Actual Dtef Sharing encounter with mangkukulam Part 1
Member with a warrior gift: Mayron nga ako kinompronta minsang mangku, meron ako nakitang tambalan doon. Tapos mayroon ako nasabing parang di nila nagustuhan, kinagabihan binanatan ako, eh panturo pa ung sakin noon, pinabalik ko lang sa kanya, nung kinabukasan minomonitor ako, kunwari nakipagusap sa byenan ko pero ang likot ng mata. Ginamit ko ung panturo, naputol, first time ko naputulan ng panturo nandun ako sa layte, pinakiramdaman ko agad ung katawan ko. Sabi ko nung pagkaputol kaya eh. Dinampot ko ung panturo na putol, hawak ko ung pinaka base nya tapos umiikot pa din, gamit ko pa rin, tapos nung binabatuhan ko sya, nakita ko nung una kausap nya ung byenan ko parang naka focus pa sya, nung tinatamaan na sya di na sya mapakali nag sigarilyo na, so mamayang konti naguusap sila nagpaalam, nung nakita ko may tama na, hilo sya eh, tapos nung malayo-layo na sya sinusundan ko ng tingin, lumilingon kala mo parang may nakasunod sa kanya, di ok lang, nung gabi binanatan nya ko, sabi ko sige banat, hanggang umaga nakikita ko na ung itsura ang sama na, eh anu sya kung kumilos medyo maliksi, syempre mangkukulam eh, nung kinabukasan nakita ko wala na parang di na lalaban to, hirap na maglakad, bumibili ng tuba dun sa kapit bahay kasi nagooffer sila sa maliliit na baso eh, nilalagyan ng sigarilyo at kendi. Inooffer nila un sa mga spirit, sinasabi lang nila sa kamaganak lang daw un. Pero offering un. Di naglalakad na sya, wala na mabagal na maglakad. Sinabi ko sa asawa ko tignan mo binibira kasi ako nyan, tapos sabi nya mabait yan di yan ganun. Tapos sabi ko syempre ang tao d naman sinasabi ginagawa nya sa palihim na paraan. Edi eto na tinawag ko ung tao, baday ang pangalan noon eh. Tapos umupo sya. Sabi nya magkakilala ba tayo? Tapos sabi ko bakit mo ko binibira? Oo nirekta ko na, tapos sabi nya ayoko kasi ng inaapi ako. Tapos sabi ko, inaapi ba kita? Di mo lang nagustuhan sinabi ko, nagpanting tenga mo kasi ginagawa mo! Tapos sabi ko ung mga mangkukulam na yan timbangunan din yan, kasi nanggagamot din sila eh, ang timbangunan eh ung titimbangin pa sila, akala nila pag namatay sila eh sa langit ang punta nila, ung kausap ko eh tambalan din, ung albularyo, mga albularyo kasi tao dun, kasi grupo grupo, pag madaling araw nag ooffer sila ng manok, bawat baryo yan may master, samar eh, kada baryo may marunong, lahat halos may alam, ang style nila doon, pag binanatan ka nila grupo ang bumabanat sayo, ilang beses ako nakulam brod, dati hindi ako makahinga, parang andaming nakatusok dito, sabi ko, Diyos ko, di naman ako papayag mamatay, di naman ako natatakot mawala sa mundo, pero hindi sa ganitong paraan papatayin lang ako ng kapwa tao, di ako papayag lalaban ako talaga, eh naka ganun ako sa kwarto brod, tinitignan ko ung kandila brod, parang talagang hinang hina na ko eh, parang ang daming taong nagdadasal, ung liwanag nya nakikita ko, parang pinagdadasal talaga ako, dami ko experience brod eh, sa awa ng Diyos, nagpunta