Sunday, August 5, 2012

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 3

  • Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 3


     Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 3
    Brod Nest: Kung ikaw ay nag-iisa sa iyong pagtulog may nararamdaman kang may katabi ka tapos ginagamit pa yung katawan mo.  Madalas ito sa babae nangyayari meron din sa mga lalaki pero bihira sa mga nagseseminar sa atin kung tawagin ito ay Incubus kasi nga sinasabi ko sa kanya alam niyo bakit kayo nalalapitan?  Bakit kayo tinatabihan Wala kayong shield hindi kayo marunong magbulong ng protection, hindi nyo alam ang sikretong prayers ang powerful secret words na ginamit ng mga apostles ngayon dapat ang binubulong nyong protection hindi yung tinuturo lang sa simbahan hindi lahat kasi sinabi ang secreto kita mo sila nalalapitan, sila nalalaro, kasi kulang yun mayroong wala doon na hindi itinuro kaya yun ang tinuturo natin. Parang hindi lahat ng pari magaling mag heal o mag exorcise.
        
         Tapos yung panaginip mo madalas magkatotoo ang ginagawa kasi natin kapag nananaginip ng ganun sinusulat yung date sinusulat yun nakita  kasi minsan may malalim na mensahe yun na exclusive para doon sa taong nanaginip na after two years yun pala meaning noon warning pala yun.  Kunwari nakita mo yung number na iyon yun pala pangalan ng bus yun at tsaka pangalan ng plate number yun.  Kung naisulat mo yun, yun pala noong araw na iyon at least may warning ka nun kasi ang isa sa mga nagwawarning mga guardian angel, yung mga relatives na patay para habang nabubuhay ka may guide kang narereceive. Iyun pala pag nasakyan mo bus na iyun magkaaroon ng aksidente naiiwasan pag pinakinggan ang mga signs at warnings na misan thru dreams dumadaan.
       
          Ngayon pag nakakakita ka ng buhay na tao ngunit pugot ang kaniyang  ulo, yan ang mga tinatawag na signs of incoming death kamukha mo dadating sa yo yung araw na iyon, makakakita ka kunwari noon may tinuruan ako nabuksan na thirdeye nya, “Brod nest, alam mo yung bestfriend ko galit na galit sa kin eh biro mo sinabi ko lang naman yung totoo, bakit ano  bang sinabi mo? Kasi noong pauwi na ako nakita ko yung tatay nya na walang ulo eh, eh hindi ba sa seminar natin tinututuro  kapag nakita mong  walang ulo ang isang tao  signs ng death yun, kaya pinuntahan koang  bestfriend ko sinabi ko kaagad sa kaniya yung tatay mo ingatan mo baka mamatay.  Eh kinabukasan namatay atake eh sa puso, nagalit pa yung kaibigan niya sabe sa kanya, alam mo kung hindi mo sinabi yun hindi pa patay tatay ko, kasi syempre baka mapagbintangan ka na ikaw pa ang may gawa nun eh kaya nga kako doon sa seminar nga natin eh huwag mong sasabihin porket nakita mo kaya ka nga may third eye rerespect mo rin mga info na nakita mo na hindi dapat basta basta sabihin kasi kung oras na ng kamatayan eh wala ka ng magagawa eh pero tayo nakakapag request  tayo ng extension eto ginagamit natin
    2Ki 20:1  Nang mga araw na yaon ay may sakit na ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.
    2Ki 20:2  Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,
    2Ki 20:3  Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak na mainam.
    2Ki 20:4  At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsasabi,
    2Ki 20:5  Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng Panginoon.
    2Ki 20:6  At aking idadagdag sa iyong mga kaarawan ay labing limang taon; at aking ililigtas ka at ang bayang ito sa kamay ng hari sa Asiria; at aking ipagsasanggalang ang bayang ito dahil sa akin, at dahil sa aking lingkod na si David.
    2Ki 20:7  At sinabi ni Isaias, Kayo'y magsikuha ng isang binilong igos. At kinuha nila at itinapal sa bukol at siya'y gumaling.
    2Ki 20:8  At sinabi ni Ezechias kay Isaias, Ano ang magiging tanda na ako'y pagagalingin ng Panginoon, at ako'y sasampa sa bahay ng Panginoon sa ikatlong araw?
    2Ki 20:9  At sinabi ni Isaias, Ito ang magiging tanda sa iyo na mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na kaniyang sinalita: magpapauna ba ang anino ng sangpung grado, o magpapahuli ng sangpung grado?
    2Ki 20:10  At sumagot si Ezechias, Magaang bagay sa anino na kumiling ng sangpung grado: hindi, kundi pahulihin ang anino ng sangpung grado.
    2Ki 20:11  At si Isaias na propeta ay dumalangin sa Panginoon: at kaniyang pinapagpahuli ang anino ng sangpung grado, na nakababa na sa orasan ni Achaz.
    Sa kwento na iyan nagkaroon siya ng extension ng buhay kasi may meaning sa Dios ang existence nya sa lupa hindi puro pansarili lang. Kaya marami na rin tayong cases naililigtas sa death sentence na sinasabi ng mga Doctor kasi thru prayers lalot active members natin may  priviledge pa sa ganyang blessings. May exclusive prayers at rituals na gagawin pero ang mahalaga pag nagkaroon ng extension buhay nya mag serve naman siya sa Creator at sa mankind wag puro para sa sarili nya worthless kasi sa Lumikha pag walang contribution. Kumbaga sa company may salary ka pero wala kang contribution sa paglaki ng company natural terminate ka pabigat ka lang eh.
    Pero minsan may lumapit sa akin nasa hospital na mother nya noong dinalaw ko nakita ko kaya pang mabuhay pero vegetable na kaya sinabihan ko ang tao kaya pang mabuhay mahihila pa ng health angels mapapakiusapan si Mama Mary na intervene sa itaas ang problema ang physical body nya sinasabing hindi nya inalagaan marami siyang violations mahilig sa mga alam mo naman sa America  doon na kasi nag migrate ang mumura ng hamburger ang lalaki small size nila big size sa atin eh iyung body ng Filipino hindi design sa ganoong cholesterol eh eh sila nga 50 percent na ng mga amerikano obese na eh eh ang Filipino pang gulay gulay lang tayo nabago lifestyle. Meaning sumali siya sa lifestyle ng mga taga roon enjoy sa foods walang exercise movies videos stagnant ang physical body eh alam mo naman sa bawat violations natin sa physical body hinihiwa natin an gating physical bilang mark na kalista sa isang dimension na ipapakita sa iyo pag tawid mo sa kabila ito kasi nagawa mo magugulat ka nakalista pala ilang alak ininom mo ilang sigarilyo sinindian mo ilang sobrang tamis sobrang alat na kinain mo Hindi ka makakatangi nakalista violations sa temple of God ang physical body mo na pinahiram lang sa iyo hindi mo pa inalagaan.
    Sabi nga noong anak iyun nga eh hindi na na control ang pagkain pumutok na ang ugat sa may ulo eh syempre ang mga mantika iikot iyan sa dugo magbabara sa mga ugat arteries hindi na nakayanan tulog tv kain walang exercise pa raw puro naka aircon ni hindi nga raw pinapawisan pero kako kaya pa pero ganyan nga. Living dead hindi kayang makakilos hindi makakilala.
    Kaya maraming case ang thirdeye kasi magagamit mo rin sa hospital may case kasi noon sabi nya Brod nest kasi sabi ng doctor mabubuhay pa tatay namin pero sa apparato na lang eh biro mo syempre thru aparato ang puso mo pinatitibok pag inalis iyun wala na hindi na titibok tapos iyung hangin nakasubo syempre papasok iyunnaka oxygen  tapos ang pagkain doon din sa hose parang living dead kaya sinasabi nila buhay pero sabi nga ng mga doctors gagastos kayo ng milyon pa para mamaintain ang ganyang condition ngayon isusugal natin iyun kung makakarecover siya o hindi.
    Eh syempre noong nilapit sa akin aba kako ganito kasi iyan pag pinuntahan natin sa hospital at nakita mong minsan andoon si anghel ng kamatayan halos wala na iyan mga machines na lang kaya buhay pa kahit na anong gawin ng mga doctor wala na iyan kahit nga doctor alam mga dapat na gamot alam ano dapat gawin namamatay din iba ngang mayayaman ang dame pang doctor ang dameng medical check up para Makita in advance possible na magiging sakit pero pag time na kahit anong gawin ng medical science wala ng extension ibig sabihin mayroong may ari ng buhay may nagbigay may higher source siya ang ultimate na nag dedecide na end of the line na. Kaya isa sana sa advantage ng may thirdeye pag nagkaroon na siya ng visions of his own death kunwari 5 years from now dapat pa insured na siya sa 5 different insurance companies para malaki laki iiwan nya sa pamilya nya.
    Isa sa sign sa thirdeye pag dumalaw ka sa hospital sa pasyente pag andiyan na maraming kamag anak mga patay na kamag anak ha malakas na death noon kaya minsan mga lola natin pag matanda na ang kinukwento oh nakita ko si tatang ko eh sabi tama nya raw tama na pag wawalis ko ha lola ten years ng patay iyun ah meaning dinadalaw na siya tapos susunduin na siya. Pag ganun ang mga kinukwento signs na iyun na sinusundo na siya ng mga kamag anak na patay na. Minsan nga sinabi ko eh sino to na mahaba ang saya ang ilong eh matangos na parang kastilang misteza ika noong anak eh nanay nya iyan matagal ng patay iyan. Minsan pwede pang pakiusapan na wag nyo na munang sunduin pero minsan pag oras na nya nakatali na kamay mo para mag request. Basta ang napapag bigyan pa ng extension sa experience naming ha marami na rin tayong kasama  nag near death nakita na napakaliwanag na lugar pero napapabalik kasi may higher purpose siya sa mundo may meaning existence nya sa mankind nakakatulong siya para bumalik ang faith ng tao sa Lumikha madalas andito pa kasama natin sa fellowship at bukas ang kamay sa pagtulong sa kapwa tao. Lalo sa ngayong panahon lahat busy to create money wala ng oras para dumamay sa nangangailangan pag siya naman dumating ang time na kagipitan  hindi rin siya makakatanggap ng tulong.
    Kaya pag sinundo na ng angel of death maging ng maraming dead na relatives halos deadline na.

    8. …Kung nahuhulaan mo ang mangyayaring sakuna bago pa man ito mangyari?
    Kaya ang thirdeye mo magagamit mo na iyan kaya sa atin wala halos na aaksidente, Meron nga tayong case iyung anak nya bukas kasi ang thirdeye yung nanay hindi bukas ang thirdeye. Brod Nest : tapos sabi ko yung anak mo kapag may sinabi papakinggan mo, ay hindi kung anu-ano kasing kinekwento nyan eh may kausap doon wala naman akong nakikita, bukas nga yung thirdeye eh, ngayon nung nandon daw sila sa crossing sa may sm mega mall may binili sila sabi nung bata, “nay, wag tayo sumakay dyan” Fx ng crossing papuntang Quiapo uuwi na sila e, sabi nung nanay niya, “Puro ka kalokohan nagmamadali na nga tayo” sabi noong bata, “hindi nay delikado dyan,” kaso dumaan na fx huminto na nagmamadali nanay pag sakay sumakay sila mga ilang metro palang na tumatakbo  biglang naglabasan na yung mga kutsilyo ng mga holdaper.
    Brod Nest : kaya sabi ko yan na nga eh hindi mo nirespeto yung gifts ng anak mo ang bata kasi madalas nabubuksan ang mata kasi malinis ang konsensya nyan hindi pa contaminated ng libro na ginawa ng tao na kung anu-ano ang tinuturo tapos nagiging obsolete, innocent pa mga bata  ang thirdeye yan ang talagang binigay ng Diyos sa mga bata para nakakaligtas sila kung may kalaban.  Kaya talagang makikipag-usap yan sa dwende yan pag may dwende. Makikita nila eh mga matatanda natatapakan na dwende hindi pa nakikita kaya napaparusahan.

    Kung nakakabasa ka ng isip ng isang tao bago pa man ito gawin, isa sa dinidevelop yan ngayon ang classic example dito si Jesus Christ ang lakas ng thirdeye niya Jesus Christ kaya nga dito nung sinabi nyang “You are my friends, there is no greater love than for a man to lay down his life for his friends I cannot be with you much longer my friends, you cannot go where I am going.  Kasi ang sinasabi dito parang nagpapaalam na siya ihahandog ko na yung buhay ko pero doon sa pupuntahan ko hindi kayo makakapunta mga konting panahon na lamang iiyak  kayo tatangis kayo at magdadalamhati magkakaroon kayo ng kalungkutan kasi nagpapaalam na siya. Pero matagal pa bago mangyari iyun nakita na nya kaya sinabi na nya.
    Isa sa magandang gifts ng thirdeye yan, kunwari ikaw nakita mo naku mga 65 years old bibigay nako eh di ngayon pa lang mag-iipon kana magpainsured ka ng mga hundred million pagdating mo ng 65 napakaswerte nung pamilya mo, kunwari may sampo kang anak hindi mo na kailangang bumili pa ng lupa, “nakainsured ako ng hundred million sige tigsasampung million kayo” kasi alam mo eh napepredict mo na, kahit naman sa bible kung alam mo yung istorya ni Ezechias sinabi nung diyos nag-utos siya ng anghel, “papuntahan mo si Isaias kay Ezechias sabihin mo maghanda na sapagkat malapit na siya mamatay” nagpunta yung anghel kay Isaias tapos pumunta na doon kay Ezechias, sabi kay Ezechias sabi ng diyos maghanda ka na raw kasi malapit ka na mamatay.  Nalungkot si Ezechias, nanalangin si Ezechias yun ang nakasulat sa bible na, “Bakit ganun? Bakit naman ako mamatay na eh, naging mabuti naman ako sa iyo tapat akong naglilingkod, baka naman pwedeng dagdagan mo pa kahit konti pang taon.   Ngayon sabi sa bible narinig ng Diyos ang dalangin ni Ezechias kaya kinausap nanaman si Isaias bumalik ka kay Ezechias sabihin mo dinadagdagan ko pa siya ng 15 years kasi may misyon pa siya nakakatulong siya sa ibang tao, hindi pa siya pwedeng mamatay.  Pag yung napansin mong mahahaba ang buhay yun yung may importanteng ginagawa.  Yung mga walang importanteng  ginagawa sa mankind, sa Diyos kasi parang daga lang yan na nabuhay na wala namang ginagawa pabigat lang sa mundo, eh ano ngayon kung bahain ko yan, ano ngayon kung ang bulkan ay sumabog dyan.  Pero pagka mayroon kang purpose na gusto ng Diyos, tumutulong ka sa kapwa tao mo hindi ka muna pwedeng mamatay ganun si Ezechias ngayon nung sinabi sa kanya na another 15 years sabi ni Ezechias, alam mo Isaias kaya hindi ako maniniwala kasi ang Diyos matindi pa sa hari.  Ang hari nga kapag nagsabi hindi mo na pwedeng baliin eh, sa Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat babaliin nya yung sinabi nya kaya bumalik nanaman si Isaias sa diyos nanalangin siya, “Panginoon ayaw maniwala eh, tama naman na yung hari pagsinabi nga na ganun hindi binabago, ikaw babaguhen mo yung kautusan” sabi ng Diyos bumalik ka  ulit doon tanong mo kung ano ang gusto niyang katibayan para maniwala sya, kaya nag-isip si IEzechias ang naisip nya na hindi yung buwan, hindi siya gagalaw for 30 minutes kaya noon hindi ba may hinahanap ang mga scientist na oras na 30 minutes hindi nila makita kaya lang ayaw nila isali yung verse na yun, na pinatigil ng Diyos yung buwan para patunayan kay Ezechias na hindi pa siya mamamatay, na 15 years pa siya mamamatay.  Sa Isaias na kasulat iyung hinahanap ng mga scientist na nawawalang oras simula ng nabuo ang mundo  hindi nila makita yung nawawalang 30 minutes samantalang kapag kinuha nila yung verse ng bible nandon ang ginagamit nila yung talino nila ng bato, ganito katanda itong bato na ito eh, eh bakit hindi nila makita yung 30 minutes? Ayaw kasi nila isali yung bibliya.  Kaya dito man si Jesus sinabi nya, Truly. I tell you one of you is about to betray me. Importante sa mga katulad natin yan kasi kahit na nung nasa ortigas ako naglelecture ako, kunyari nagsosyo tayo tig  isang million tapos nag bago ka, yun palang kape na pinaiinom mo ay may lason na, kailangan alam mo yun nagagamit ang thirdeye dun, highly sensitive yung pakiramdam mo nagagamit yun.  Kaya noon nagtanong si Juan kay Jesus, sabi niya Panginoon ako ba ang magtataksil sa iyo? Kasi syempre kung kunwari alam kong ikaw yung Panginoon ko tapos ako pala yung magtataksil eh gusto ko maano mamatay na lang ako kaysa magtaksil ako sa iyo.  Kaya sabi ni Kristo hindi, kung sino ang magsasawsaw sa kape ko yun ang magtataksil di ba lumapit si Judas nagsawsaw siya sa tasa ng kape ni Kristo, kumain pa siya kaya nga dito nagkakabiruan kame sa ortigas sabe ko, baka naman ang gawin nyo magpatimpla kayo ng kape o magkape lahat tapos tinapay pag may nagsawsaw sa kape ko yun ang taksil dito sa Board of Directors, kako di na ganon ngayon, hindi na ganun ang signs kasi dame ng may hepa  ngayon gagamitin mo thirdeye, sino ang taksil dyan, kahit sa school sino yung naninira, sa trabaho sino yung naninira, mga back stabber pag kaharap ka good impression pag nakatalikod ka ang sasama ng comments  kasi kung alam mo na yun medyo mayroon ka ng precautionary measures na magagawa para maiwasan mo na yun aalamin mo bakit ito inggit sakin, kaya nakakatulong ang thirdeye maging sa negosyo, sa trabaho, sa school.
    At ang isa pang classic example ni Christ, si Pedro sinabi naman niya kay Kristo na nung nagpapaalam na siya, si Pedro kanang kamay yan ni Christ sabi ni Pedro panginoon kahit makulong kayo, mamatay kayo sasama ako sa inyo hindi pwedeng hindi ako sasama.  Sabi ni Kristo tandaan mo kapag may nagtanong sayo tatlong beses titilaok ang manok at tatlong beses mo akong ipagkakaila. Sasabihing hindi siya kilala or nakasama man lang kahit minsan.
    Ang lesson nito alam ni Kristo yung gagawin  ni Pedro  bago pa man mangyari, sa atin ganon ang dinevelop kunwari bago magkagulo, nagtetext na kaming mga members kasi lahat ng mga thirdeye tatanungen ko rin yan kasi napick up ko ganito eh, magkakaroon ng gulo kailangan maadvisan na natin yung mga membesr magtago na ng mga bigas, de lata para kung lumala man kahit papano mayroon tayong bigas. Tulad noong coup etat bago mangyari iyung malakas na lindol maganda may advance info na tayo to safeguards ourselves and families.
    _
    Karamihan ng mga may alam nito tinatago kasi kapangyarihan eh ayaw nilang ishare, so tulad ng mga sinabi mong nakasama mong may thirdeye pag nalaman ayaw ishare kaya lang pag nalaman mo to, yung nalaman nila ganun lang kasi ito ilang taon na ginawa ito, ang pagkadesign kasi nito nung ako ang bukas ang thirdeye, tumatakbo ako nung may nakita isa sa classic na hindi ko makalimutan noong nagmomotor ako nakita ko yung malaking puno may diwata akong nakita, nagalit yung diwata, sabe bakit mo ako tinitignan dito, pinutol niya yung sanga e di binato niya sakin, tumusok sa paa ko kaya nakikita ko butas yung paa ko andun yung sanga kaya baligtad ako sa motor eh hindi ako makalakad, eh syempre paano ako gagamutin ng doktor? Sabi ay baka may rayuma ka o ano o gout .. eh hindi ko lang masabi na hindi kasi may nakatusok na sanga ng puno, kung saan saan ako nagpagamot, andami ang tagal, 1986 kasi noong nagbukas yung thirdeye ko ang hirap kasi tumatakbo nga ako, natutulog ako pagmulat ko wala pagpikit mo may babaeng nakalutang nakaganon yung muka, di ba mga ganon? Pag pilit nakalutang siya sa harapan ko mapupula mata maiitm ilalim ng mata mahahaba kuko magulo buhok tapos pag mulat ko wala paano kang matutulog noon wala pa kasi akong alam sa pag Didivino.
    Member S: Uh um..
    Brod Nest: ang hirap noon talagang mapupuyat ka eh hindi ba? Hindi ma control pag bukas ng Thirdeye hindi malaman gagawin sa mga nakikita. Minsan nga naliligo ako sa probinsiya sa norte eh alam mo naman sa ganoong lugar ang banyo nakatakip lang yero eh mga 6 ng gabi na habang nagsasabon ako ng katawan biglang may lumabas na babaeng pranggitay ang pangit gusto akong yakapin naku po karipas ako ng takbo kahit nakahubo ah napasigaw ako eh mabuti kamo nahila ko pa ang tuwalya kung hindi sasabihin baliw ako nakahubong tumatakbo.
    Member S: sakin nga nakaganito siya, yung paa nya, natutulog ako, nasa may ulo ko.
    Brod Nest: Yun na nga eh, yung mga ano di ba, kaya noon kung saan saan ako nagpagamot ng nagpagamot, ang matindi naman sa mangagamot, iba-iba may manloloko may hindi naman manloloko yun namang hindi manloloko ang lalayo pamasahe mo palang ubos na yung pamasahe mo tapos may donation box din. Eh alangan naming hindi ka magbigay kahit paano nagsayang din siya ng oras sa iyo ng kuryente bukas ang electric fan ng langis at iba pa.  Kaya noon nung nagpapagamot ako marami akong nakikitang kamukha natin na bukas ang thirdeye, yung iba kasi third ear bukas yung iba naman bukas yung secondmind nila, hindi nila malaman kung paano ihahandle, kaya sabi ko dapat makapagbuo ako ng isang fellowship na puro may gifts ang members or gusto madevelop ang mga gifts Kaya sa ating samahan samahan  ito ng mga may gifts karamihan pero kokonti yung sa may thirdeye, yung sa iba, iba yung gifts nila second nose.  Yung isang member natin si Atty.  dating commisioner ng LTFRB sabi niya Brodnest, isang taon na ako sa pagdidivino natin eh hindi ko malaman kung anong gifts ko, wala naman akong thirdeye wala akong makita e, noong minsan may ginagamot kame ni brod Mon naamoy niya, kasi si Mon walang thirdeye pero minsan nahihiram niya yung thirdeye ko , kasi kapag may ginagamot kame hindi niya makita.  Anong itsura brod nung bumibira sa kanya? Ano, parang taong imburnal ang dumi parang galing sa imburnal puro putik ang itim! Dinedescribe kong ganon hanggang sa ginagamot niya yung pasyente kaya maya maya dumating si Atty. Sabi niya, “may ginagamot ba kayo?,” “ano ba iyung mabaho na yon?” nagulat kami.. sabi namen, Naamoy mo? Ako walang naamoy wala akong second nose eh. Sabi niya “oo naamoy ko.”  Alam mo kung saan nagagamutan kami, sa Philippine Stock Exchange mayroon kaming room doon dun kami, eh aircon yun closed, at tska nasa 12th floor wala kang maamoy doon, naamoy niya kaya sabi niya, naku! Yun pala gift ko, second nose kaya ibig sabihin, kanya kanyang gifts, magugulat ka na lang habang lumalalim ka, yun pala ang gifts mo.  Ang tingin ko sayo mayroon kapang ibang gifts kaya maano mo yan, ang thirdeye kasi tinataasan lang ang frequency at inaayos lang ang level niyan.  Para kaya mong pumunta doon, kaya minsan may distant healing tayong ginagawa, kahit malayo pwede mo gamutin, kasi dadalaw ka sa kanya eh Astral ka eh gagamutin mo siya, kasi tinitignan natin kung ano ang sakit niya eh, kung natural sa doktor talaga yun, kapag hindi natural sa atin yun.
    Kung napapagalaw mo ang isang bagay sa pamamagitan ng “concentration” lamang?
    Kung nababasa mong nagsisinungaling ang isang tao (Clairvoyantly). Medyo clairvoyant ka, importante yun, noong araw sa Ortigas, yung HR yung nag-iinterview ng tao para maging employees  karamihan ng nakukuha niyang tao o employees lalo sa sales and marketing  walang production kasi pagtumingin siya ng resume anong tinitignan? Anong school, UP to, Ateneo, La Salle, ganun siya tumingin, ganon ang experience, ganon. Meaning may advantage sa kanya matalino at may pera iyun ang dapat kunin.  Pero pagdating ng evaluation, walang production. Peron g ako kumukuha ng employees puro loyal at may contribution sa company katramihan pa nga graduate ng ordinary schools kasi pag ako tumingin hindi lang sa resume na kayang dayain sa aura sa puso kung malinis ang intention kaya lahat ng nakuha ko assets ng company ika noong Hr ano technique ko paano ko explain thirdeye hindi maniniwala iyun. Pero isa sa number 1 na nakuha ko sales hindi nakagraduate single mother pa ayaw nila approve pero iyun ang top sales kakoi ang nakita ko doon sa aura noong babae motivation gusto nyang buhaying mag isa anak nya hindi aasa sa ibang tao kaya need maka closed ng sales number one siya wla kasi sa books iyun na maganda kunin ang gnaung tao, Kaya nagpropose ako dun sa president, kasi kinuha nga ako nung president parang consultant niya ako kung papaano papalakihin yung company.  Yung company na iyon 1 million corporation pa noon. Sabi ko sa kanya iwanan mo yung corporation mong isa kasi yung isa 500 million na corporation pero ang boss niya Japanese, etong kanya 1 million corporation nung nakasama niya na nga ako kasi siya nagkaroon ng sakit sa puso, hindi magamot ng doktor ngayon nung sinabi ko na hindi naman kasi natural na sakit yan eh, sabi niya eh ano to? Sabi ko eh may kulang pa, kailangan magpagamot ka, kasi hindi pako marunong manggamot noon eh.  Kaya noon sinasamahan ko siya magpagmot doon kay tata Benjo, kay Brother J , ngayon noon sabi ni Bro. J, kailangan matrace naten kung sino yung nangkukulam sayo, cge.. so sinulat niya lahat ng kaibigan, sinulat yung dalawang daang empleyado ng company, eh dalawang daanemployees , sinulat na ganon tapos nung binagay na sakin, naku nagulat ako yung nagkukulay black na pangalan secretary niya, eh yung secretary niya pinsan ni sikat na artista  yung asawa.
    Brod Nest : kamuka noon pag nakita mo kung gaano kasexy at tsaka mestisa,secretary nya hindi mo akalain papakulam siya  ngayon yun pala ang nagpakulam kasi nakikita yung pasok ng mga papers nakikita ang daming pera.  Parang gusto “pwede naman akong maging kabit e tutal mayaman ka naman” kaya ang ginagawa sa kape may nilalagay tsaka binubulungan tapos eh di under the spell na sya.  Tapos pag hindi niya pinapansin yung secretarya niya sumasakit yung puso niya kaya nung nalaman na yon, noong nag-usap na kami kinuha na niya ko ngayon sa company, sabi nya pag-isipan natin kung paano natin tatanggalin, sabi ko oo, pero wag mo siyang tatanggalin ng walang cause, una kalaban mo yung labor, pangalawa baka gantihan ka niyan ng mas matindi kasi tinanggal mo eh.  So ang ginawa, ang naging suggestion ko, ganito nalang kamo hindi ka na muna magkakaroon ng secretary kasi nag-aaway kayong mag-asawa, ngayon ilipat mo siya sa marketing division, eh secretary siya, marketing division eh may quota diyan pag hindi niya nakuha yun eh di tanggal siya.  Tapos bigyan mo nalang ng magandang backpay para wala ng mga kaso hanggang mawala na iyung pagmamahal niya sayo.  Eh niloloko ko nga eh, yan ang mahirap sa magandang lalaki.  Hindi naman siya masyadong magandang lalaki alam mo 350 pounds ang laki niya, kaya makita mo pa lang alam mong mapera to.  Hanggat sa nawala na iyon, hanggat sa sabi ko yung company mo na 500 million iwanan mo na, yung one million ang alagaan mo yan ang lalake. Nagulat siya eh, sabi niya, pano mangyayari yun?.. sabi ko eh, yun ang mensahe eh, nasa sa iyo, narinig ko sa business angel yun, eh doon magkano sweldo mo hundred thousand eh ito, sa iyong sarili to eh, pag lumipad to eh di ikaw ang talagang boss.  Eh doon hindi ka naman boss empleyado ka ng hapon eh ng mga Japanese sila ang yayaman , pagdarating yung mga hapon hindi  mo malaman kung anong gagawin mo, ngayon sa madaling salita lumaki yung company na iyon.  Ngayon sa sinasabi kong HR nga, noong ako yung nag-iinterview tinitignan ko yung aura niya, mabuti ba aura nito? Ano ba ang intensyon niya talaga sa pagtatrabaho? Lahat ng kinuha ko ang gaganda ng sales, yung classic example nga sa nakuha ko yung isang babae, tinignan ko galing sa school lang na di naman masyado malaki sa PUP mura doon eh.  Ang nakita kong motivation niya ay yung anak niyang isa, na kailangan ko mabuhay, kailangan ko makapagtrabaho kasi para sa anak ko.  Isa siya sa nagtop sa benta eh kaya sabi ko HR kaya ganon, yung mga mayayaman kasi hindi kailangan magmadali yan eh may kotse na iyan, may ano na yan.. eh siyempere etong mga to, gustong umangat kaya pipilitin niyan.  Kaya wala sa school yan, pagdating sa production wala, pero magagaling nga gumawa ng sulat ng proposal yun  talagang top siya. Nasa aura nasa motivation bakit gusto mag work nasa loyalty at honesty mahirap kasi Makita sa resume true intention ng applicants pero sa aura hindi sila makakapag sinungaling nakikita ng may thirdeye iyan pati minsan ang past activities. Kaya sinasabing wala kang maitatago sa taong may thirdeye lalo kung kinoncentrate ka nya ang story ng life mo makikita pati kalokohan mo. Pero dapat gagawin mo lang iyun with permission.

    End of part 3






1 comment:

  1. Trying to find the Best Dating Website? Create an account and find your perfect match.

    ReplyDelete