LIHIM NA KARUNUNGANAT
MGA BANAL NA PANGALAN
MGA SIKRETO KAYA NAGTAGUMPAY SI CRISTO-JESUS
I N R I
MISTERIO PRINCIPAL
“ORACION” PARA SA PITONG ARKANGHEL
MICHAEL
GABRIEL
RAPHAEL
HORIGEL
JEUDIEL
SEATIEL
BARACHIEL
PINAGKAISAHAN NG PITONG
ARKANGHELES
ANG KALAGAYAN NG MGA ANGELES AT ARKANGHEL SA LANGIT SA KANI-KANILANG TRONO
SERAFINES
QUIRUBINES
TRONO
DOMINACIONES
POTESTADES
PRINCIPADOS
ARKANGHELES
ORACION NG PAGHINGI NG AWA AT TULONG SA LAHAT NG KORO NG MGA ANGHELES NG PANGINOONG DIYOS
ORACION KAY SAN ANTONIO DE PADUA
ORACION SA SANTONG ANGEL NA KATUTUBO AT TAGA-TANOD
ORACION SA MAHAL NA VIRGEN PANG-PAWI NG GALIT
ANG URI NG MGA ESPIRITU NA NASA IBA’T IBANG PITAK NG LANGIT
SERAFINES
SERAFINES
QUIRUBINES
DOMINACIONES
POTESTADES
PRINCIPADOS
ANGHELES, ARKANGHELES, st VIRTUDES.
ANG MGA KALULUWA NG MGA TAONG BANAL NA NAGAMATAY AT NAPATUNGO SA LANGIT
PATRIARCAS
PROPETAS
APOSTOLES
DISCIPULOS
EVANGELISTAS
MARTIRES
DOCTORES
CONFESORES
VIRGINIS
CONTINENTES
AKLAT NA LIHIM NG LUMANG TIPAN NA KINABIBILANGAN NG MGA KABANAL-BANALANG PANGALAN NG DIOS AT PATI NG KANIYANG MAHAHALAGANG WIKA
NANG WALA PANG MUNDO
ANG IKALAWANG PAGLALANG:
ANG IKALAWANG PAGLALANG:
ORACION:
(Ligtas sa Signos sa Planetas),
(Ligtas sa mga Sakit)
(Pangpalubag-loob)
(Sa Paghingi ng Indulgencia)
(Ligtas sa Apat na Elemento)
(Sa lisyang Hatol ng Husticia)
Mga Pangalan ng Diyos sa Iba’t ibang Ayos:
Gumamot si Jesus at nagpagaling ng mga maysakit na nasa malayo nang hindi na niya pinagsadya o pinaroonan.
Sikreto at oracion kungpaano niya ginawa ang mga ito.
Bumuhay siya ng mga patay at nagpagaling ng mga may-sakit nang hindi gumamit ng anumang gamot, maliban sa mga lihim na mga salita at mga pangungusap. Ang mga pinagaling niya ay matutunghayan sa Banal na Kasulatan, sa mga pangkat at mga talatang sumusunod
MATEO 8:2 - Isang Ketongin
8:6 – Isang Lumpo na nararatay, nasa malayo at hindi na Pinaroonan
8:14 – Biyenang babae ni Pedro, nararatay dahil sa lagnat
8:16 - Maraming inaalihan ng demonyo na pawang pinagaling.
8:28 - Dalawang inaalihan ng demonyo na lumabas sa Libingan.
9:2 – Isang lumpo na nakahiga sa isang higaan
9:18 – Isang anak na babae ng isang pinuno na namatay
9:20 – Isang babaeng inaagasan
9:32 – Isang lalaking pipi
9:35 – Sari-saring sakit at karamdaman na pinagaling
11:5 – Bulag, pilay, ketongin, bingi, patay, binuhay at pinagaling
12:10 – Isang taong tuyo ang kamay na pinagaling
12:22 – Isang inaalihan ng demonyo na bulag at pipi
14:35 – Lahat ng may-sakit sa bayan ay dinala, pinagaling ni Hesus
15:22 – Anak na babae ng isang kananea na pinagaling ni Hesus
15:30 – Mga pilay, bulag, pipi at pingkaw na pinagaling ni hesus
17:15 - Isang lalaking himatayin, naghihirap, susumusugba sa apoy
20:30 – Dalawang lalaki na bulag, pinagaling
MARCOS
1:23 – Isang tao sa sinagoga na may karumal-dumal na Espiritu
1:32 - Maraming mga maysakit at karamdaman
1:34 – Maraming mga maysakit at inaalihan ng demonyo
2:3 – Isang Lalaking lumpo (ito ang si San Marcos)
3:10 – Mga nasasalot
3:11 – Mga karumal-dumal na espirito
3:29(Ang nagsasalita ng laban sa ESPIRITU SANTO ay walang Kapatawaran kailanman)
5:2 – Isang lalaking may karumal-dumal na espiritu
5:8 – (Pagpapalayas sa masamang espiritu)
5:9 – Maraming karumal-dumal na espiritu ang sumasapi
5:15- Nasisiraan ng isip na naging matino
6:5 – Ipinatong ni Hesus ang kanyang mga kamay sa mga may-sakit
7:25 – Isang batang babae na may karumal-dumal na espiritu, nasa Malayo at hindi na pinaroonan ni hesus, ay pinagaling
7:32 – Isang bingi at utal na pinagaling, na ang sinabi ni Hesus:
EPATHA
7:37 – Binigyang pakinig ang mga bingi at pinapagsalita ang mga pipi
8:22 – Isang lalaking bulag na pinatungan ni Hesus ng kamay sa ulo, ay gumaling
9:43 – Ipinapuputol ni Hesus ang kamay na masama
9:45 – Ipinapuputol ni Hesus ang paa kung nahahawa sa buong katawan
10:46 – Isang pulubing bulag na pinagaling ni Hesus
LUKAS
4:33 – Isang lalaking may karumal-dumal na espiritu
4:36 – May salitang lihim na sinasabi si Hesus na ipinagpapagaling
5:12 - Ang lalaking ketongin na pinagaling
5:18 – Isang lalaking lumpo na pinagaling
7:2 – Alipin ng isang senturion na malapit nang mamatay na pinagaling
7:7 – Sabihin lamang ni Hesus ang isang SALITA, anang isang sentu-rion, kahit hindi tingnan ni Hesus ang may-sakit, ay gagaling.
8:2 – Kay Maria Magdalena ay pitong demonio ang pinalabas ni Hesus
8:30 – Isang tao na pinasukan ng maraming demonio na napagaling
JUAN
5:3 – Mga bulag, mga pilay, mga natutuyo na pinagaling
5:4 – Makapagpapagaling ang tubig sa anumang sakit na dinaramdam
5:5 – Isang lalaki na may tatlongpu’t walong taong may sakit
11:43 – Nang buhayin ni Hesus si Lazaro.
Nariyan, matutunghayan ninyo sa Biblia, ang mga patay na binuhay ni Hesus, at ang mga pinagaling na may sari-saring sakit at karamdaman. Narito ang sinabi ng dakilang Manggagamot ng sanlibutan, ang dakilang Mangagamot ng mga manggagamot. Ang sabi niya ay ganito: “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, gagawin din naman ninyo ang mga gawang aking ginawa: at lalong dakilang mga gawa kaysa rito ang gagawin ninyo, sapagkat ako’y paroroon sa Ama.” (Juan 14:12)
At ang sabi pa niya: “At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya, mangagpapalabas sila ng demonio sa aking pangalan; mangasasalita sila ng mga wika; sila’y magsisihawak ng mga ahas, ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila’y gagaling.” (Marcos 16:17,18).
At ganito pa ang sabi niya na may uring pag-uutos: “MANGAGPAGALING kayo mga may sakit, Mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga may ketong, at mangagpalabas kayo ng mga demonio,”(Mateo 10:8)
Iyan ang utos na sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, at ipinagbilin pa na ituro sa iba ang mga bagay na kanyang iniutos, at sinabi pa niya na “siya ay sasa-kanila hanggang sa wakas ng sanglibutan.” (Mateo 28:20)
Sa Banal na kasulatan ay nasusulat na ang mga karumal-dumal na espiritu ay hindi napapalabas at hindi napapalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin. Ganito ang sabi sa Banal na kasulatan: “Datapuwa’t ang ganito’y hindi lumalabas kundi sa pamamagitan ng PANALANGIN at ayuno.” (Mateo 17:21).
Ang PANALANGIN sa ibang WIKA ay ORACION, at ang oracion ay matutunghayan sa ibang mga kasulatan, sang-ayon sa nabanggit na talata. Ang mga ORACION sa panggagamot ang tinutukoy, at ito rin ang sinasabi sa kasulatan na mga WIKA (Marcos 16:17). Katulad ng dalawampu”t dalawang salita na matutunghayan sa 119 ng mga Awit, na gaya ng ALEPH, BETH, GIMEL, DELETH, HE, VAU, ZAIN, CHETH, TETH, JOD, CAPH, LAMED, MEM, NUN, SAMECH, AIN, PE, TZADDI, COPH, RESH, SIN at TAU. Iyan ang mga panalangin na ipinanalangin ng Haring David sa Diyos. Iyan ang mga ORACION na magagamit sa panggagamot at pagpapagaling sa mga may-sakit. Ang mga salitang iyan ay maaring sabihin sa loob o sa sarili, bago wikain sa karumal-dumal na espiritu ang ganito: Lumabas ka na, umalis ka na.
Ang dalwangpu’t dalawang salitang nabanggit sa unahan nito, ay maaaring ibulong sa kaunting tubig na inumin bago ipainom sa may-sakit. Maaari ring ibulong sa kamay ng manggagamot bago ihilot, at maaari rin namang ibulong o sabihin sa sarili bago hipan ang may-sakit. Ang mga salitang iyan ay sinambit ni David upang maligtas siya sa kapahamakan, kaya’t maaaring gamitin ng sinuman sa oras ng kasakunaan.
Narito pa ang ibang mga ORACION na magagamit sa iba’t ibang uri ng sakit at karamdaman, na sinipi sa iba’t ibang aklat at kasaysayan, na kalakip ang mga paliwanag kung papano ang paggamit at kung saan nauukol gamitin ang mga nasabing Oracion:
Ang CONSAGRACION na ibubulong sa tubig, ay ang mga sumusunod:
Iyan ang isang paraan ng pagdalangin at paghingi ng tulong sa Espiritu Santo> At narito pa ang isang tiyakang pagtawag sa banal na pangalan na Espiritu Santo:
Ang panalanging ito ay may isang malawak at matayog na kahulugan at kasaysayan. Ito ay isang matibay na kalasag laban sa lahat ng masasamang espiritu, at isang watawat ng tagumpay na hindi malapitan ng mga karumal-dumal na espiritu. Ang panalanging ito kapag sinambit ng buong taimtim sa puso at kaluluwa, ay dumarating na walang pagsala at tumatapat sa ulo ng nananalangin ang Banal na Espiritu Santo.
Kung matapos na ang pagdalangin at pagtawag sa Espiritu Santo, ay titingnan ng gumagamot ang may-sakit sa gawing puyo nito, at saka sasabihin sa sarili ang sumusunod:
Maaari ring ibulong sa tubig ang mga salitang ito saka ipainom sa maysakit. Sakaling paglapit ng manggagamot ay magsalita ang may-sakit na siya’y aalis, ang nagsalita rito ay hindi ang espiritu ng may-sakit kundi ang masamang espiritu na nakasapi sa kanya. Dito’y maaaring magtanong ang manggagamot (sa may-sakit) kung sino siya at kung ano siyang espiritu. Iyan ay sasagot at magsasabi kung siya’y Lamang lupa, kung siya’y Tikbalang, Kapre, Duwende, Tiyanak, Engkantado, Diablo o kaya’y Demonyo.
Ang mga nasabing espiritu ay maraming sakit at karamdamang nalilikha at nagagawa sa katawan ng tao. Kung minsan ay pinasasakit ang ulo, sinisira ang bait, inaalis ang pandinig, binubulag ang mga mata,
Pinasasakit ang lalamunan, pinalalaki ang dila’ pinapagsusugat ang buong katawan, pinipilay at linulumpo upang huwag makalakad, pinapanghina ang katawan, inaalisan ng gana sa pagkain, at kung minsan naman ay pinalalakas ang pagkain ng may-sakit.
Iba’t iba naman ang tawag o pangalan ng mga paraan ng pagbibigay ng sakit ng masasamang espiritu sa tao. May tinatawag na BABA O SAKAY, KAPIT O SAPI, PALIPAD-HANGIN, PAKAIN at iba-iba pa.
Ang tinatawag na BABA o SAKAY, ay nakababa sa batok o sa balikat ng may-sakit ang masamang espiritu. Ang tinatawag na KAPIT o SAPI ay nakakapit o nakasapi ang masamang espiritu sa katawan ng may sakit. Ang tinatawag na PALIPAD-HANGIN ay sumasama sa hangin, at tumatapat sa may-sakit na hindi katulad ng BABA o SAKAy.
Kung minsan ay pinapapasok ang masamang hangin sa loob ng katawan, karaniwan ay sa tiyan, ngmay sakit.
Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.
Dahil sa ganitong iba’t ibang kaparaanan ng pagbibigay-sakit ng mga espiritu sa tao, ay narito naman ang iba’t ibang paraan ng paggamot at pagpapagaling. Narito ang lahat ng mabisang paraan ng pag-aalis ng sakit, at pagpapaalis sa masasamang espiritu na nagbibigay ng mga sakit.
Ang nasabing espiritu ay maaaring paalisin at ang pagpapaalis ay ganito:
Kung ang sakit ay baba, sapi, sakay at palipad-hangin, ang alin man siya ay madaling maaalis o paalisin. Ang tanging nangangailangan ng ibang uri at paraan ng paggamot ay ang tinatawag na PAKAIN. Kung minsan ay kailangang paliguan ng magkasamang dahon ng atis at lubigan na nilaga. Ito ay pakukuluang mabuti at palamigin bago ipaligo sa may-sakit. Paiinumin din ang may-sakit ng mahigit na kalahating baso ng paligong ito, upang isuka at ilabas ang kinain. Dapat ding suubin ng insenso o kamanyang sa gabi ng araw na nakapaligo ang may-sakit.
Kung minsan ay ang hanging ipinakakain lamang ng masamang espiritu ang laman ng tiyan. Iyan ay mapalalabas agad sa
pamamagitan ng pagpapasuka o pagpapadighay sa may-sakit na paiinumin ng tubig na bubulungan ng sumusunod na oracion.
Kung minsan ay may nakikitang anino ang may-sakit, kung minsan ay may naririnig itong tinig na bumubulong sa taynga, nguni’t nawawalang bigla kapag dumarating ang manggagamot. Ang nakikitang anino at ang tinig na bumubulong at naririnig ng may-sakit ay maaaring tawagin at kausapin, at maaari ring makilala sa kaparaanang tatawagan muna ang Espiritu Santo ng ganito:
Pagkatapos ay titingnan ang may-sakit sa tuktok bago sasabihin ang ganito:
at saka ililipat ang tingin sa noo ng maysakit at ganito ang sasabihin:
Pagkatapos nito ay pararaanin ang mga dalawa o tatlong sandali (minuto), bago igala ng manggagamot ang kanyang paningin sa loob ng bahay na parang may hinahanap, saka sasabihin sa may-sakit: “Tumingin ka, igala mo ang iyong mga paningin at sabihin kung ano ang iyong nakikita.” Sakaling makita ang nasabing anino o makadinig kaya ng boses na bumubulong, ay saka kausapin upang malaman ang dahilan, at pagkatapos ay sabihin sa anino o sa boses na bumubulong na umalis na siya at huwag nang babalik kailanman.
Kung minsan ay binibingi ang may-sakit at hindi makadinig. Narito ang oracion na sasabihin sa sarili na ihihinga sa dalawang taynga ng may-sakit:
Ganito naman ang ihihihip sa may mata kung binubulag at hindi makakita:
Narito pa ang isang panghihip sa mata:
Iyan din ang mga salitang panghilot sa namimilay, kung sakaling pinipilay at ayaw palakarin. Maaari ding ihilot ang mga sumusunod:
Kung minsan ay pinasusugat ang buong katawan ng may-sakit. Narito naman ang mga oracion panghihip:
Kung minsan ang ulo ang pinasasakit. Narito naman ang oracion sa sakit ng ulo:
At narito pa ang isa na lalong mabuting panghihip sa sakit ng ulo:
Ang mga nabanggit na oracion para sa iba’t ibang sakit na likha at gawa ng mga masasamang espiritu ay maaari ring gamitin sa gayong uri ng mga sakit na hindi likha at hindi gawa ng mga nasabing espiritu, samakatuwid baga’y sa mga sakit na likas o natural ay may bisa rin ang mga nabanggit na oracion.
Ang lahat ng ORACION ay maaaring ihihip, maaaring itapal, maaaring ibulong sa kamay o sa palad saka idampi o ihilot sa bahaging masakit ng katawan, at maaari namang ibulong sa tubig na ipaiinom sa may karamdaman.
Ang mga sugat, pamimilay, sakit ng ulo, at iba pa na likha ng mga espiritu, ay maaaring mapagaling sa pamamagitan ng pagpapaligo ng magkahalong linagang dahon ng atis at lubigan, na pakukuluing mabuti at palalamigin bago ipaligo sa maysakit.
Kung minsan ay pinalalaki ang punong-katawan at kung minsan ay pinahahaba ang dila. Ang mga ito ay napagagaling din sa pamamagitan ng nasabing paligo. Pagmumugin ng kaunti ang may-sakit at pagkatapos ay suubin ng incenso, dahon ng atis at lubigan. Maaari rin namang mapagaling sa pamamagitan ng oracion, sa paraang ito’y isusulat sa kapirasong papel saka ipapatong o itatapal sa bahaging masakit, alalaong-baga’y sa dila kung halimbawa’y dila ang may karamdaman, at sa punong-katawan naman kung ito’y masakit. Sa isang mukha ng papel ay ganito ang isusulat:
Ukol sa mga namamatanda, natitiyanak, natitikbalang, naeengkanto o napaglalaruan ng duwende, kapre at iba pa, ay narito naman ang mga oracion.
Una –
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Maaaring gamitin ang alinman sa apat na oraciong nabanggit at maaaring gamiting lahat kung kinakailangan.
Kung minsan ang mga sakit na ito (na-matanda, at iba pa) ay humihingi ng suob. Maaari, ngunit hindi kailangan ang incenso at tawas. Ang tanging dapat gamitin ay ang tinatawag na KALAHUGA o KALANGHUGA. Mabuti ring lunas na hilot ang bagong langis ng niyog na dinasalan.
PAGGAMOT SA MAY-SAKIT NA NASA MALAYO KUNG HINDI MAKAPUNTA ANG MANGAGAMOT.
Ang manggagamot ay tatawag muna o mananalangin sa Espiritu Santo, at ang pagtawag o pagdalangin ay ganito:
Pagkatapos nito ay sasabihin:
:”Sa inyo pong karunungan, kapangyarihan at kabagsikan, ang lahat ay mangyayari kung inyong iibigin, kaya’t idinadalangin ko po sa inyo ang paggaling ng maysakit na si………….na nasa…………..sa kanyang tahanan.”
Saka isusunod:
At sasabihin na parang kinakausap ang maysakit:
MGA ORACION NA HANGO SA “ENCANTO DE DIOS”
Narito ang ilang oracion na hango sa aklat ng Encanto de Dios pati ng mga sinasabing gamit sa mga kinauukulan.
(Sa tamang-hangin, ihihip sa tuktok ng tatlong ulit)
(sa lagnat-ibulong sa ipaiinom na tubig: sa pilay-hanging-ibubulong sa palad bago ihilot)
(Sa nakakatuwaan ng Enkanto at sa inuubo-ibulong sa tubig na ipaiinom)
(Kung tatawasin – ibulong sa tawas; sa sakit ng ulo at lagnat – ibulong sa tubig bago ipainom)
(Ihihip sa likod na masakit. Kung masakit ang lalamunan – ibulong sa tubig na mumumugin)
(Sa ngiping sumasakit – ibulong sa tubig bago mumugin)
(Sa pilay – ibulong sa kamay na ihihilot)
(Sa pilay – ibulong sa tubig bago ihilot)
(Sa pinapasukan ng hindi mabuting espiritu ihihip sa tuktok bago isulat sa papel at ipakain)
(Ibulong sa papel na walang sulat at idikit sa noo ng may-sakit bago ipakita rito at makikilala kung sino ang natutuwa sa kanya)
(Sa kinukulebra – ihihip sa tuktok at sa buong katawan)
(Sinabi ng Birhen nang tawagin at paratingin ang labing-dalawang apostoles)
(Sa pilay – ibulong sa kamay na ihihilot)
(Sa sakit sa ulo – ihihip sa ulo at ibulong sa panyong itatali sa ulo)
(Sinabi ng Birhen nang tawagin at paratingin ng kanyang anak)
(Takot ang mga demonyo)
(Laban sa matatanda sa punso)
(Laban sa lahat ng bagay)
(Ito ang ipinamana at ibinasbas ng Dios kay Abraham)
Sinabi ni Jesus ng payanigin ang buong mundo:
Sinabi ng Dios ng matuyo at paurungin ang tubig.
Sinabi ni Jesus ng umalis sa krus na di namalayan ng mga Judio.
Sinabi ni Jesus ng Siya’y magbangon at lumabas sa hukay.
Sinabi ni Jesus ng samsamin ang armas sa mga Judio
Tigalpo ni Jesus para sa lahat
Sinabi ng Dios Ama: Para sa lahat.
Sinabi ng Virgen ng magliuanag ang mundo at siya’y manaog sa lupa.
Pangalan ng Infinito Dios sa pagka-Gentil.Gentil.Pangalan ng Infinito Dios sa pagka – Gentil
Sa Apat Na Evangelista
Para sa Apat na Elemento
San Mateo (Sa APOY)
San Marco (Sa HANGIN)
San Lukas (Sa TUBIG)
San Juan (Sa LINDOL)
Sa Apat Na Evangelista
Para sa Apat na Elemento
What is the procedure of Healing?
Ano ang mga pamamaraan para manggamot?
SUSING SPIRITUAL
(KEY TO SPIRITUALITY)
KRUS SA KALAWAKAN
KRUS SA KAITAASAN
KRUS SA KALUPAAN
PANGBAKOD O PANGWASAK
PAGPATAY NG LASON
PANALANGIN SA BANAL NA ESPIRITU
PANALANGIN SA BANAL NA DIYOS ANAK
PANALANGIN SA BANAL NA DIYOS AMA AT PAMBUHAY NA DASAL
San Juan (Sa LINDOL)
No place to hide
Pantawag
Pangbukas
PANTAWAG NG ESPIRITU
PANGBURA
9 NA KORO NG MGA ARCHANGELES
PATNUBAY AT GABAY
PANG HAGOD SA UGAT, LAMAN LITID
PANG PUDER
PANUDLA O PANG BIRA
PANG BALIK DIWA
PANG PALAYA NG ESPIRITU
(DISMISSSAL OF THE SPIRIT)
PANG BAKOD – BAKOD NG PARAISO
PANGALAN NG BANAL NA ESPIRITU
NO LIMIT FOR SPIRITUAL OPERATION
PANG HAGOD SA BALING BUTO O
BASAG NA BUTO
* PANG- UTOS NG ESPIRITU
PANGALAN NG CINCO VOCALES
PANG BAKOD O PANG BUKAS
PANG CONSAGRA O PANG PATAY NG GAMIT
GOOD SPIRITS FOR WAR 7 ANGELS
PANG GAMOT SA PIGSA
PANG TANGGAL NG POWING
AGLA
PANG GAMOT SA TINIK NG ISDA
PAMPAAMO NG HAYOP
HAGOD SA GUSTONG MAGKA BABY
IWAS SA NAKAMAMATAY NA SANDATA
PANG GAMOT SA BUNI (AN-AN)
PANG PALIPAT PABALIK
PANG-AMPAT NG DUGO
PARA SA SINGAW
PANG-ANAK
SA PUERTA
SA MATRES
PANGPAHILAB/ PANG PALABAS
SUKA – TAE
SAKIT NG ULO
PANG PUDER
PANG BAKOD
PATNUBAY AT GABAY
PANG BUHAY
SA PAGTULOG SA GABI
Ika-anim na sikreto ni Cristo
Naglalaan ang oras si Jesus upang mag-plano
Proverbs 24:3-4
Homes are built on the Fellowship of wisdom and understanding. Where there is knowledge, the rooms are furnished with valuable, beautiful things.
Kawikaan 24:3-4
“Sa pamamagitan ng kaalaman, naitatayo ang isang bahay at ito’y naitatatag dahil sa kaunawaan. Ang loob ng tahanan ay napupuna nga lahat ng magagandang bagaay sa pamamagitan ng karunungan.
Ang pagpaplano ay ang unang tuldok para sa isang pangarap.
Habakkuk 2:2
Write the visions and make it plain upon tables, that he may run that readeth it.
Habacuc 2:2
Isulat mo ang pangitain, isulat mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang madaling mabasa. Planado na ni Cristo ang iyong kinabukasan.
John 14:2-3
There are many rooms in my Father’s house, and I am going to prepare a place for you. I would not tell you this if it were not so. And after I go and prepare a place for you, I will come back and take you in myself, so that you will be where I am.
Juan 14:2-3
Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung hini gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.
Revelation 13:8
All people living on earth will worship it, except those whose names were written before the creation of the world in the book of the living which belongs to the lamb that was killed.
Pahayag 13:8
Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. Magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito’y iingatan ng korderong pinatay.
Revelation 19:9
Happy are those who have been invited to the weedding feast of the lamb.
Pahayag 19:9
Mapalad ang inanyayahan sa piging sa kasal ng kordero.
Luke 14:28-31
If one of you is planning to build a tower, you sit down first and figure out what it will cost to see if you have enough money to finish the job. If you don’t, you will not be able to finish the tower after laying the foundation, and all who see what happened will make fun of you. You began to build but can’t finish the job. They will say, if a king goes out with ten thousand men, he will sit down first and decide if he is strong enough to face that other king. If he isn’t, he will send messengers to meet the other king to ask for terms of peace while he is still a long way off.
Lucas 14:28-31
Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatantyahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon. Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos– siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila, nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos. O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan. At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kakatawan upang makipagkasundo.
Proverbs 6:6-11
Lazy people should learn a lesson from the way ants live. They have no leader, chier or ruler, but they store up their food during the summer, getting ready for winter. How long is the lazy man going to lie around? I’ll just take a short nap, he says, “I’ll fold my hands and rest a while” but while he sleeps, poverty will attack him like an armed robber.
Kawikaan 6:6-11
Tingnan mo yaong langgam, ikaw taong ubod ng tamad. Pamumuhay niya’y masdan mo at nang ikawa ay mamulat. Kahit siya’y walang punong sa kanila’y nag-uutos, walang tagapamahala o taga-masid na sinusunod. Ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga’y iniipon kung panahon ng anihan. Hanggang kailan taong tamad mananatili sa higaan? Kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay? Sandaling tulog, kaunting idlip na lang, sandaling paghalukipkip, pag-iinin sa higaan. At itong kahirapan sa iyo ay daratal. Katulad ng mandarambong para bagang magnanakaw.
Panalangin
Oracion upang makapagplano:
Ika-pitong sikreto ni Cristo
Alam ni Jesus na hindi dapat kumuha ang lahat ng kanyang produkto para siya masabing tagumpay.
Galatians 6:9
So let us not become tired of doing good; for if we do not give up, the time will come when we will reap the harvest.
Galacia 6:9
Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.
John 1:11
He came to his own country, but, his own people did not receive him.
Juan 1:11
Naparito siya sa kanyang bayan, ngunit, hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.
John 1:12
Some, however, did receive him and believed in him. So he gave them the right to become God’s children.
Juan 1:12
Ngunit, ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya, ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.
Matthew 10:14
And if some home or town will not welcome you or listen to you, then leave that place and shake the dust off your feet.
Mateo 10:14
At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.
Panalangin
Oracion para malagpasan ang lahat ng pag-uusig at pag-aalipusta:
Ika-walong sikreto ni Cristo
Merong produkto si Jesus na kailangan ng ibang tao.
Luke 6:19
All the people tried to touch him, for power was going out from him and healing them all.
Lucas 6:19
At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya, sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.
John 10:10
The thief comes only in order to steal, kill and destroy. I have come to order that you might have life – life in all its fullness.
Juan 10:10
Kaya lamang pumupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay- isang buhay na ganap at kasiya-siya.
Proverbs 13:20
Keep company with the wise and you will become wise. If you make friends with stupid people; you will be ruined.
Kawikaan 13:20
Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino; ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.
John 4:14
But those who drink the water that I will give them will never be thirsty again. The water that I will give them will become in them a spring which will provide them with life-giving water and give them eternal life.
Juan 4:14
Ang uminom ng tubig na ito’y muling mauuhaw ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
Panalangin
Oracion para Makita ang mga taong nangangailangan ng servicio mo:
Ika-siyam na sikreto ni Cristo:
Inaalala rin ni Jesus ang pangangailangan ng tao sa pera.
Philippians 4:19
And with all his abundant wealth througn Christ Jesus, my God will supply all your needs.
Filipos 4:19
At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo-Jesus.
Matthew 6:25-26
This is why I tell you, do not be worried about the food and drink you need in order to stay alive, or about clothes for your body. After all, isn’t life worth more than food? And isn’t the body worth more than clothes? Look at the birds: they do not plant seeds, gather a harvest and put it in barns, yet your Father in heaven takes care of them.
Mateo 6:25-26
Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga
James 1:17
Every good gift and every perfect present comes from heaven, it comes down from God.
Santiago 1:17
Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit. Mula sa Ama.
Psalm 35:27
May those who want to see me acquitted shout for joy and say again and again, how great is the lord?! He is pleased with the success of his servant.
Awit 35:27
Ang nangagsaya sa aking paglaya, bayaang palaging sumigaw sa tuwa, “Dakila si Yahweh!” tunay na dakila, sa aking tagumpay, siya’y natutuwa.
ANG SIKRETO AT KUMPLETONG KASAGUTAN SA BAWAT TANONG, MAGING ANG MGA RITUALS AT IBA’T-IBANG MGA GAMIT AY INYONG MABABASA SA SAGRADONG AKLAT 3 NA PUWEDE NINYONG MAKUHA SA PAMAMAGITAN NG PAGTEXT KAY BROD NEST 09186927123. MAKIKITA NINYO RIN ANG KANYANG ADS SA BUY AND SELL UNDER PERSONAL SERVICES NA GANITO ANG NAKASAAD.
THIRD EYE READINGS ON HEALTH, BUSINESS, & PERSONAL 09186927123.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment