Sunday, August 5, 2012

Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 4

  • Dtef’s Seminar with brod Nest and bro S: The Thirdeye Part 4

     Kung napipick-up mong magkakahiwalay ang isang mag-asawa, pagkamatay sa aksidente ng isang tao o pagkakaroon ng kalaguyo ng isang may asawang lalaki?
    Kasi nga kunwari puro ka akusasyon na may babae asawa mong lalaki o may kalaguyo asawa mong babae gumugulo ang buhay pamilya dahil sa mga maling hinala. isa sa signs mo para ma verify kung totoo o hindi eh gamitin ang gifts of the thirdeye kaya minsan mayroon tayong member magpapahula papareading sasabihin agad brod nest huwag mong babasahin love life ko ha complicated kasi eh, iyung future sa work or makakapag abroad ba ako na lang sa totoo may privacy naman tayo hindi ka pwedeng pumasok sa dimension ng life stories ng isang tao  kapag hindi pumayag yung guardian angel.

    Hihingi ka ng permission para walang violation.
    Isa sa magandang gamitin kung hindi pa malakas thirdeye mo eh panturo/efod kasi pag marunong ka na sa tamang pag gamit nito marami kang pwedeng itanong basta pinayagan ka. Maaari kang sumangguni sa higher powers thru the use of Efod kaya makakauha ka ng maganda kasagutan ito ay ginamit rin ni David noong nasa gitna siya ng matinding pagsubok at problema kailangan nya ang magandang desisyon ultimate right answer dapat galing ang mensahe sa itaas hindi sa tao na nagkakamali minsan bias kasi ang tao ito ang nakasulat sa biblia kaya tayo gumagamit ng efod/panturo. Ito ang instrument ni David para makasangguni at makahingi ng sagot sa dapat nyang gawin. 1Sa 30:6  At nagdalamhating totoo si David, sapagka't pinagsasalitaan ng bayan na batuhin siya, sapagka't ang kaluluwa ng buong bayan ay pumanglaw, bawa't tao dahil sa kanikaniyang mga anak na lalake at babae; nguni't si David ay nagpakatibay sa Panginoon niyang Dios.
    1Sa 30:7  At sinabi ni David kay Abiathar na saserdote, na anak ni Ahimelech, Isinasamo ko sa iyo na dalhin mo rito ang epod. At dinala doon ni Abiathar ang epod kay David.
    1Sa 30:8  At sumangguni si David sa Panginoon, na nagsasabi, Kung aking habulin ang pulutong na ito, ay akin kayang aabutan sila? At sinagot niya siya, Iyong habulin: sapagka't tunay na iyong aabutan, at walang pagsalang mababawi mo ang lahat.
    Kung nakapaglalakbay ka sa ibang lugar na hindi mo kasama ang sarili mong katawan? Marami sa atin nakakapag astral na akala dreams lang iyun iba nga out of the body experience mga protective gifts din mga iyan para Makita mo part ng future o maging mga possibilities na pwedeng mangyari sa buhay mo.
    Kung nakakakita ka ng parada ng mga patay at naaamoy mo ang mga bulaklak ng patay na di naman makita at maamoy ng iba?
    Eto classic example nito, noong bukas yung thirdeye ko noong bago bago palang hindi pa ako nag Didivino wala akong alam paano mag shield paano maglagay ng protetctive mechanism sa aura sa physical body sa soul at spirit ko ang recommendation nung mga ibang kamag-anak ipamental hospital na ako kasi eh syempre pagkinewento ko eh, “Hindi mo ba nakikita?”, iyan oh nasa likod mo pag lingon nya “wala naman kaming nakikita ah..” Kaya ang tingin sa akin eh may topak may tama ang utak.
    Ngayon isang gabi, lage nila kasi akong binabantayan tuwing alas dose kasi tumatayo ako, noong binabantayan ako nasa second floor kami, naano ko may parada ng patay, sinabi ko.. may dadaan dito ah sa tapat ng bahay natin parada ng patay, tapos sabi nila..tinginan sila sakin..nababasa ko isip nila, “naku.. sinumpong nanaman ito ng sakit niya”. Kaya noong tumapat na yung parada ng patay, tinanong ko, “oh, na ano nyo?” wala naman silang nakikita, naramdaman nila yung hangin na malamig tapos yung amoy ng bulaklak na amoy nila.. tapos sabi ko, eh alas dose ng gabi yun eh walang tao tahimik na tahimik aso lang maririnig mo.. oh eh ano yung naamoy nyo? Saan galing yung bulaklak?.. hindi na sila makapagsalita eh.  Kasi ako nakikita ko at naamoy ko, sila tapos sila naamoy nila hindi nila nakikita. Saan galling ang malamig na hangin habang sinasabi kong nasa tapat na ng bahay ang parade ng mga patay saka bakit bigla rin nilang naamot ang halimuyak ng ibat ibat amoy ng bulalak.
    Kung nararamdaman mo sa isang lugar ay matinding kilabot ng iyong katawan, pagtaas ng balahibo at paglaki ng iyong ulo?
    Kasi yung ganoon kamuka ng sinasabi mo pagnakakaramdam ka an oh mayroon dyang malakas na aura, isa sa tinuruan natin eh yung number one broker sa Cavite, yung asawa niya Chinese eh ngayon hindi naniniwala pero yung babae kasi, hindi Brodnest kasi ang trabaho namin mamili ng mga lupa, mga house and lot, basta ako naramdaman ko na may kakaiba ayaw kong bilin alam ko magtatagal ibenta eh matutulog yung pera hindi mo maibenta.. ito namang asawa ko ayaw maniwala  kasi technical person ang asawa nyang chinese din eh.. sabe niya hindi kulang lang tayo sa sales.  Sabi ko, hindi, ganito gawin niyo pagsamahin nyo yung galing nyo parehas kaya nag-aral siya nito, na kailangan bago ka bumili ng property icheck mo yung vibration yung portal yung energy, kapag mayroon malalakas na negative doon tapos hindi mo kaya tanggalin huwag mo na bilin yun. Kaya bago bumili ng properties need check ang energies ng place baka dating tapunan ng patay or dating cementerio. Pag kayang cleanse ok iyun gumamit ng efod atardar saka baston kahit pendant nakakatulong minsan binubuhusan naming ng kabal.

    Kung nakikita mo ang “aura” ng isang tao?
    Kung nalalaman mo ang nakaraan at kinabukasan ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang personal na gamit?
    Hindi ba sa Amerika, isa na sa ginagamit yan may mga case doon na hindi na nasolve ng police tapos yung mga psychic detective, hahawakan yung pitaka noong biktima tapos makikita nila pag napanood mo sa internet makikita mo yun yung mga natrance na binaon pala doon sa malapit sa ilog, ang ginamit psychic detective pero syempre sa mga report pano mo ipapaliwanag, sabi nga ng mga police hindi mo pwedeng ilagay na ito yung nakaano eh yung psychic detective, pero sa Amerika ginagamit yan. Kasi nakikita nila hindi nakikita ng ordinariong tao malakas ang pag sense nadedevelop iyan lalo pag pinag aralan mo mga sagradong aklat kumakain ng pagkaing nakasulat sa sagradong aklat 16.
    Kung nakagagamot ka ng isang maysakit na tao sa di mapaliwanag na kaparaanan?
    Kung natuklasan mong may kakayanan kang utusan ang iba’t ibang hayop? May mga orasyon tayo para makaiwas sa kagat ng nauulol na aso.
    Kung may abilidad ka palang makipag-usap sa hayop, at halaman at mga puno? (pre-natural powers)
    Kaya ang iba pag nag gagarden kinakausap mga halaman tapos binibigyan sila ng magagandang bulaklak living things iyan eh kaya pag panay putol ka sa mga puno na likha ng nasa itaas dapat magpaalam ka saka dapat palitan mo kung hindi babalik sa iyo sa pamamagitan ng tubig ang kasalanan mo.
    Kung alam mong nakarating ka na dati sa isang lugar na ngayon mo lang natuntungan?
    Kung minsan kasi yung de ja vu na tinatawag, parang nangyari na ito ah, parang napuntahan ko na ito, minsan sa astral plane, nanaginip ka nakapunta kana doon, eh ngayon noong nakita mo yung actual physical plane na yun sasabihin mo nakapunta na ako dito ah..minsan yun ang mga mensahe noong unang panahon na yon, kasi ang buhay ano lang yan eh nakarecord lang yan sa tinatawag na library sa taas ito na yung buhay ng tao, kaya sabi ng Diyos kahit na anong gawin mo nakasulat na iyan, kaya lang mayroon kang pagkakataong baguhin kung gusto mo baguhin, kaya lang may line na yan dyan na yung line na yan. Ika nga hindi mo mapipili biological parents mo. Pero ang buhay mo kaya mong ayusin ang directions.
    Kung nakita mo na ang isang pangyayari na parang naulit lamang ito?
    Kung may abilidad kang maghypnotismo at ginagamit mo ito upang mapasunod mo ang isang tao kahit laban na ito sa kanyang kalooban?
    Kaya yung mga sinasabing budol budol gang yung mga nanghihypnotize.. kasi open yung aura nun hindi nagshishield nahihypnotize ngayon yung tao. Napapasunod ginagamitan ng salita pero sinasamahan ng orasyon minsan naman sa pagiging greedy ng isang tao nagiging biktima siya.
    detaching of astral body travel out of it and be seen by others.. kasi pag nag out of the body experience ka, lumalabas kana dyan, nagagawa mo na yun kaya minsan nakikita mo yung _ nandoon ka natutulog ka dito may nakikita ka roon lumalabas kana, kaya lang satin ginagawa yan may escort at tsaka nilalakasan yung golden cord ng kaluluwa mo at tsaka ng physical mo para huwag bangungutin kasi pag binangungot ka puputulin ng kalaban yun eh ang cord na connection ng physical body mo at soul, kaya doon nagkakaroon ng bangungot ang tao kapag naghiwalay yung soul niya at tsaka yung physical body niya.  Pag sa science sasabihin bangungot pero sa spirtual sinasabi, kasi naglalakbay ka naputol yung cord nyo na nagdudugtong.. hindi na ngayon  makabalik. Dapat malakas ang divine shield mo ang interconnection ng body ng soul ng spirit mo higher creator para safe ka sa pagtulog.
    Kung naramdaman mong may nakikialam sa iyong pag-iisip at katawan mula sa malayong lugar?
    Yan naexperience mo na yan hindi ba na parang bakit nalalaman niya? Kasi yung mga iba tinuturuan kung papaano magmonitor eh. Kaw lang matututunan mo yun eh, mag-aastral ka tapos makikita mo, nasa loob ba siya ng bahay.. anong ginagawa niya pinapractice yun, isa sa mga practice natin yun, mamaya ipapaliwanag sa bandang huli.
    Kung alam mong may “poltergeist activities / interferences” sa iyong bahay o opisina?
    Kasi kamukha noong mga opisina na may ganoon may mga negative interernces dapat investigate minsan ang hirap paangatin ang profits ng company kasi may lumalabas na pangit na energies sa place.
    Baka may naglagay ng curse doon may nakaaway unag nag rent marunong mambato ng kamalasan mahirap explain pero maliban sa technical business knowhow dapat alam mo magbasa ng vibrations ng isang lugar.
    Kung nakakakita ka at nakararamdam ng kaluluwa ng isang patay na tao?
    Kahit si Kristo napagkamalan nga siyang multo noon, Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang Makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo” sigaw nila. Ibig sabihin may multo. Kahit noong nabuhay ulit si Kristo napagkamalan siyang multo, kaya sinabi niya na eto nga mayroon akong laman at buto, eto yung kamay ko.
    Kung nakaririnig ka ng iba’t-ibang boses pati ang usapan sa isang malayong lugar?
    Ibig sabihin ikaw nakakarinig kana dati kaya may thirdear ka, ngayon yung thirdear maganda yan dinedevelop din yan, meron nga kami activity sa office noon yun bang parang may competition yung mga groups ngayon yung isa sa member doon anlakas ng thirdear, sabi namen dito ka sa group namin, ngayon noong kinuha namen siya, sabi naman huwag ka makinig sa pagmimeetingan namen ha na strategy, makinig ka doon sa kwarto na iyon tapos sulat mo, naririnig niya eh.. kasi nga bukas yung thirdear niya kaya kapag inaayos nya yung frequency naririnig niya yung nag-uusap doon.  Kaya ang gandang gifts din noon. Spy naming siya sa gagamiting strategies ng kalabang group kaya alam naming where sila mag research ano problem ect nanalo group naming para kasing may inside informer kami.
    Kung nakakita ka ng dwende, diwata, maligno, kapri, aswang at iba’t-ibang nakakikilabot na nilalang?
    Marami tayong members pag umuuwi ng province palibhasa nadedevelop ang mga gifts thru sagradong aklat marami ng nakikita sa mga puno sa ilog sa dagat nagiging highly sensitive nalalaman na mga taong gumagamit ng blackmagic kaya nakakapag depensa.
    Kung alam mong dati mo ng nakasama at nakilala ang taong ngayon lang sa iyo pinakilala?
    Kasi satin hindi ba minsan may ngayon mo lang nakilala parang hindi kayo mapakali ayaw nyo kausapin yung vibration nyo hindi match yung frequency, minsan naman ngayon lang kayo nagkita masasabi mo, parang ang tagal na kami magkakilala nito, kasi nga yong energies eh, match eh.. kaya samen lageng nakashield kasi pag wala kang shield mamaya  marunong ng black magic yun, yung sakit niya nililipat niya sayo ganun ang mga ginagawa ng kabila eh kaya noon nga  minsan sa bus eh minsan sinisiksik ka, sikip sikip na nga eh sinisiksik ka pa, minsan nainis ako sabi ko, “sige siksikin moko, ililipat ko yung sakit ko sayo” siksik ka ng siksik eh pwede kasi yun nagtatransfer yung energy eh, kaya tayo nagshishield para di tayo naapektohan. Kaya ang dila o ang pag sasalita ay nakaka apekto sa isang tao dapat pag binatuhan ka ng orasyong may sumpa o may dalang sakit marunong kang dumepensa kasi ito ang payo ng biblia.
    Ang Dila
                   1 Mga kapatid, hindi dapat na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. 2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.
                   3 Kapag nilagyan ng pakagat  ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapa-baling saanman natin naisin. 4 Tingnan ninyo ang barko, kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ay naibabaling saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timon. 5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan.
                   Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. 6 Ang dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at talagang napapaamo ng tao, 8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay. 9 Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. 11 Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat. 12 Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.
    Ang Karunungang Mula sa Diyos
                   13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. 16 Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.
                   17 Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.
    Ganyan dapat mabuhay ang nagdidivino malinis ang pamumuhay, mapagbigay, matulungin, may justice ang ginagamit na orasyon ay sa puti sa kabutihan sa pagtulong sa pang gagamot. Ganyan tayo. Ayaw natin ng pagtatalo na wala naming kahihinatnan. Kung hindi pag mamahal at pagmamalasakit sa bawat members. Support system eh matindi basta may problem ka or encounter isang txt lang kakalat na iyang reinforcements sa lahat ng members sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment