Powered By Blogger

Wednesday, January 30, 2013

SAGRADONG AKLAT 7 CHRIST SECRETS




SAGRADONG AKLAT 7

Ika-Labing Pitong na Sikreto ni Christo

Tinalo ni Jesus ang anumang katanungan o kapintasan sa kanyang nakaraan.

Philippians 3:13, 14, 16

Of course, my friends, I really do not think that I have already won it, the one thing I do, however, is to forget what is behind me and do my best to reach what is ahead. So I run straight toward the goal in order to win the prize, which is God’s call through Christ Jesus to the life above. However, that may be, let us go forward according to the same rules we have followed until now.

Filipos 3: 13, 14, 16

Mga Kapatid, hindi ko ipinalalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa hinaharap. Nagpapatuloy nga ako tungo sa hangganan upang kamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus ang buhay na hahantong sa langit. Ang kailangan lamang ay ipagpatuloy natin ang ating mga natutuhan.

    Ang iyong nakaraan ay lumipas na.
Nagkakaroon ka ban g pag-aalinlangan? Natural lang iyan. Ilan sa mga dahilan ng iyong pag-aalinlangan ay ang limitadong edukasyon, pagkawala ng mahal mo sa buhay noong ikaw ay bata paq lamang, may magulang ng mahilig maglasing o magsugal, o nakokonsensiya ka sa malaking pagkakamaling nagawa mo noong panahon ng iyong kabataan.

     Anuman ang dahilan, napaka-importanteng matandaan mong lumipas na ang iyong nakaraan. Huwag mong itayo ang iyong kinabukasan sa paligid ng iyong nakaraan.


Si Jesus ay isinilang sa isang teribleng situwasyon. Pinagbubuntis siya ng kanyang inang si Maria bago pa man siya ikasal kay Jose na kanyang kasintahan. Sinasabi ng Biblia na hindi pa niya naranasang magkaroon ng relasyong sexual.

Matthew 1:20 …..For it is by the Holy Spirit that she has conceived.

Mateo 1:20  …. Sapagkat siya’y naglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

    Dalawang tao lamang sa mundo ang totoong nakakaalam na si Maria ay birhen. Ang Diyos Ama at si Maria.

    Hindi mapapasubalian na daang tao ang kumutya at nanglait kay Jose dahil sa pagpapakasal niya kay Maria.

    Lumaki si Jesus sa ganitong situwasyon. Lumakad siya sa maraming pag-aalipusta at pagkutya. Pero lumabas siya palabas sa balon ng maraming pagtatanong. Hindi niya pinansin ang mga kasinungalingan ibinabato sa kaniyang pamilya. Alam niya ang katotohanan. Alam niya kung sino siya at kung ano siya. Wala ng halaga kung hindi siya paniwalaan ng ibang tao.

    Pinili niyang gumawa ng sarili niyang kapalaran. Ang opinion ng iba ay binale-wala niya.

    Hindi lumilingon si Jesus sa kanyang nakaraan. Hindi niya ikinukwento ang kanyang naging situwasyon kaninuman. Wala ni isang kasulatan sa buong Biblia na binabanggit pa niya ang kanyang pinanggalingang situwasyon o maging ang kanyang naging limitasyon.

    Ikaw rin ay maaaring kumilos lagpas sa mga sugat ng iyong kahapon. Tigilan mo na ang pag-daing mo tungkol sa limitadong edukasyon maraming nagtagumpay kahit salat sa pinag-aralan.

    Huwag ka nang  laging dumadaing na ang pamilya mo ay dukha. Maraming yumaman na dating dukha. Tama na ang paulit-ulit na istorya tungkol sa mga hindi sumuporta sa iyo, ikaw lang ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Tama na ang pagtuturo ng iyong mga daliri sa ekonomiya o sa gobyerno, marami ang hindi umasa rito na matagumpay na ngayon.

    Tapusin mo na ang pagkuwenta ng iyong mga hapdi at kabiguan. Lahat tayo ay may limitasyon. Mag-concentrate ka saiyong bukas tulad ng ginawa ni Jesus. Huwag mo ng masyadong tingnan ang iyong pinang-galingang problemadong situwasyon, umpisahan mo ng tingnan ang iyong pupuntahan. Ginawa ito ni Jesus.

Panalangin:
   
    Mraming salamat, Amang Dios, inihandog mo ang iyong Anak na pinako sa krus upang mapatawad ako sa nakaraan kong kasalanan. Tinubos ako ni Kristo ng sarili nyang dugo. Hindi mo tiningnan ang aking nakaraan upang mabago ko ang aking kinabukasan. Alam ko na pag-umasa ako sa iyo at mag-koncentrate sa aking bukas ang tagumpay ay iyong ipagkakaloob. Sa pangalan po ni Jesus, Amen.