ako tambalan noon. Tapos dinala ako sa cementeryo tapos biyernes un sabi paglabas natin ng cementeryo wag ka lilingon, sa cementeryo kami nagdasal, tapos ung mga mangkukulam din na yon nag ipon ng kandila, wag mo nalang papansinin kasi tuwing lunes dun may malaking krus na binabayaran ng mangkukulam, tapos un pag kagaling naming dun guminhawa na ko, tapos mga ilang lingo meron na naman, eh ang dami ko napupuntahang tambalan, mga kakilala ko, ung lolo ko kasi talagang ako pinagiwanan noon, noong araw parang wala sa isip ko, eh nasa kabilang isla sya. Hundred five years old un namatay, nung namatay nga un eh, kasi probinsya eh, eh nilagay lang sa isang crate, eh ako lang magisa nagbabantay, tapos parang humihinga eh, tapos gaganyanin ko hindi naman, pag lalayo na naman ako humihinga na naman, parang humihinga, saka 24 oras na hindi sya nagiiba ung mukha, parang namumula mula pa, pag hinawakan mo malambot, pero patay, eh iyon nilibing namin, un talaga ung may iniiwan sakin, di ko nakuha kasi di nga ako open sa spiritual pa noon sa ganoon, parang tinatamad ako pumunta sa kabilang isla, kasi namatay na un, tapos after 3 days nabuhay, tapos pinapatawag ako, parang kinukulit ako , tapos nung namatay un, umaakyat na ko ng bundok kasi nagpapagamot ako, ung iba di din ako nagagamot kasi ung bumibira sa akin group din para naman syang isla na master ____ nila kung tawagin, kaya ang style nun nung bago, pag binabanatan ako , panturo pa noon, pag napabagsak mo na , eto na naman may isa na naman dumadating, dumadagundong , nung time na un di ako lumalabas ng kwarto ala ako tulog, isang buong araw dahil sa dami ng bumira sakin walo, kung anu anu-ano na nakikita ko, nakakakita nga ako ng bolang puti eh, panay ikot sa kwarto eh, tapos ung dulo ng panturo, may ilaw na violet na ganon, sabi ko mukhang bibirahin na ko neto, talagang nilalakasan ko loob ko, eh nung taga kalumpang naman ung naka ano ko, pagtingin ko sa bintana may nakasilip na pusa, inano ko agad ung kurtina, nakasilip naganon, alauna ng umaga, naka televise pala ako doon, basta di ako bumigay. Laban nalang ako, sabi ko sabayan tayo, hanggang sa awa naman ng Diyos, pagka medyo nasanay ka na din, parang baliwala na.
New Member 1: nung hinawakan ko nga ung libro nyo eh. Parang nagiba pakiramdam ko, nararamdaman ko sa katawan, talagang gumaganon dito eh. Eto nga lately nga parang bumabarena dito.
Member with a warrior gift: dito nga parang may nakasampa sayo dito pag nanonood ka ng tv, parang mabigat, naranasan ko yan, manhid. Kelangan mo talaga yang mga panturo at prayers, parang winawarningan ka na pag may padating, minsan d mo kasi mararamdaman eh. Pero minsan may malalakas din talaga
New Member 1: minsan nga para akong nabibingi eh, parang lumalalim pandinig ko
Member with a warrior gift: : chaka para kang laging hilo,
New Member 1: samin kasi dito sa Malabon, mga bisaya, mga nagkakahiyaan, mayroon kami manggagamot na nakaalalay saamin, kaya nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon nakatayo pako,.
