa maaari
nating maabot. Dapat nating matutunan at mapakinabangan ang prinsipyo na
tinatawag na kapangyarihan ng konsentrasyon
at mga makapangyarihang orasyon.
Karamihan
sa mga tao ay walang mga
ideya sa higanteng kapasidad nila na maaaring atasan agad.
Kapag ating itinuon
ang lahat ng ating mga mapagkukunan sa
pagdadalubhasa sa isang solong katalinuhan
ng ating buhay gamit ang banal na kaalaman sa aklat na ito.
Ang
kontroladong pokus ay katulad ng
isang sinag ng laser na maaaring humiwa
sa anumang bagay na mukhang
pumipigil sa atin. Kapag tayo ay nakatuon sa pagpapabuti ng
anumang bagay, nabubuo
natin ang natatanging mga pagkakaiba
sa kung paano gumawa ng bagay na mas mahusay.
Ang
isang dahilan kaya kakaunti sa atin
ang kumakamit ng kung ano ang talaga nating pinapangarap
ay dahil hindi kailanman puro at direkta
ang ating pagtuon; hindi natin
naitutuong mabuti ang ating kapangyarihan.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.
Sa
katunayan, karamihan sa mga
taong nabibigo sa buhay ay inuuna ang mga bagay na hindi dapat unahin.
Isa sa pangunahing aral sa ating buhay ay ang pag-aaral upang maunawaan kung bakit natin ginagawa ang ating ginagawa. Ano ang humuhugis sa pag-uugali ng isang tao?
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.
Ang
ating buong buhay ay patuloy na
tumutungo sa isang, napupuwersang pokus: Ano ang lumilikha ng pagkakaiba sa kalidad ng buhay ng
isang tao? Paanong madalas na mangyaring ang isang taong mula sa dukhang simula at
sirang karanasan ay nakakaraos at gumiginhawa. At kahit ganoon ang
pinangalingan ay nakakalikha ng buhay na ating hinahangaan at pumupukaw sa
ating pagkatao.
Sa
kabaligtaran, bakit marami sa mga ipinanganak sa pribelihiyong lugar, may kayamanan para mag-tagumpay
sa kanilang mga kamay
ay nagiging matataba, masakitin, bigo at madalas gumon sa kalayawan tulad ng
alak at droga?
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"
"Paano
natin maisagawa ang agarang kontrol
sa ating buhay? Ano
ang maaaring gawin ngayon na
maaaring makagawa ng isang pagkakaiba-na maaaring makatulong sa atin at sa iba para mai-hugis ang ating kapalaran?
Paano natin palalawakin, matutunan, mapalago, at mai-bahagi ang mga kaalaman na sa ibang tao sa isang
makabuluhan at kasiya-siya paraan? "
Kailangan
nating bumuo ng isang
paniniwala. Tayong lahat ay dapat
mag-ambag ng isang bagay na natatangi,
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.
Ang
ating Diyos ay hindi lumikha ng paborito, lahat tayo ay nilikhang walang katulad, ngunit may katumbas
na mga oportunidad para makaranas ng buhay
na sagana.
Ang
pinakamahalagang paraan para magpalipas ng ating buhay ay mamuhunan
sa isang bagay na
nagtatagal. Kailangan nating mag-ambag
ng ilang mga paraan at karunungan
na magtatagal makalipas ang mahabang
panahon.
Mayroon
tayong hindi
kapani-paniwalang pribilehiyo ng
pagbabahagi ng ating lihim na kaalaman, mga ideya at mga damdamin sa mas maraming tao hangga't
makakaya natin. Ngayon ay mayroon
tayong mga natatangi at mabuting kapalaran ng
pagbabahagi ng pinakamahusay na kaalaman galing sa sagradong aklat na ito.
Sa
pamamagitan ng lahat ng ito,
tayo ay magpatuloy upang makilala ang indibidwal na kapangyarihan na kailangang baguhin ang halos anumang
bagay at lahat ng bagay sa
ating mga buhay. Matutunan natin na may mapagkukunan tayo ng ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap
na nasa loob ng ating pagkatao, at wala na ang paghihintay para sa mga araw ng pagpapasya upang gisingin at kunin ang nararapat para sa atin.
Isinulat ang sagradong aklat na ito
para sa isang kadahilanan: upang maging instrumento ng pag-gising na hahamon
sa mga taong nagpasiyang mamuhay ng masagana at maayos ,
lalong gumagamit sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Dios. May
mga ideya at mga diskarte sa sagradong aklat na ito na tutulong sa iyo upang makabuo ng espesipiko, nasusukat, at-pangmatagalang pagbabago sa iyong sarili at sa
iba.
Ang
iyong pagnanais na
palawakin ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay nagdala sa iyo
upang basahin ang sagradong aklat na
ito. Ito ang hindi nakikitang
kamay na gumagabay sa iyo.
Anuman ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay gusto
mo pang mapaunlad at mapalawak ito.
Hindi
mahalaga kung gaano ka
ka-asenso o kahusay, sa loob ng iyong pagkatao nakahimlay ang isang paniniwala na mapapalawak mo pa ang iyong
karanasan sa buhay at magiging mas mataas pa ito higit sa kasalukuyang kalagayan.
Ikaw
ay naka-destino para
sa iyong sariling natatanging anyo
ng kadakilaan, ito man ay bilang isang katangi-tanging
propesyonal, guro, negoyaste, ina o ama.
Ang pinaka-mahalaga, hindi ka lamang naniniwala
rito, ngunit ikaw
ay nagsagawa ng pagkilos. Nagbabasa ka ng sagradong
aklat na ito upang mapaganda pa ang iyong buhay. At iyun din ang aming
idinadalangin.
Ito
ay isang higanteng
libro na maaari mong gamitin upang makabuo ng higanteng mga resulta sa iyong buhay. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakinabang
sa pagbabasa ng bawat kabanata sa aklat na ito, matitiyak na ang iyong
kakayahan ay maitataas sa malawak na potensyal .
Ecclesiastico 11:
1 Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong, at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.11 May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos, patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.
12 Mayroon namang bahagya nang makagulapay, babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,
ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,
naging matiwasay ang kanyang buhay.
13 Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay, at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.