Oracion;  Upang mabago ang kapalaran tungo sa magandang kinabukasan.




Ika-labing walong Sikreto ni Kristo.

    Hindi sinayang ni Jesus ang kanyang oras para lamang sagutin ng sagutin ang mga kritiko.

Proverbs 14:7 Stay away from foolish people; they have nothing to teach you.

Kawikaan 14:7    Iwasan mong makisama sa mga taong mangmang,

    Ang mga kritiko ay mga taga panood lamang hindi sila ang mga naglalaro.

     Ang mga kritikong tao ay mga taong may sama ng loob o mga sawing tao sapagkat nabigo silang marating ang kanilang mga pangarap.Sinasabi ngang ang mga mapamintas ay isang mumog ng kamatayan ng isang taong hindi nagtatagumpay.

    Wala ni isa mang monumento ang itinayo sa taong mapamintas. Sila ang mga taong nabigo, malayo ang isip, may dinadalang sama ng loob. Itinatayo nila ang kanilang buhay para manira ng ibang tao. Lumayo kayo sa kanila.

    Ng si Jesus ay pinag tatawanan at kinukutya habang inihahanda ang pagpako sa kanya. Siya’y nakatahimik lamang.

Matthew  26:63
  But Jesus kept quiet       

Mateo 26:63  Datapuwa't hindi umimik si Jesus.

Hindi naramdaman ni Jesus Na obligasyon niyang sagutin ang kanyang mga kritiko. Hindi niya sinasayang ang kanyang oras sa mga taong halata niyang gusto lang siyang siluin at pabagsakin. Sumasagot siya at nakikipaglaban para sa mga nagugutom, sa mga nauuhaw at sa mga may hinahanap

Wala kang utang kahit ano sa mga kritiko.

Proverbs 23:9  Don't try to talk sense to a fool; he can't appreciate it.


Kawikaan 23:9 Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi niya mauunawaan kahit gaano kaganda ang sabihin mo.

Ang pamimintas at paninirang-puri ay nakamamatay.

Ang pagiging matuwid ay nakadaragdag ng buhay.

Ang pamimintas ay pagtututuk sa bawat mali mo.

Ang pagiging matuwid at pagpupuri ay pagtututuk sa kakayahan mo.

Hindi pinagpapansin ni Jesus at hindi pinag-aksayahan ng oras ang kanyang mga kritiko para sagutin at makipagtalo lamang.

Panalangin:

Panginoong Dios, alam ko pong ang oras na sasayangin ko sa pagsagot sa aking mga kritiko ay pag-aaksaya lamang ng oras. Humihiling po ako sa inyo na bigyan ako ng lakas at paglalim ng pang-unawa para umangat mula sa akin mga kritiko at magubos na langng oras sa mga taong minamahal ko at mga nagmamalasakit sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Oracion. Para maiwasan ang paninirang-puri ng mga kritiko.


_________________________________________




Ika-labing siyam na Sikreto ni Kristo.

Alam ni Jesus na may tamang oras at may maling oras sa paglapit at pakikipag-usap sa tao.

Ephesians 5:15  So be careful how you live. Don't live like ignorant people, but like wise people.
Ephesians 5:16  Make good use of every opportunity you have, because these are evil days.
Ephesians 5:17  Don't be fools, then, but try to find out what the Lord wants you to do.

Efeso 5:15-17
Kaya’t ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

May oras sa lahat ng mga bagay.

May tamang oras sa pakikipag-usap sa tao.

    Halimbawa gusto mong humingi ng umento sa iyong amo. Gusto mong ipaalam sa iyong amo na mahalaga ka sa kumpanya. Subali’t nakagawa ka ng pagkakamali kaya gumastos ang kumpanya ng malaking pera, hindi iyan ang tamang oras para makipag-usap sa iyong amo at humingi ng dagdag suweldo. Pero kung nakararanas ang kumpanya ng napakagandang kita dahil sa mga ibigay mong suhesyon sa iyong amo yan ang magandang pagkakataaon at panahon para pag-usapan ninyo Ang pagdaragdag ng iyong suweldo.

    Nauunawaan ni Jesus Ang halaga ng Timing. Nag-ubos siya ng Tatlongpung taon sa pag-hahanda ng kanyang ministeryo bago niya nilabas ang una niyang miraculo. Nang sinabi ng kanyang Nanay na wala ng alak sa kasalan ang sinagot ni Jesus ay,

John 2:4 You must not tell me what to do,”Jesus replied “My time has not yet come.”

Juan 2:4 Sinabi ni Jesus, Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang!  Hindi pa ito ang panahon ko.

    Muli, ng nasa pam-publiko na siyang ministeriyo at nangangailangan na siyang ipakilala ay iginalang na ni Jesus ang pananampalataya ng kanyang Ina kaya ginawa na niyang alak ang tubig.



Merong oras para humingi ng kapatawaran. Merong oras para tumahimik lamang. Merong oras para maglabas ng inaalok sa tao. At may oras din para mag-hintay lamang.

    Ang bawat tao ay nasa iba’t-ibang panahon ng kanilang buhay. Ang pakiramdam natin ay nagbabago. Ang iba’t-ibang pangyayari  ay nakaka-apecto sa mga desisyon. Kailangang sensitvo ka rin sa mgabagay na ito.

   Bihira sa asawang lalaki namaintindihan agad ang moods o pakiramdam maging ang pangangailangan ng kanyang asawa at nasasagot niya agad ang kanyang pangangailangan.           

    Matalinong kabataan ang nakakaalam agad at nauunawaan ang tamang panahon o timing sa pagsasabi ng mga problema sa kanyang mga magulang .

    Naiiintindihan ni Jesus ang timing o ang tamang panahon para pag-usapan angisang bagay. Ng ma-aktuhan at mahuli ang isang babae  sa pangangalunya. Ang reaksyon niya ay kakaiba.

John 8:11 Jesus said I do not condemn you either. Go, but do not sin again.

Juan 8:11 Sinabi ni Jesus hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang magkasala.

    Hindi niya ipinag-walang bahala ang kasalanan ng babae. Hindi niya ipinag-walang bahala ang mga akusasyon ng mga lalaking gustong mang-bitag sa babae. Alam ni Jesus may tamang oras para pag-usapan iyon. Hindi niya pinatawad ang babae sa kanyang kasalanan. Hindi niya isiniwalat ang pangangalunyang nagawa ng babae. Hindi nagtagal sa nakaraan si Jesus, pero itinuro ang dapat gawin para bukas. May oras para dun.

Ecclesiastes 3:1  Everything that happens in this world happens at the time God chooses.

Ecclesiastes 3:11  He has set the right time for everything.
Mangangaral 3:1,11

Ang lahat na pangyayari, sa daigdig ay nagaganap sa panahong itinakda ng Diyos. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa kapanahunan.

    Ang pagtatagumpay ay naka-depend rin sa timing. Huwag   mong kalimutan iyan. Pagka-nagbebenta ka sa iyong mga customer o nakaupo   at nakikipag-usap ka sa  iyong amo, dapat kang maging sensitivo. Makiramdam ka. Manuod. Pakinggan ang takbo ng pag-uusap at kung ano ang nangyayari.
  Ganyan ang ginawa ni Jesus.

Panalangin:

    Amang Dios, sinalita mo na sa bawat bagay ay may kaniya-kaniyang panahon.
Ipinapanalangin ko na sana ay bigyan mo ako ng katalinuhan na malaman ang tamang timing sa lahat ng bagay na aking ginagawa.   Nakikiusap akong pag-palain mo akong maunawaan na kung paanong pumasok ako sa isang situwasyon ay malalaman ko ang tamang desisyon kung paanong lalabas doon. Sa Pangalan       ni Jesus, Amen.  

Oracion para maging tama ang oras ng pagpapala sa isang bagay na gagawin.


______________________________________________________









                                                                                                                                  
Ika-dalawangpung  Sikreto ni Kristo.

Tinuturuan ni Jesus ang kayang mga taga-pagturo.

Proverbs 9:9
Anything you say to the wise will make them wiser. Whatever you tell the righteous will add to their knowledge.

Kawikaan 9:9

Matalino’y turuan mo,t lalo siyang tatalino, Ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito.

Lagi mong maaalala ang anumang bagay na iyong itinuro.

Importanteng meron kang tinuturuan ng iyong mga natutunan. Ituro mo lahat ng iyong mga nalalaman lalong-lalo na sa mga malalapit sa iyo, mga taong     kinakailangan ng mga pinagagawa mo tulad ng mga empleyado mo, mga anak at iba pa.

    Ang mga matatagumpay na negosyo ay may mga empleyadong alam ang kanilang gagawin, naturuan, malakas ang loob gawin ang mga dapat tapusin.  Kinakailangan ng oras para magturo, kinakailangan ng lakas at maging ng pagtitiyaga.

    Ang bawat kanta’y nagangailangan ng mang-aawit. Ang bawat tagumpay ay dumaan sa motivasyon. Ang bawat istudyante ay nagangailangan ng magaling na guro.

    Si Jesus ay napakagaling na guro.. Nagturo siya ng libo-libo. Umupo siya sa kanyang doseng disipulo at ibinigay ang iba’t-ibang informasyon na kinakailangan nila. Ininfluensiyan niya ito, binigyan ng motivasyon at inspirasyon.

    Tinuruan niya silang manalangin.

Matthew 26:36  Then Jesus went with his disciples to a place called Gethsemane, and he said to them, "Sit here while I go over there and pray."
Matthew26:37  He took with him Peter and the two sons of Zebedee. Grief and anguish came over him,
Matthew26:38  and he said to them, "The sorrow in my heart is so great that it almost crushes me. Stay here and keep watch with me."
Mathew 26:39  He went a little farther on, threw himself face downward on the ground, and prayed, "My Father, if it is possible, take this cup of suffering from me! Yet not what I want, but what you want."
Matthew 26:40  Then he returned to the three disciples and found them asleep; and he said to Peter, "How is it that you three were not able to keep watch with me for even one hour?
Matthew 26:41  Keep watch and pray that you will not fall into temptation. The spirit is willing, but the flesh is weak."
Matthew 26:42  Once more Jesus went away and prayed, "My Father, if this cup of suffering cannot be taken away unless I drink it, your will be done."
Matthew 26:43  He returned once more and found the disciples asleep; they could not keep their eyes open.
Matthew 26:44  Again Jesus left them, went away, and prayed the third time, saying the same words.
Matthew 26:45  Then he returned to the disciples and said, "Are you still sleeping and resting? Look! The hour has come for the Son of Man to be handed over to the power of sinners.
Matthew 26:46  Get up, let us go. Look, here is the man who is betraying me!"

Mateo 26:36  Nang magkagayo'y dumating si Jesus na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at manalangin.
Mateo 26:37  At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo.
Mateo 26:38  Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
Mateo 26:39  At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo.
Mateo 26:40  At lumapit siya sa mga alagad, at sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
Mateo 26:41  Kayo'y mangagpuyat at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig, datapuwa't mahina ang laman.
Mateo 26:42  Muli siyang umalis na bilang ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
Mateo 26:43  At siya'y nagbalik na muli at naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.
Mateo 26:44  At muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing muli ang gayon ding mga salita.
Mateo 26:45  Nang magkagayo'y lumapit siya sa mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito, malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
Mateo 26:46  Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.

Itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad ang  tungkol sa langit.

John 14:2  There are many rooms in my Father's house, and I am going to prepare a place for you. I would not tell you this if it were not so.
John 14:3  And after I go and prepare a place for you, I will come back and take you to myself, so that you will be where I am.
John 14:4  You know the way that leads to the place where I am going."

Juan 14:2  Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
Juan 14:3  At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
Juan 14:4  At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.

Itinuro ni Jesus ang tungkol sa impiyerno.

Luke 16:19  "There was once a rich man who dressed in the most expensive clothes and lived in great luxury every day.
Luke 16:20  There was also a poor man named Lazarus, covered with sores, who used to be brought to the rich man's door,
Luke16:21  hoping to eat the bits of food that fell from the rich man's table. Even the dogs would come and lick his sores.
Luke 16:22  The poor man died and was carried by the angels to sit beside Abraham at the feast in heaven. The rich man died and was buried,
Luke 16:23  and in Hades, where he was in great pain, he looked up and saw Abraham, far away, with Lazarus at his side.
Luke 16:24  So he called out, 'Father Abraham! Take pity on me, and send Lazarus to dip his finger in some water and cool off my tongue, because I am in great pain in this fire!'
Luke 16:25  But Abraham said, 'Remember, my son, that in your lifetime you were given all the good things, while Lazarus got all the bad things. But now he is enjoying himself here, while you are in pain.
Luke 16:26  Besides all that, there is a deep pit lying between us, so that those who want to cross over from here to you cannot do so, nor can anyone cross over to us from where you are.'
Luke 16:27  The rich man said, 'Then I beg you, father Abraham, send Lazarus to my father's house,
Luke 16:28  where I have five brothers. Let him go and warn them so that they, at least, will not come to this place of pain.'
Luke 16:29  Abraham said, 'Your brothers have Moses and the prophets to warn them; your brothers should listen to what they say.'
Luke 16:30  The rich man answered, 'That is not enough, father Abraham! But if someone were to rise from death and go to them, then they would turn from their sins.'
Luke16:31  But Abraham said, 'If they will not listen to Moses and the prophets, they will not be convinced even if someone were to rise from death.' "

Lukas 16:19  Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
Lukas 16:20  At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
Lukas 16:21  At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
Lukas 16:22  At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
Lukas 16:23  At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
Lukas 16:24  At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
Lukas 16:25  Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
Lukas 16:26  At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
Lukas 16:27  At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;
Lukas 16:28  Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
Lukas 16:29  Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.
Lukas 16:30  At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.
Lukas 16:31  At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.







    Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga tao sa iba’t-ibang usapin pati na ang tungkol sa kanyang gampanin, ang kanyang mga relasyon pati na ang kanyang pagbibigay at pagsasakripisyo.

    Nagturo siya sa mga templo.

Luke 13:10  One Sabbath Jesus was teaching in a synagogue.
Lukas 13:10  At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.







Nagturo rin si Jesus sa ibat’-ibang nayon.

Mark 6:6  He was greatly surprised, because the people did not have faith. Then Jesus went to the villages around there, teaching the people.
Mar 6:6  At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.

     Ito ang importanteng puntos. Walang pinanganak na taong napakatalino agad at napakaraming alam. Ikaw na nagiging ikaw dahil sa iyong mga binabasa at natututuhan. Ikaw ang naglalagay sa pag-iisip mo ng mga bagay na gusto mong malaman. Nangangailangan ito ng oras, energia at kaalaman.

    Hindi malalaman lahat ng iyong empleyado ang iyong nalalaman. Hindi nila makikita ang iyong nakikita. Hindi nila mararamdaman ang iyong nararamdaman.

    Dapat turuan mo sila. Mag-ubos ka ng oras para malaman nila ang iyong mga pangarap, ambisyon, ang katangian ng mga produkto at ang gantimpalang ibibigay mo sa kanila pag-narating ang pinapangarap mo.

     Kinakailangan mo ng magagaling na tao sa paligid mo. Kinakailangan mo ng mga inspiradong tao sa paligid mo. Kinakailangan mo ng mga taong maraming alam. At maaaring ikaw ang pagmumulan ng mga informasyon na kinakailangan nila upang sila ay ganahan.

    Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga tao. Lagi niyang binibigyang gana at buhay sila.



    Nanguna si Jesus sa pagpapakita kung ano ang dapat manyari sa kinabukasan at kung anong commitment ang kinakailangan upang marating ito.

    Maglaan ng panahon upang turuan at gumaling ang ibang tao. Ginawa ito ni Jesus.

Panalangin:

Panginoon Diyos, tulad ni Jesus na tinuruan ang kanyang mga disipulo, pinili ko ring turuan ang mga taong nagtatrabaho sa akin at mga taong malapit sa akin. Salamat po sa pagbubukas mo sa akin ng mga epectivong pagtuturo sa mga nakapaligid sa akin. Alam kong kung walang papalit sa akin o tagapagmana ng aking kaalaman ay wala ring pagtatagumpay. Sa pangalan po ni Jesus, Amen.

Oracion: Para maging efektivo at maintindihan ang mga itinuturo.




 
Ika-dalawangpu’t isang  Sikreto ni Kristo.

Ayaw ni Jesus mawalan ng gana sa kanyang mga pangarap dahil lang sa mga paninira ng iba.

Proverbs 12:6  The words of the wicked are murderous, but the words of the righteous rescue those who are threatened.
Kawikaan 12:6  Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.

Kahit sino ay nahuhusgahan ng mali.

    Kapag ang isang ministro o pastor ng isang relihiyon ay nag-sasalita tungkol sa pag-bibigay, nalagay siya sa alanganin sapagkat na aakusahan siyang ganid. Kapag ipinapanalangin niya at ginagamot ang isang may sakit tinatawag pa siyang manloloko at peke.

    Maging ang sarili mong pamilya nahuhusgahan ng mali ang iyong kilos at motivo. Maging ang taong sumusunod sa iyong mga inuutos ay nahuhusgahan kang mali  ang iyong kinikilos.

    Ang iyong amo ay maaaring mali ang pagbasa sa iyo. Ang mga customer mo ay nag-aalinlangan sa iyong sinceridad.

    Huwag kang manghina o mawalan ng gana dahil diyan. Maglaan ka ng oras para kausapin ang position mo sa mga taong totoong may sinceridad sa iyo at sa paniniwala mo. Huwag mong ubusin ang iyong oras at energia sa mga taong naglilikha lamang ng pagtatalo-talo at pagka-kampi kampi.

    Si Jesus ay madalas na nahuhusgahan ng mali. Inakusahan   siya ng mga Pariseo na sinasaniban ng masamang espiritu.

Matthew 12:24  When the Pharisees heard this, they replied, "He drives out demons only because their ruler Beelzebul gives him power to do so."

Mateo 12:24  Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.

    Ito ang ilan samga suhessyon. Kapag nakiki-pag-usap sa iba dapat maging kumpleto at eksakto.
Maging prangka at magpaka-toto sa lahat ng sinasabi. Huwag mag-iiwan ng hindi pagkakaintindihan o kulang-kulang ang pagpapaliwanag.

    Dapat laging andoon ang iyong sarili. Kapag nakikipag-usap sa sa ibang tao dapat buong-buo ang iyong atensyon sa inyong pinag-uusapan. Isarado mo ang iyong sarili sa ibang usapin. Pagka-buong-buo ang atensyon mo sa iyong sinasabi at naririnig, wala kang pagsisisihan sa inyong usapan. Dito maiiwasan ang maling paghusga sa iyo dahil malinaw ang lahat ng iyong mga sinasabi.

    Bawat hindi ordinaryong matagumpay na tao ay nahuhusgahan ng mali. Pinagtawanan ang kotse noong araw at tinawag itong karetelang walang kabayo. Ang iba’y umismid ng inemvento ang telepono.

    Ang pagtatagumpay mo ay nasa likuran ng katakot-takot na pag-aalipusta at maling akusasyon.

Alam ni Jesus ito.

Panalangin:

    Panginoong Diyos,  salamat po sa pagliligtas mo po sa akin sa mga pagkakataong ako’y inaakusahan ng mga paratang na hindi totoo. Payapa po akong gagaya sa pamumuhay ni Jesus na hindi pinapansin ang mga nag-aakusa sa akin.     Maaabot ko ang kabila ng mga pagsubok- ang pagtatagumpay. Sa ngalan po ni Jesus, amen.

Oracion: Para maabot at marating ang mga pangarap patungo sa pagtatagumpay kahit na maraming pagsubok.




Ika-dalawangpu’t dalawang  Sikreto ni Kristo.

    Hindi pinayagan ni Jesus magalit siya at magtanim ng sama ng loob sa ibang hindi tapat sa kanya at sa mga nagtaksil sa kanya.

1Peter 3:8  To conclude: you must all have the same attitude and the same feelings; love one another, and be kind and humble with one another.
1Peter 3:9  Do not pay back evil with evil or cursing with cursing; instead, pay back with a blessing, because a blessing is what God promised to give you when he called you.

1Pedro 3:8  Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
1Pedro 3:9  Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

Ang paghihiganti ay mas nakakasira kaysa sa pagtataksil.

    Ang pagtataksil ay galing sa labas. Ngunit ang paghihiganti ay galing sa loob ng iyong pagkatao. Ang pait ng paghihiganti ay nagagawa mo lamang sa iyong sarili dahil umiinit ang iyong ulo.

    Libo-libo ang nakakasalba sa mga pagtataksil. Pero kakaunti ang nakakasalba sa agos ng matinding paghihiganti.

Hebrews 12:15  Guard against turning back from the grace of God. Let no one become like a bitter plant that grows up and causes many troubles with its poison.

Hebreo 12:15  Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y mahawa ang marami;

    Ang pagtataksil ay producto ng pusong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Ang pag-hihiganti ay anak ng pagka-inggit at pagseselos.

    Halos lahat ng tao ay nakaranas ng pangit na situwasyong ito sa kanilang buhay. Taksil na minamahal. Mga empleyadong sinisiraan ka sa likod. Isang among nagtanggal sa iyo sa trabaho kahit walang anumang paliwanag. Ang mga bagay na ito ay totoong masakit. Malalim na sakit.

    Habang kumakain ng hapunan si Jesus
Mark 14:18  While they were at the table eating, Jesus said, "I tell you that one of you will betray me---one who is eating with me."
 Marcos 14:18  At samantalang sila'y nangakaupo na at nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako.

Ng Makita ni Jesus na ang magtataksil sa kanya ay si Judas. Nakita niya rin ang kahalagahan mas mataasa pa sa sakit at sugat sa pagtataksil- ang kaligtasan ng sangkatauhan.

    Basahin ang Marcos 14:43-50 at makikita mo ang isang nakakapagdamdaming karanasan na naganap sa buhay ni Jesus. Nagtaksil si Judas sa pamamagitan ng halik.

 Mark 14:43  Jesus was still speaking when Judas, one of the twelve disciples, arrived. With him was a crowd armed with swords and clubs and sent by the chief priests, the teachers of the Law, and the elders.
Mar 14:44  The traitor had given the crowd a signal: "The man I kiss is the one you want. Arrest him and take him away under guard."
Mar 14:45  As soon as Judas arrived, he went up to Jesus and said, "Teacher!" and kissed him.
Mar 14:46  So they arrested Jesus and held him tight.
Mar 14:47  But one of those standing there drew his sword and struck at the High Priest's slave, cutting off his ear.
Mar 14:48  Then Jesus spoke up and said to them, "Did you have to come with swords and clubs to capture me, as though I were an outlaw?
Mar 14:49  Day after day I was with you teaching in the Temple, and you did not arrest me. But the Scriptures must come true."
Mar 14:50  Then all the disciples left him and ran away.

Mar 14:43  At pagdaka, samantalang nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda.
Mar 14:44  Ang nagkanulo nga sa kaniya ay nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga; hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat.
Mar 14:45  At nang dumating siya, pagdaka'y lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.
Mar 14:46  At siya'y sinunggaban nila, at siya'y kanilang dinakip.
Mar 14:47  Datapuwa't isa sa nangaroon ay nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinigpas ang kaniyang tainga.
Mar 14:48  At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako?
Mar 14:49  Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.
Mar 14:50  At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.


Hindi nagtanim ng galit o sama ng loob si Jesus. Ni hindi nya pinarusahan si Jesus. Nagpakamatay si Judas. Hindi pinutol ni Jesus ang koneksyon niya kay Pedro kahit ipinagkaila niya si Jesus umiyak siya’y humingi ng awa at kapatawaran at siya’ nakabalik naging dakilang taga-pagturo ng aral ng Dios.

Ephesians 4:31  Get rid of all bitterness, passion, and anger. No more shouting or insults, no more hateful feelings of any sort.
Ephesians 4:32  Instead, be kind and tender-hearted to one another, and forgive one another, as God has forgiven you through Christ.

Eph 4:31  Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
Eph 4:32  At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

    Alisin mo sa iyong salita ang pagkagalit sa bawat pakikipag-usap.
Huwag mong ipaalala sa iba ang masama mong karanasan, maliban lamang kung meron kang itinuturo sa kanila upang lagpasan ang anumang masakit na karanasan.

    Nakita ni Jesus ang kasunod na kabanata higit sa pagtataksil sa kanya. Away niyang magtanim ng galit at paghihiganti.

Panalangin:
    Salamat po Panginoong Diyos, inaalis mo lahat ng galit sa aking puso. Magbabantay ako laban sa pagtatanim ng galit sa susunod na mga araw. Tatandaan ko na ang bawat pagtataksil o paghuhusga sa akin ng mali ay titingnan ko lang na hapdi at palilipasin. Maging ang kanilang pagtataksil ay harang lang sa daan patungo sa aking pagtatagumpay. Sa ngalan po ni Jesus,amen.

Oracion: Upang huwag maging mainitin ang ulo at maalis ang anumang galit.





Ika-dalawangpu’t tatlong  Sikreto ni Kristo.


Nakipag-kaibigan si Jesus sa lahat ng klase ng tao.

Proverbs 18:15  Intelligent people are always eager and ready to learn.

Kawikaan 18:15  Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay humahanap ng kaalaman.

Ang kadakilaan at karunungan ay nasa paligid lamang.

    Ang bawat tao ay may iba’t-ibang kontribusyon. Kailangan mo ang iba’t-ibang kaalaman sa iyong buhay. May taong nangangailangan ng iyong nalalaman.Meron ka ring pangangailangan na sa ibang tao mo makukuha. Ang kabuuan ng iyong pagkatao ay ang iyong naging karanasan.
Iba’t iba ang mga personalidad. Bawat tao na nasa iyong paligid ay binubuo ng katawang puno ng kaalaman. Nasa iyo kung ihuhulog mo ang iyong timba sa balon o mag-iigib.

Proverbs 11:14  A nation will fall if it has no guidance. Many advisers mean security.

Kawikaan 11:14  Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.


Tingnan mo ang mga taong nasa paligid ni Jesus. Maniningil ng buwis. May manggagamot, mangingisda. Isang babae sinasaniban ng pitong demonyo.

Ang iba’y mahirap. Ang iba’y mayaman. Ang iba’y napakasigla at ang iba’y napakalambot. Ang iba’y biglang umiinit ang ulo tulad ni Pedro ang iba’y malalim mag-isip tulad ni   James.

    Matutong makinig sa ibang tao. Bawat isa ay nakakakita saiba’t-ibang pananaw. Nakakaramdam sila sa ibang puso. Nakaririnig sila sa ibang tainga. Alam ng ibang tao ang ibang bagay na dapat mong malaman. At hindi mo malalaman ang kinakailangan mong malaman kung hindi ka magbibigay ng oras para mapakinggan ito. Isang pirasong impormasyon ang maaaring makapagpabago sa iyong kabiguan at magawa itong tagumpay. Ang mga dakilang desisyon ay produkto ng mga dakilang kaisipan.

    Si Jesus ay naki-pagkaibigan.

Panalangin:

    Alam ko po Panginoon na nilikha mo ang iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang
Katangian. Bigyan mo po ako ng katalinuhan na malaman kung saan ko dapat gamitin ang aking oras para ako’y magtagumpay. Sa ngalan po ni Jesus, na siya kong kalakasan, Amen.

Oracion: Upang madaling magkaroon ng mga kaibigan at kakilala.

____________________________________


Ika-dalawangpu’t apat na  Sikreto ni Kristo.

Iniwasan ni Jesus ang lahat ng klaseng tukso.
2Peter 2:9  And so the Lord knows how to rescue godly people from their trials and how to keep the wicked under punishment for the Day of Judgment,

2Pedro 2:9  Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;

Lahat ng tao ay natutukso.

Ang tukso ay likha ng diyaboliko. Isa yung oportunidad para pumili ng sandaling kaligayahan keysa sa permanenteng pakinabang.

    Mararanasan mo ang ibat’t-ibang panahon sa iyong buhay. Noong kabataan mo pang-panahon maaaring nakakaramdam ka ng mga pagnanasa ng laman na maaaring magtulak sa iyo sa imoralidad. Sa mundo ng pagnenegosyo, may mga pagkakataon na nagsisinungaling ka upang kumita ng malaki, dayain ang pagbabayad ng buwis o magtago ng perang hindi sa iyo. Nagiging epidemya ang pagtataksil. Ang mga naglalakihang billboard ay nag-iimbita ng pag-inom ng alak. Ang bawal na gamot ay naglipana sa bawat kanto. Ang shabu ay nagiging daan upang takasan ang mga problema ng buhay.

Si Satanas ay maestro artistiko.

    Si Jesus man ay nakaranas din ng katakot-takot na panunukso mula sa mga Demonyo. Nangyari ito ng hindi siya kumakain sa loob ng apat na pung araw at apat napung gabi.        Simple lang ang kanyang depensa. Ang nakasulat sa Salita Ng Diyos.
Mat 4:1  Then the Spirit led Jesus into the desert to be tempted by the Devil.
Mat 4:2  After spending forty days and nights without food, Jesus was hungry.
Mat 4:3  Then the Devil came to him and said, "If you are God's Son, order these stones to turn into bread."
Mat 4:4  But Jesus answered, "The scripture says, 'Human beings cannot live on bread alone, but need every word that God speaks.' "
Mat 4:5  Then the Devil took Jesus to Jerusalem, the Holy City, set him on the highest point of the Temple,
Mat 4:6  and said to him, "If you are God's Son, throw yourself down, for the scripture says, 'God will give orders to his angels about you; they will hold you up with their hands, so that not even your feet will be hurt on the stones.' "
Mat 4:7  Jesus answered, "But the scripture also says, 'Do not put the Lord your God to the test.' "
Mat 4:8  Then the Devil took Jesus to a very high mountain and showed him all the kingdoms of the world in all their greatness.
Mat 4:9  "All this I will give you," the Devil said, "if you kneel down and worship me."
Mat 4:10  Then Jesus answered, "Go away, Satan! The scripture says, 'Worship the Lord your God and serve only him!' "
Mat 4:11  Then the Devil left Jesus; and angels came and helped him.
Mat 4:1  Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.
Mat 4:2  At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
Mat 4:3  At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay.
Mat 4:4  Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Mat 4:5  Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,
Mat 4:6  At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Mat 4:7  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
Mat 4:8  Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
Mat 4:9  At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasambahin mo ako.
Mat 4:10  Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
Mat 4:11  Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.

    Ang sementeryo ay puno ng mga taong nabigo sa pagtanggi kay Satanas. Ang mga bilangguan ay punong-puno ng mga taong mahina para tumayo at tanggihan si Satanas. Mga pangarap ay nasisira araw-araw dahil sa mga temtasyon ni Satanas.

    Alisin mo ang barko ng iyong buhay palayo kay Satanas. Tanungin mo si Samson, “Isang gabi ng kaligayahan ay hindi sulit sa habang buhay na kadiliman.”

    Lumaban ka. Lumaban si Jesus.

Panalangin

    Amang Diyos. Alam ko po na pag-ako’y tinutukso ni Satanas, kinakailangang tumayo ako sa pamamagitan ng iyong mga Baqnal na Salita. Sa pamamagitan ng iyong lakas malalabanan ko ang mga Diaboliko at hindi na maisasakripisyo ang aking kinabukasan. Sa ngalan po ni Jesus, may paniniwala akong magagawa ko kung alin lang ang tama na naaayon sa iyong kalooban. Amen.