Member with a warrior gift: Di kasi kung talagang guided ka di ka naman pababayaan!. Dahil dumating ung punto na di na din ako nagtiwala sa mga tambalan brod eh.Kasi hindi nila tinuturo ang alam n ila pabalik balik ka para magpagamot hindi katulad nib rod nest tinuturo lahat hanggat gusto mong matuto Parang minsan pinaglololoko na ko ng mga Tambalang ito eh, sabi ko kung hindi ako makakahanap ng isang makakatulong sakin, tingin ko sa sarili ko noon, matitira nyo ko pero matatagalan kayo dahil malakas ang loob ko sa ganyan, pero ibig sabihin bibigay ka din eh. Wala kang panlaban eh, kaya sabi ko nananalangin ako ng taimtim n asana may makilala akong tunay na magtuturo hindi iyung pabalik balik ka tapos puro orasyon lang ang ituturo na hindi naman epectivo kulang kulang walang susi walang poder walang consagration at iba pa. Hanggang kahit hindi ako marunong mag internet nagcomputer ako tapos biglang parang mapumindot ng mga letra nakapasok ako sa site ni brod nest. Kaya nga sabi ko, nagpasalamat din ako, kasi meron ako apo ng lolo ko, ano un eh nanggagamot din pero mas more on ano sila eh. Dalawa un, kung baga isang puti isang itim, pero mas more on na siya sa itim kaya siguro ganon, minsan kasi nakikitulog sa bahay naming un tapos doon nankunkulam, kaya naaabsorb ko ung negative, kaya sabi ko, eh di naman ako marunong mag cleansing, tyaka brod oram ang gamit ko noon, mga karaniwang ginagamit. Kaya sabi ko nga eh pasalamat ako nagkakilala kami ni brod nest eh, kasi unang tinuro nya dapat ang hawak mong kapangyarihan galing sa Lumikha iyung Almighty kasi babalikan ka talaga ng mga kalaban na gumagamit ng black magic dapat ang orasyon mo effective eh malakas ang thirdeye ni brod nest kaya alam nya ang commercial na orasyon at orasyon na match sa dapat na situasyon. Ska sa kanya hindi ka pabalik balik may sagradong aklat na mababasa mo kahit nasa visaya ako siya eh nasa bulacan may efod/panturo at pendant na pwede mong tanungan kasi nga umiikot ito pa oo ang sagot at lumilihis pag hindi ang sagot kaya nga iba pati sa lovelife ginagamit iyan kunwari mga misis nagtatanong sa efod pag wala ang mga mister nila kung may ginagawang kalokohan lagot sila pag umikot iyun oo meaning yari siya may baston pang combatis may pendant may prayer handbook na pang shield pang protection pampalakas ng aura may atadar at marami pang iba ika nga kumpleto ka para hindi ka masingitan ng kalaban saka may mga nakukuha kang impormasyon na hindi nalalaman ng ibang tao.
New Member 1: ako naman kaya ko sya nakita sa internet si brod nest, ako naman kasi ay interesado sa third eye, kasi nga gusto ko Makita ung mga parating sakin na umaano sakin, kasi nga minsan sa wall meron ako nakikitang puro mukha, basta ano lang puro mukha lang nakikita ko, minsan nga hinahamon ko eh, sabi ko ano ba naman kasalanan ko, kasi kahit ala ka kasalanan babanatan ka, sa inggit lang pwede ka na banatan, kaya mabuti nga nakilala ko rin sib rod nest talagang open ituro ang nakatagong kaalaman para hindi lang iilan ang may hawak saka tama ka sa ibang manggamot pababalik balikin ka pamasahe pa lang tulad ng sa akin isa sa may mt banahaw isa sa antipolo pamasahe pa lang donasyon at pasalubong libo libo na kay brod nest ayaw nya ng pabalik balik ka kasi tama siya hindi siya ang Dios nation lang may thirdeye siya nahawakan makapangyarihang kaalaman dapat ituro gamitin ng members habang buhay ng kaalaman na maipapamana pa sa susunod na henerasyon basta nga sabi nya wag abusuhin ang pag gamit para wag ma switch of at maparusahan ng mga Divino.
Member with a warrior gift: maraming tambalan sakin nagbibigay ng mga medalyon. meron nga saakin lumabas na bato eh. Korteng triangulo, pero iniwan ko doon sa leyte, pero ayon napepenetrate padin ako eh. Sabi nga ni brod nest pag napepenetrate ka. May mali na. Mahina ang dala mo pero nung kami na ni brod nest. Ala na surrender na sila, pero alam mo di naman mauubos yan eh. Kasi alam mo naman ang tao konting inggit lang sayo eh bibirahin ka. Papakulam ka na Pero pag ditto ka na alam mo na sagradong aklat at pag Didivino ala ka na takot na mabibira ka, dahil nasa Divino ka na,kung baga kumpyansa ka na wala sila magagawa sayo. Mamamaster mo din brod eh. Sabi nga ni Brod Nest ang laman sa loob ng Pendant maging ng Efod maging ng Baston ay symbolism ng Tatlong Persona si Mama Mary Lahat ng Angel may warrior angels love angels family angels business angels at marami pa na siyang tutulong sa iyo gagabay sa iyo ipaglalaban ka ang kalaban mo ay kalaban nila ang kakampi mo ay kakampi nila ika nga nib rod nest basta alam mo ang secret codes at totoo nga simula ng mag aral ako sa kanya iyung tatlong kilong agimat ko na nakatali sa baywang ko inalis ko na pendant na may symbolism sa loob ng Divino Almighty powers talaga kasi sila lumikha ng lahat ng mga bagay paano nga sila matatalo hindi kailan man nanalo si luciper sa Dios Ama maging kay Papa Jesus At sa Holy Spirit.
New Member 1: sabi ko nga eh. Samin kasi ako ang sakitin, sabi ko nga sa imahe ni Jesus Christ, sabi ko bakit naman ganun ano po ba kasalanan ko bakit ako lagi nagkakasakit? Tapos kinabukasan nakita ko sya sa ulap nakadipa, nag form na parang nasa pako siya. Parang sinabi sakin ako nga pinako sa Krus eh ano din ang kasalanan ko? Parang kung baga sa ano ay hindi ako dapat magreklamo, tapos after noon nakikita ko mukha nya lagi, parang nakatingin ung image nya sakin
Member with a warrior gift: so ibig sabihin meron siyang plano siguro na dadating ang panahon na magaano ka din sa kanya. Kasi ako sa totoo lang brod marami na rin akong yung ginamot na mga nakulam, eto nga ung pinakahuli ung kay Francis, ung isa kong pinsan na taga Leyte din kinukulam din un, nagcocollapse un. Matindi rin.
New Member 1: sakin naman ung gift ko na to lumabas nung namatay ang nanay ko, kasi ano eh nagpapagamot ako sa project 8 kasi nga lagi ako may tama eh, nung time na nagpapagamot ako(Member with a warrior gift: sinong manggagamot mo doon?) si ninang bebe, bebe ang pangalan nun naging ninang ko rin sa Kasal un kinuha ko, tapos nung time na nagpapagamot pa ko sa kanya, kakilala pa lang naming siya di ko pa siya ninang noon, bigla ba naming parang may dumagan sa bibig ko. Eh ang daming pila. sabi ko pasingit naman. Alam kong talagang delikado na eh kaya sabi ko unahin nyo muna ko baka di na ko makahinga, ginanon nya lang ako. Tapos nung nakita nyang medyo bumilis na ung hinga ko, sabi nya sige dalin nyo nalang sa hospital, kelangan na nya kasi magpatingin, nung nakapikit nga ako na ganon eh, nakikita ko image na puti eh, (Member with a warrior gift: sino un?) di ko nga alam eh, parang hirap na hirap ako na nakaganyan. Bata palang ako binabanatan na ko, hanggang ngayon, kaya eto nakakaramdam kasi ako kaya naghahanap hanap ako. Punta ako Nueva Ecija , Laguna, Binangunan, Quiapo dami jan, nagbababad din kami sa Quiapo, may mga sinamahan akong grupo doon kaso medyo di ko nagustuhan eh, iwas kaagad ako eh, may nameet akong babae dun na naging kame tapos, eh meron ako girlfriend noon, eh napalapit din ako sa isa, so dumating ung time kelangan ko mamili, iniwasan ko nalang ung isa. Kasi di naman pwede, two years kaming kame. Sa Iloilo siya, bisaya, ang gift ko noon ung nagaabot, ung ibibigay ko sa tao.na meet ko lang kasi un nung umakto ako. Kasi ako ginagawa ko sa Quiapo, kasi may nakita ako isang babae na parang may problema sa katawan, parang may bira, ang nangyari doon. Bago kasi yon, nag observe lang ako. Tambay tambay lang tapos may makikilala ka. Pero nung time na yon, may babaeng ano, parang lumapit sa isa, tapos sabi ng isa may bira ka, hindi sila magkakilala, hindi ko parin kilala ung isa, eh ang nangyari nung parang nahawakan na nila, nagiba ung aura ng babae, ginamot na siya, inaktuhan na siya nung dalawa, si bro. willie and si bro. Philip, inoracionan na, eh ako naman napalapit syempre gusto ko din tumulong eh, ang ginawa ko gumanon ako, di ung babae ay nakaupong ganon eh, pag ano ko ginanon ko. Gumanon, dun nila ako nakilala, ang sakin lang kasi eh magbigay lang pero ung gagamitin sa iba hindi ko naiisip un eh, dun ko naumpisang nakilala ung grupo nila, lahat ng Nazareno, bali tuwing biyernes nanggagamot sila eh, tapos dun na nagumpisa na mapalapit ako sa binangonan, ang ano daw doon ay sta. romana, kasi nung pumunta ako dun, pag lapit mo doon, papasukan un, may something na may pangalan daw ako dito eh, my sinabi siyang pangalan nakalimutan ko na eh, ang hawak daw kasi nila ano eh ung tatlo. Tres persona, eh ako di naman masyado bukas ung ano ko, nakikiramdam din ako eh,
Member with a warrior gift: madami din ano dyan sa Quiapo, kung baga ay nagpapanggap din
New Member 1: nung inabutan ko nga yan eh sabi nya sakin eh, nung after ko bigyan, ay hindi ako maghihirap, nung inabot ko sa kanya noon, nag bigay sakin, ung pinaka head nila doon, si romana, pag gusto ko daw bigyan ulit ako, hihingi lang daw ako, tapos pinsan kong nauna doon. So papunta punta kami doon pag nagkakayayaan, tapos lately ung naging bata ko nagkakilala sila. Bumalek. Tapos nung napunta na sa binangonan un. Parang gusto padin nya na magkabalikan kami. Tapos ang nangyari, ung isa sa mga kakilala ko na taga dun din. Na bagong bagong Sali sa grupo na un,
(Member with a warrior gift: so ano ginagawa ng grupo nyo? Naggagamot kayo?)parang sharing tapos nagdadasal sila, my altar sila dun sa may labas ng balkunahe. Un nga ung kinekwento ko sa inyo na tinext ako. Un pala nandun ung babae. Un pala sumasama na pala sa grupo nila un, kaya pala bago ako umalis noon parang my bumulong na wag ka na tumuloy. Kaso inignore ko lang, sabi ko kaya pala. Tapos pagdating doon, di magkasama kami pumunta ng binangonan. Tapos isinesetup kami na ikakasal. Kasi nandito na si romana eh. Tapos my pumasok sakin eh. Di nila napigil. Ewan ko parang sa spiritual eh. Parang my tinali sa ulo ko eh.siguro demonyo ung sanib ko, eh iisa lang ang lalake, parang lumalabas ganoon. Talagang pagkakataon lang. talagang nanggagamot din sila na ano, parang kung baga nahahaluan lang sila ng tao na may iba din na motibo, tingin ko di naman sila kulto eh. Nahahaluan lang ng ibang may motibo,
(Member with a warrior gift : so ano nangyari noon?) parang ang tigas ng katawan ko na hindi ako makagalaw, parang pinakita lang sa babae na parang un ang gusto ipakita ng sta. romana, (bambi: pero my anak ka na noon?) ala pa binata pa ko,. (bambi: sta romana? Sta. romana catholica ba yan?) ewan ko parang naririnig rinig ko lang din un eh, parang madre? Na nagiging banal. Parang ganoon. (bambi: parang ginawa lang siyang santo ng Catholic Church diba?) tapos ung asawa naman daw nya parang si Jesus Christ nga daw ang gumagabay. Di naman kasi ako bukas eh, mahirap kasi mag ano eh maniwala agad, kaya ako nagoobserve observe lang.
Member with a warrior gift: kaya nga sabi ni Brod Nest, mahirap ung sinasabi nila na nakakarekta sila, mahirap un. Tunaw ka doon. Marami kasing ganyan eh, parang di na kasi totoo ung ganon. Basta tayo Brod alam natin kung saan tayo nakatayo, alam natin ung totoo. Pero di ung katulad ng mapapanood mo na magccostume pa na parang kalokohan nay an eh.
New Member 1: pero ano aaminin ko sa inyo before talaga myroong pumapasok sakin nung namatay ung nanay namin tapos un nga kung ano ano pa nararamdaman namin, umalalay sya samin hanggang sa makarecover kami.
(Member with a warrior gift: siguro yan ung mga kamaganak mo na may alam din), my alam talaga yon dahil mga manggagamot din un.un ung nakakagawa ng pera, pero pag nakagawa na siya noon, parang nagpepenetensiya din siya,magician yon. May bato nga yoon na kulay brown eh. Date eto usli yan eh nadwende kasi ako, nilagay nya lang dito ung bato pag lagay nya sa crack eh pumutok, pag katapos ala na.
Member with a warrior gift: ganun nga yoon kasi ung girlfriend ko dati eh na, gumanoon ung dalire eh, hindi maibalik, tapos ung medalyon ko nga noon. Pero pagkatapos ko sa stage na yoon kung ano ano na naranasan ko. Basta saakin brod andami ko experience sa ganyan, lalo na sa lugar namin, kampo ng mangkukulam doon eh.
New Member 1: ako naman my umaalalay din saakin na manggagamot taga laguna. Ang tinatanong nga nya bakit ako pinapasukan, nagtataka nga din ako bakit nga ba ako pinapasukan? Kaya sabi ko dapat tumayo na ko sa sarili kong paa, kasi di lahat ng oras andyan sila para sayo. Parang di naman pwedeng sa lahat ng oras eh aasa ka sa kanila.
Brod Nest: papano kung nagtratrabaho ka tapos sinaniban ka, mayroon nga ako kaibigan ganoon eh. Nung ano nakakagamot siya, ang naging problema, anytime. Nagddrive nga siya sinaniban siya eh. Kaso di pa ko marunong magshield noon.Hindi pa ako marunong manggamot Pupunta ako nakikita ko siya pero nung nakita ko na siya, iba na, alam ko na sinasabi ko na agad sa ano ehmay sanib ka. Pero ngayon madali ng paalisin at parusahan pag may sumanib sa tao violation iyun kaya dapat malakas ang shield may protection malakas ang aura.
Member with a warrior gift: pag nagccharging naman ako, dinaanan ko rin yang pinapapasok ko ung energy sa kamay ko, pumipilipit yan, anlakas ng energy.
Brod Nest: hiramin mo nalang ang gamit ng Divino, mas sure kasi un, saka hindi nga mababastos ung binigay sayo ng Diyos, ung bang binigay ng Diyos eh walang hanggang kapangyarihan ang sarili mong kaluluwa at katawang lupa wag mo pahiram sa iba or magpasanib ? Ginabayan ng Guardian Angel yan eh. Diba nga pag pinanood mo ung sa Facebook, kung pano nabubuo ung bata? 40 million na spermcells isang eggcell, dun palang my guidance na!.may miracle na kaya nabuhay siya eh, kaya kung baga. Huwag mong ipagamit thru sanib ang katawang lupa na pinahiram sa iyo ng Dios Ama.
Member with a warrior gift :ako nga brod nanganak ung misis ko. Ako lang nanghilot! Nagpapagaling lang ako!
New Member1:kami nga eh di pa kami nagkakaanak, kasi ano ung problema sa kanya eh my mayoma kasi(Brod nest: ikokorek mo un gagamitan mo ng sekretong kaalaman at kapangyarihan) barado pa ung ano nya di ba dalawa un?
Brod Nest: kahit na! pag ang Divino ang gamit mo na nagbibigay ng buhay, sa San Jose Del Monte mayroong case na ganoon eh, ung di nabubuntis ang tagal, araw araw binubuhay ng PATER araw araw sa bandang matres nagdadasal sa Panginoon. Ung isang member nga na may tindahan siya.Ayun after ilang months nabuntis manugang nya at Kambal pa eh nakita sa ultra sound. Di siyempre nung checkupin ng doctor dapat caesarean yan. Pero nung nanganak yan normal eh, nagulat nga sila eh. Kasi araw araw dinadasalan nya un binubulong ang orasyon para manganak ng normal, sabi nga nya, Brod Nest ang laki ng natipid ko. Nailagay ko sa tindahan ung ano perang natipid. Un ang normal eh kung caesarian malaking gastos,. Nagpapasalamat nga siya eh sabi nya ginamit ko ung oracion natin. Kahit nga si doc narinig un nung tinanong siya eh. Standard na caesarian yan sa medical kaso tayo nagDidivino kung ako nga eh nung may sakit ako sa puso
Nahospital kami, kung baga nasira ung sinasabi ng tao na di pwede yan di pwede yan.Sa Divino possible lahat basta pinayagan at walang masamang hangarin.
End of part 1 to be continued……
Sunday, August 5, 2012
Divino Third Eye Fellowship/Sagradong Aklat (Files)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment