Sunday, August 5, 2012

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 2

  • Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 2

     Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 2
    Ngayon isa pa sa number 2  na gustong malaman ng nag seseminar 2. …Kung nalaman mong isinumpa ang iyong mga ninuno tagos hanggang sa salit-salin ng iyong lahi kaya madalas kayong namamatay sa aksidente o sa iisang sakit?
    Bro Nest: Pagkaminsan, di ba may sinasabi nagkasakit sa puso yung lolo nyan e kaya yung tatay niyan nagkasakit din sa puso at yung anak nyan, hindi totoo yun e sa Science sinasabing genes yan pero sa spiritual mayroong tinatawag na sumpa pag merong nanumpa noon halimbawa sa lola ng lola mo at malakas manumpa sinabing hanggan sa kaapuapuhan mo mamamatay kayo sa sakit sa puso parang nagiging sakit ninyong pare-parehas kaya kailangang puputulin iyon, kailangang marunong magputol ng sumpa. Kung may manumpa na mamatay kayo karamihan ng kamag anak mo sa aksidente kya minsan dumalaw sa kamag anak na namatay sa probinsiya na aksidente buong pamilya sa highway patay lahat. Hindi natin akaain may nakalaban pala lola ng lola mo eh marunong manumpa yari pwede mong ma check kung may sumpa sa lahi nyo pag may signs na pare pareho cause ng death nyo pwede mo ring gamitin ang efod ask mo sa kanya kung may sumapa ba pamilya mo kusang iikot iyun pag umikot oo sagot pag lumilihis hindi ang sagot nya. Kaya maganda may efod/panturo o kaya ang pendant.
     Ngayon, kaya dito ang example sa Mateo; si Kristo, noong naglalakad siya kasama si Pedro may nakita siyang puno ng igos siguro example niyan parang santol, tapos gusto niya sanang kumain ng bunga nito kaso walang bunga iyung puno parang nakita niya na hindi na nagbubunga itong puno na ito kaya parang may sinabi siya na wala ng kwenta itong puno na ito kaya noong pagbalik nila Pedro sa daan kung nasaan ang puno ng igos sabi niya tignan ninyo namatay ang puno ng Igos na isinumpa ninyo. Natuyo eh pati dahon at sanga at pinaka puno nya. May classic example din iyan yung mga puno na sinasabi dito sa probinsiya na pagbuntis, huwag ninyo papakuhanin ng bunga iyan.  Noong araw mayroon akong puno ng atis, anglaki.ng puno pati ng bunga matamis pa. nasa tapat ng bahay iyon, ang bahay namin ay nasa kalsada rin may kumuha raw na naglilihi kasi nga nasa daanan eh , biro mo biglang natuyo ung puno ng atis, ibig sabihin ang tao kasi mayroon siyang energies ngayon ang puno living things din yan di ba? Tinuturo sa Science.   Kung yung vibration mo hindi match sa kanya, mamamatay, kaya yung mga nag-aalaga di ba pagkanagdidilig kinakausap pa yung halaman, “Good Morining,” pagkinakausap ang gandang mong bulalak kasi naririnig siya nung halaman, binuhay rin ng Diyos yan kaya nakakarinig kaya ganun din na totoong may sumpa at saka sabi rin ng Exodus sino mang manumpa sa kaniyang ama’t ina ay papatayin galit ang Diyos dun hindi mo pwedeng sumpain kasi hindi ba may mga taong nagsasabi, “Nanay ka, wala kang kwenta, sinusumpa kita,” ay nanay mo yun eh, ang Diyos galit dun kasi si Lord tatay din siya eh, Father siya ng lahat eh, kung ginaganun mo yung magulang mo eh di ginaganun mo rin ako, kaya nagkakaroon ng sumpa at sinabi ng Diyos huwag mong susumpain, kung kaya’t totoong may sumpa.

    Ngayon sa number 3, Kung ang bahay na iyong tinitirahan ay malas, kaya pala malas mayroong portal kung tawagin or doorway ng negative energy na nakakalikha ng pagtatalo talo at madaling pag-init ng mga ulo ng mga tao doon.
    Bro nest:  Kung minsan yung bahay kaya pala nagiging addict yung mga nandon, kaya pala sila sila nag-aaway may negative portal doon na dapat isishield mo, dapat alisin ang malas at isara ituturo ko sayo kung papaano mo isishield para yung lugar mo swerte tahimik; hindi magulo, may mga lugar na ganon kasi may portal kaya minsan pag ganun na talaga yung lugar kunyari Tondo bakit hindi  nababago ang Tondo hanggang ngayon bata pa ako uso kursunadahan at saksakan , eh may portal yan e ang hirap icorrect nyan kaya talagang ganyan siya pagkanaglalakad ka sa tondo lalo sa mga looban umaga pa lang almusal eh gin eh may pupuntahan ka doon dayo ka lang  kailangan alerto ka nakashield ka kasi kung kursunadahin ka at least ramdam mo, “may kumukursunada sa akin.”

    Kung may nakatirang multo sa sarili mong pamamahay, kasi ang hirap noon, may mga kaso tayo lalapit, “Brod Nest, yung nasa Hong kong sabi niya kasi tuwing natutulog ako parang may tumatabi sa kama ko nararamdaman ko tapos pagka gigising ako ng mga alas dose ng gabi yung bintana ko kasi kita ko yung puno parang may malaking anino doon e.  Iniisip ko nga kung imagination ko yun bakit tumataas yung balahibo ko? Bakit hindi ako makatulog kung imagination ko lang yun? Engineer yun ha, yung babae na iyon. Umuupa siya ng isang bahay.
    Member S: Yung panahon na iyon noong may gustong kumuha sa akin mga 21 years old ako noon mga dalawang buwan niya kong ginugulo, pag natutulog ako binabangungot ako tapos sa bawat bangungot ko sinasama niya ko bumabaon ako pailalim.
    Brod Nest:  Iniinvite ka sa mundo nya ha gusto kang higupin ang soul mo habang tulog ka.

     Member S: Hindi ko alam kung anong gagawin ko madalas yun mga alas tres ng umaga  malakas siya eh.  Pagigising ako ang gagawin ko matutulog ulit ako tapos panibagong panaginip naman iba na naman yung gagamitin niya ang sakit sa ulo hindi na ko natutulog hanggang umaga.

    Brod Nest:  ilang taon ka na ba ngayon?

     Member S: 29 na po ako.

    Brod Nest: Eh, di mga walong taon na?

    Member S: Oho, tapos nakita ko rin siya isang beses, hindi niya ko nilulubayan ewan, hindi niya ko nilulubayan eh, minsan tumatabi sa kama ko  marami akong nakita e, nakakita na rin ako ng demonyo e, isang beses pagkaligo ko may tumalon malakas dun sa cr ko tinignan ko sa bubong kasi yung bubong doon sa tinutuluyan ko eh..
    Brod nest: yung parang transparent?
    Member S: Pagtingin ko may nakita ako sabi ko “shit!” ang laking tao na itsura talaga niya na parang sa kambing ganun talaga oh.
    Brod Nest: yun yung nakikita mo.
    Member S: Pero bihirang bihira lang yun.  Minsan may naririnig akong boses ng babae dito na wala naman, ganun, pagkaminsan may nararamdaman akong malaking malaking aura pagkaminsan bigla nalang akong umuupo tapos kumakain ako may nararamdaman akong malakas na feeling mo anlaki laki hanggang don sa may pinto hindi ako lumalapit, bakit ayaw mong lumapit diyan? Ayaw ko malakas eh, pero hindi naman nila ko naiintindihan.
    Brod Nest : Oo.
    Member S:  Sabi ko may malakas diyan. May malakas na presence na hindi ko makita Yun lang.
    Brod Nest:  Kaya alam mong may presence doon.
    Member S:  Pero gusto kong tingnan, hindi ko naman nakikita.  Pero bihira, minsan may nakikita minsan wala, minsan may biglaan eh.  Minsan natutulog ka biglang may taong tatakbo sa ulunan mong ganon nakita mo talaga mabilis so babangon ka, basta biglaan na lang po siyang nangyayari.Tapos wala naman hindi ko Makita pagtitingnan.

    Brod Nest: So yun, ibig sabihin open ka,open ang third eye mo, open na yung gifts mo, open na yung aura mo, ngayon yan ang prone talaga.  Marami ngang ganyan na ano lumalapit yung mga patay makikita mo minsan warak warak yung mukha nasagasaan ng truck nakikipag-usap.  Tamang-tama talaga sayo itong lecture na ito kasi dangerous din yan e. Pag medyo bukas na kasi ang thirdeye iyang mga namatay lalo sudden death ang gusting kausap eh iyung nararamdaman sila nakikita sila. Sa story ng batang nay thirdeye sa The Sixth sense halos puro patay ang nakikita nya nagbigti nasagasaan…
    Member S: May nakita na rin po ako dati nagtetext ako may bata ang panget ng itsura pero buti hindi naman na ako takot sa multo.

    Brod Nest : Nasanay kana..
    Member S:  Pag may multo kinakausap ko, “Hindi ako makakatulong sayo wala akong kapasidad para diyan hindi pa kita kayang kausapen.”  Pero mayroon akong kinekwento kasi mayroon akong isang kaibigan, hindi ko alam kung ano yung ginawa niya sa akin, may gusto rin ako makitang tao, kaya may purpose ako dito.  Nagka anuhan kami na may thirdeye din sya pero siya iba siya, nagmemeditate siya eh kasi nakita ko siya sa bahay ko noong  naliligo ako yung cr ko may butas sa ilalim sinilip ko kung anong ginagawa, tapos nakaganon siya, nagmemeditate siyang ganon.  Hindi ko na pinansin tapos dumating ang mga ilang araw nag-away kami, parang _ sa isang bagay na hindi naman nya inaamin.  Tapos noon on that night pag-uwi ko galing trabaho pagpalagay na ito yung bahay ko, nandyan pa lang ako sa may gate na yan iba na yung nararamdaman ko, tapos pumasok ako sa bahay ang dami ko nang nakikitang parang ang lilikot na, basta may gumagalaw at lumilipad, ganon, hanggang sa pagtulog ko ang bigat talaga ang bigat nung aura na hindi ko maintindihan kung bakit?  ang ginawa ko, kausap ko yung girlfriend ko sabi ko hindi ko maintindihan kung bakit ang bigat nung pakiramdam ko hindi ko maexplain kung bakit ganito.  Yung girlfriend ko hindi naman din nya alam yung nangyayari sabi ko, kinausap ko yung, nung nagkabati na kami kasi yung girlfriend ko magkaano sila e, magkaibigan sila nung lalaki.  Nag-usap kami noong nagkabati na kami yun na hanggang sa wala ka bang nararamdaman?
    Brod Nest: Nagtanong siya?
    Member S: Opo, ang bigat nung naramdaman ko ng gabing yun sabi ko ay meron akong thirdeye, bakit?  Sabi nya Eh, ginulo ko yung bahay nyo, sabi ko anong ginawa mo? Sabi nya nagmeditate daw siya lumabas yung ispiritu niya,  pati mga bad spirits tinawag nya para guluhin ako
    Brod Nest: Nagtawag?
    Member S: Nagtawag pati mga kapitbahay namen, ang ginawa pa niya ginaya pa niya yung itsura ko, ginaya niya yung itsura ko ginanon ganon nya hanggang sa magsipasukan lahat sa bahay, ang galing non ah yun ang gusto ko matutunan kung paano ginagawa yon.
    Brod Nest : Astral yun eh, Astral Travel yun.
    Member S: Yun nga po ang gusto ko matutunan.
    Brod Nest : Isa yun sa tinuturo natin, kaya lang hindi natin ginagamit yun sa ganoong  negative purpose. Ang powers kasi pag nahawakan mo may kaakibat na responsibilidad hindi dapat for personal gains o pansariling advantage para mapasunod isang tao violation iyun pag nag didivino ka na. never abuse your powers kasi may consequences para makatulong ang sa atin hindi para manakot o manakit,
    Member S: Ay, Hindi ko po gagawin yun.
    Brod Nest: Kasi kamukha noon susundan din siya noon, Oo nagbago siya ng muka pero matetrace pa rin sya e, kasi spiritual yung mga yan eh.  Kita siya noon. Kaya lang natawag niya naging portal yung bahay mo na iyon. Nagtatawag ng ibat ibang kaluluwa papunta roon. Kaya nga noong tinatanong ni Papa Jesus iyung taong nasaniban Ano ang pangalan mo? Pulutong kasi marami kami nagtatawag pa kami ng mga sasanib sa taong ito.
    Member S: tsaka meron akong isang gusto rin makita na tao na hindi ko alam ang tototong pagkatao pero may thirdeye din siya.  Doon ako nagkulang _ yung sa thirdeye pero ang nangyari nanatili akong mahina sila yung malalakas. Tumigil akong idevelop hindi ko alam kung paano palalakasin walang magturo sa akin.
    Brod Nest: Sila yung nadevelop. Kasi sa ganyang gifts may mga requirements din na dapat gawin tulad ni Daniel sa Bible hindi siya kumakain ng pagkain ng hari meaning iyung masasarap hindi siya kumakain ng karne gulay at prutas lang ako personally 3 years noong bago pa lang lumalakas thirdeye ko no rice no meat fish gulay at ruits lang lalakas frequencies ng pag pick up ng thirdeye, nature trips tumira ako sa bundok for 1 year no tv kuryente wla lahat puro fruits vegetables gardening prayers nararamdaman ko cleansing ng physical body na needs para ma upgrade ang thirdeye isa mga dapat gawin ang mga iyun para mapalakas ang thirdeye marami pa
    Member S: eh kaya Sila yung nadeveloped lahat na hindi nila ko hinayaang malaman kung ano yung totoo.
    Brod Nest: Ayaw nilang turuan ka.
    Member S: Ayaw nila akong turuan, hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi nila o hindi pero most likely minsan nagkakatotoo dahil minsan may nangyari na may nagbabantay sakin nag-iisa ako sabi ko yung girlfriend ko gusto ko siyang makita kung nasaan siya kung anong nangyari sa kanya pero by thru text nag-uusap kami.  Yung mga problema namen _ hindi kami magkita sa ngayon pero gusto ko malaman kung anong ginagawa niya may thirdeye din siya pero mayroong gumagabay sa kanya na mas malakas.  So, minsan ako hindi ako makalabas ng bahay, pag lumabas ako ng bahay kunwari lumabas ako nandun ako sa may gate na yun diba, nagtext siya, nasaan ka? Sabi ko nandito ko sa loob ng bahay, parang sabi niya hindi wala ka sa loob ng bahay nasa labas ka. Nakikita nya ako kahit malayo ako sa kanya.
    Brod Nest: nakamonitor ka. Ako ang mga naturuan ko na mapalakas ang thirdeye  biglang mag tetxt brod nest ang suot mo t-shirt na green eh babae iyun mga 22 yrs old nasa antipolo siya ha nasa ortigas ako noon ginawang adviser ng isang businessman sa Corinthian gardens ako pinatira expedition pa nga service ko kasi napalaki ko company nya thru thirdeye advises eh kako hello bawal iyan kako pwedeng mag astral check ginagawa ng mga tao na nasa bahay kung nasa office pero wag naman kung halimbawa nasa banyo na ngaiyung tao  try mo pa penetrate horizons nya. Kako s a kanya eh alam mo sis hindi proper iyan tinuro natin sa seminar may privacy  kasi syempre bago ako nag t-shirt nag pantaloon ako bago ako nagpantalon nag underwear ako eh bago noon ikaw ha ma switch off gifts mo pag may violations.
    Member S: Pero sa ngayon nawala na yung tao, nawala na yung taong nagagabay sa kanya, meron siyang thirdeye pero hindi niya na ako makita.  Ang alam ko pinasara yung thirdeye niya sabi ko pinasara mo? Pero hindi pa rin siya ganon kasarado.  Kasi pumasok na sa utak niya kung paano ginagawa eh, naiintindihan na niya eh.  So, hindi na lang niya ko makita ngayon.  So, nandito ako ngayon siya naman ang gusto ko makita. Yun lang talaga. Pero yung sinasabi nyong proteksyon sa masamang ispiritu ok po sakin yun.
    Brod Nest: Kailangan mo yun dahil ang third eye nga attraction kana ng mga unseen ngayon yan ang daming makikipag communicate at paparamdam  ano tsaka yan yung nagpapadala sayo makokontrol mo na isa sa ano yun tinuturo natin. Kaya pag tinataasan mo na shield mo thru Edeus hindi ka na basta basta makikita naka dome ka naka umbrella.
    Member S: May binanggit sakin sabi ko paano nabubuksan yan? Mayroong naramdamang binubulong sa tenga?
    Brod Nest: Mayroon tayong teknik kasama yan sa pagbubukas kaya lang kasi ganito kasi ang thirdeye eh tatlo yan eh, isang engkanto na thirdeye, isang dayabs kung tawagin natin ang dayabolikong thirdeye, yung isa divino thirdeye, yung banal na thirdeye ginagamit mo sa kabutihan yung dalawa na ito medyo delikado yun e pagsa kabutihan ka pipilitin mong imbes na sa masama sa kabutihan gamitin  kunwari kaya mo lang gagamitin thirdeye mo sa girlfriend mo para mamonitor siya upang huwag siya mapasama, hindi yung oh, itatali kita diyan hindi ka pwede umalis diyan kasi sisingilin din siya nung inutusan niya eh may kabayaran yun eh.  Kaya ang ginagamit natin dito divino thirdeye para protected ka nung nasa taas kasi marami sa bible may thirdeye ginamit ng hari yan, sila Daniel, sila Joseph the Dreamer, sila ang adviser ng hari kaya noong makitang 7 years hindi uulan sinabihan ang hari bumili na ng maraming wheat magipon pagawa ng malalaking bodega kaya ng dumating time na iyun walang makain ibang kaharian siya lang ang meron yumamamn kaharian nya kahit na noong panahon ni Marcos, kaya si Marcos nagtagal nang ganun ang adviser nya mga psychic kung tawagin pati yan pag nag advise yan nakikita nila mga three years or four years, anong possible na mangyari.  Kaya lang si Marcos kasi pati sa gold nainvolve siya eh diba, e alam ng mga ano yun na delikado kasi imbes na sa mabuti mo gagamitin nagagamit mo na sa masama, puro sa pera, pwede mo kasing gamitin yan eh.  Noong araw hindi ko alam sa stock market pwede mo palang gamitin eh.  Kaya lang chinecheck pa sino yung Board of Directors ng ano, anong vibration nito, kaya sa transaction sa business pwede mong gamitin.  Maganda yan sineshare mo para nakikita na natin yung mga story mo naman kasi iba iba yung story nila eh.

    Ngayon dito sa patay kasi nga yung iba sasabihin hindi naman totoong may multo, eh totoo, kasi nga ang gusto nila makita eh. Isaiah 14:9-11
    The world of the dead is getting ready to welcome the king of Babylon. The ghosts of those who were powerful on earth are stirring about. The ghost of kings is rising from their thrones. They all call out to him. “Now you are as weak as we are! You are one of us! You used to be honored with the music of harps, but now, here you are in the world of the dead. You lie on a bed of maggots and are covered with blanket of worms.

    Isaias 14:9-11
    Gulong-gulo ang buong Sheol dahil sa iyo. Dahil sa paghahanda sa pagsalubong sa iyo. Pinupukaw niya ang mga matagal nang patay, Ang mga hari ng lahat ng bansa ay pinatatayo niya mula sa kanilang trono. Sasabihin sa iyo ng bawat isa: Ikaw pala’y nanghina ring tulad naming At sinapit mo rin ang aming sinapit! Ikaw na pinararangalan sa tugtog ng alpa Ngayo’y narito na rin sa Sheol. Ang babanigin mo’y mga uod At uod rin ang iyong kukumutin.
     Sa bible dito may sinasabi gulong gulo ang buong Sheol dahil sayo, yung Sheol sementeryo, para mareview mo yung buong istorya kailangan babasahin mo sa Isaias, Dahil naghahanda na yung mga patay sasalubungin ka, ang istorya kasi nito mayroon siyang hari sa sobrang lupit niya kunwari tinake over niya yung kaharian nung kabila talagang pinapatay niya kahit bata kahit matanda, talagang sobrang lupit niya.  Ngayon dumating naman yung time na siya na yung mamamatay dito sinasabi nga na hinihintay ka na nga namin dito sa sementeryo, eh sinong maghihintay doon eh di yung mga multo na yun. Iyung mga pinapatay nya.  Ikaw pala ay nanghihina rin tulad namin at sinapit mo rin ang aming sinapit.  Ibig sabihin na kahit na super yaman ka pa kahit super powerful ka pa, mamamatay ka rin eh.  Dito sinabi ang babanigin mo ay uod at iyon din ang kukumutin mo.  Ibig sabihin kasi ang tao pagnamatay halos uuhudin siya eh hindi ba? Lahat ng tao mamamatay kaya minsan sinasabing, “Sige, hindi man kita mapatay sa lupang ito, doon sa kabila ako naman ang gaganti kasi mauuna ako doon makakapaghanda na ako sa pagdating mo” minsan hindi mo masasabi, possible ba iyon? Sa bibliya sabi hinihintay ka na ng mga pina patay eh.  Kaya totoong may multo.

    End of Part 2

No comments:

Post a Comment