Friday, November 22, 2013

Sagradong Aklat 32 Ang isang makahulugang buhay ay hindi pagiging mayaman, o pagiging popular, o ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan o ang pagiging perpekto ... ito ay tungkol sa pagiging totoo, pagiging mapagpakumbaba, kakayahang ibahagi ang ating sarili, at mahipo ang buhay ng iba. Sa panahon lamang na iyun saka tayo magkakaroon ng puspos, maaliwalas at kontentong buhay.

Sagradong Aklat 32 Ang isang makahulugang buhay ay hindi pagiging mayaman, o pagiging popular, o ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan o ang pagiging perpekto ... ito ay tungkol sa pagiging totoo, pagiging mapagpakumbaba, kakayahang ibahagi ang ating sarili, at mahipo ang buhay ng iba. Sa panahon lamang na iyun saka tayo magkakaroon ng puspos, maaliwalas at kontentong buhay.



Sagradong Aklat 32
Ang isang makahulugang buhay ay hindi pagiging mayaman, o pagiging popular, o ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan o ang pagiging perpekto ... ito ay tungkol sa pagiging totoo, pagiging mapagpakumbaba, kakayahang ibahagi ang ating sarili, at mahipo ang buhay ng iba. Sa panahon lamang na iyun saka tayo magkakaroon ng puspos, maaliwalas at kontentong buhay.
            Ang ating kaisipan ay isang maestro ng kapangyarihan na nagmomolde at nagbubuo, At ang tao ay isang kaisipan, at habang-buhay siyang tumatagal. Ang gamit ng kaisipan na humuhubog sa kung ano ang ating ninanais, Ay nagdadala ng libong kasiyahan, maging ng libong mga pinsala at karamdaman: -
            Ito ay nag-iisip sa lihim, at dumarating: Ang kapaligiran ay ang kanyang salamin. Ang sagradong aklat na ito ay nagtatanghal ng isang simple ngunit rebolusyonaryong ideya na ang ating ipinapanalangin, ang ating orasyong inuusal ang matutupad sa ating buhay.
Ito ay nagpapahayag na ang tao ay isang literal na produkto ng kanyang ginagawa, ng kanyang karakter sa pagiging isang kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga kaisipan.
            Klasikong karunungan
Para sa karagdagang inspirasyon ng mga lumalaking komunidad ng mga naghahanap ng kaliwanagan.
             Ito ang resulta ng pag-iisip nang malalim at meditasyon upang pasiglahin tayo sa pagtuklas at pang-unawa ng mga katotohanan na- tayo rin ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan.

             Ang tao rin ang gumagawa ng sarili niyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng kabutihan ng ating mga kalooban, na tayo rin ang pumili at nanghikayat; na ang ating pag-iisip ay ang maestrong-naghahabi, ng parehong panloob na damit ng karakter at ng panlabas na damit ng mga pangyayari, ay nagtatakpi ng kawalan ng kaalaman at hapdi ay maaaring itahi sa liwanag at kaligayahan.
Ang kaisipan at karakter.
             Ang talinghagang "Kung ano ang iniisip ng isang tao na nasa kanyang puso ay kung ano siya," hindi lamang yumayakap sa kabuuan ng kanyang pagkatao, ngunit ito ay komprehensibo upang maabot ang bawat kondisyon at kalagayan ng kanyang buhay. Ang isang tao ay literal na kung ano ang kanyang iniisip, ang kanyang karakter ang pagiging kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga saloobin.
             Kung paanong ang isang halaman ay sumisibol, at hindi maaaring maging wala, ang binhi, kung gayon ang bawat aksyon ng isang tao ay mula sa nakatagong binhi ng kanyang kaisipan, at hindi lilitaw kung wala ito. Nalalapat ito nang pantay-pantay sa mga pagkilos na tinatawag na "kusang-loob" at "hindi inihanda" kontra doon sa sadyang sinasadya at ginagawa.
            Ang pag-aksyon ay ang pamumulaklak ng kaisipan, kagalakan at paghihirap ay ang bunga nito; kaya ang isang tao ay umaani sa matamis at mapait ng prutas ng kanyang sariling pagsasaka.
              "Ang pag-iisip sa ating kaisipan ang gumawa sa atin, kung ano tayo, Sa pamamagitan ng pag-iisip ay napapanday at naitatayo. Kung ang isip ng tao ay masasamang kaisipan, ang hapdi ay pumupunta.
Ang gulong ng baka sa kanyang likuran ....
              Kung .. ang isa ay nagtitiis
Sa kadalisayan ng pag-iisip, kagalakan ay sumusunod sa kanya.
Tulad ng kanyang sariling anino-ito ay beripikado. "
             Ang tao ay isang pag-unlad sa pamamagitan ng batas, at hindi isang paglikha ng pakana, o sanhi at epekto ay hindi mapag-aalinlanganan at hindi maililihis sa nakatagong kaharian ng pag-iisip sa mundo ng nakikita at materyal na bagay. Ang isang marangal at tulad ng divinong karacter ay hindi isang bagay ng pagtatangi o pagkakataon, ngunit ito ay ang natural na resulta ng patuloy na pagsisikap sa tamang pag-iisip, ang epekto ng pang-tangi na may kaugnayan tulad ng divinong saloobin. Isang walang puri at makahayop na karacter, sa pamamagitan ng parehong proseso, ay ang resulta ng patuloy na pag-iipon ng magaspang na saloobin.
              Ang Tao ay nabubuo o hindi nabubuo sa pamamagitan ng kanyang sarili; sa taguan ng mga armas ng kaisipan niya ay napapanday ang mga armas na kung saan maaaring makasira ng kanyang sarili; siya rin ang humuhugis ng mga kagamitan na kung saan siya ay nagbubuo sa kanyang sarili ng mala-paraisong tahanan ng kagalakan, lakas at kapayapaan. Sa pamamagitan ng tamang pagpipilian at tunay na applikasyon ng pag-iisip, ang tao ay umaakyat sa pagiging pagka-perpekto ng pagka-divino; sa pamamagitan ng pag-aabuso at maling applikasyon ng pag-iisip, siya bumababa sa ilalim ng antas ng mga hayop. Sa pagitan ng mga dalawang kasukdulan ang lahat ng mga grado ng mga karakter, ang tao ang gumawa at maestro.  
             Ang lahat ng mga magagandang katotohanan tungkol sa kaluluwa na naibabalik at dinadala sa liwanag sa panahong ito, wala ng mas nakakatuwa o nagbubunga ng banal na pangako at pagtitiwala kaysa rito-na ang tao ay ang panginoon ng kanyang  ​​kaisipan, ang tagapagmolde ng kanyang mga karakter, at ang gumagawa at humuhugis ng kanyang kondisyon, kapaligiran, at kapalaran.

Efeso 1:

Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo
               3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6 Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7 Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9 ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10 pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
               11 Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.
               13 Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!
Ang Panalangin ni Pablo
               15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko kayo. 17 Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19 at kung ano ang di-masukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon 20 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya. 23 Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.
              Bilang isang nilikha sa kapangyarihan, sa katalinuhan, at sa pag-ibig, at ang panginoon ng kanyang sariling mga saloobin, ang tao ay humahawak ng susi sa bawat sitwasyon, at naglalaman sa loob ng kanyang sarili ng pagbabago at nagbabagong-buhay sa pamamagitan ng ahensiya na maaaring siya ang gumawa sa kanyang sarili kung ano ang kanyang ninanais.
              Ang tao ay palaging ang maestro, kahit sa kanyang kahinaan at pinaka abandunang estado; ngunit sa kanyang kahinaan at kawalang dangal na kalagayan siya ay ang hangal na panginoon na namamala sa maling paraan ng kanyang "sambahayan."
             Kapag siya ay nagsisimulang makaaninag sa kanyang kalagayan, at hanaping masigasig ang Batas na kung saan ang kanyang pagkatao ay itinatag, siya pagkatapos ay magiging matalinong maestro ng kanyang kapalaran, nagdidirekta ng kanyang enerhiya ng may katalinuhan, at hugisin ang kanyang mga saloobin sa mga mabungang isyu. Tulad ng maestrong may kamalayan, at ang tao ay maaari lamang maging ayon sa kanyang ninanais sa pamamagitan ng pagtuklas sa loob ng kanyang sarili ang mga batas ng pag-iisip; na ang pagtuklas ay talagang isang bagay ng aplikasyon, sariling pagsusuri, at karanasan.
             Tanging sa pamamagitan ng paghahanap at pagmimina, ang ginto at diamante ay nakukuha, at ang tao ay makakahanap ng katotohanan na konektado sa kanyang pagkalikha, kung siya ay huhukay ng malalim sa mga minahan ng kanyang kaluluwa; at  siya  ang gumagawa ng ​​kanyang katangian, ang tagapagmolde ng kanyang buhay, at ang taga-buo ng kanyang kapalaran, maaaring siyang magpatunay na hindi siya nagkakamali, kung siya ay mag-oobserba, magkokontrol, at babaguhin ang kanyang mga saloobin, inaaninag ang mga epekto sa kanyang sarili, at sa iba, sa kanyang buhay at sa mga nangyayari, inu-ugnay ang sanhi at epekto ng may matiyagang mga kasanayan ng pagsisiyasat, at pag-gamit sa kanyang bawat karanasan, kahit sa pinaka-walang kuwentang araw-araw na pangyayari, bilang isang paraan ng pagkuha ng kaalaman para sa kanyang sarili ito ay ang unawa, katalinuhan, at kapangyarihan.
             Sa ganitong direksyon, tulad ng sa walang iba pang mga batas ay ang ganap na "Siya na naghahanap at makakatagpo; at sa kanya na kumakatok at pinag-bubuksan;" dahil sa pamamagitan ng pasensya, kasanayan, at walang humpay na pagsisikap maaaring makapasok ang isang tao sa Pintuan ng Templo ng Kaalaman.

Mateo 7:

Humingi, Humanap, Kumatok
(Lucas 11:9-13)
               7 "Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
               12 "Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta."
Ang epekto ng kaisipan sa pagkakataon.

             Ang kaisipan ng tao ay maaaring itulad sa isang hardin, na maaaring
linangin ng may katalinuhan o payagang mapatakbo ng may kaguluhan; ngunit kung nilinang o napapabayaan, ito ay tiyak, na magdadala ng resulta. Kung walang kapaki-pakinabang na binhi ang inilagay rito, magkagayon ay isang kasagsagan ng walang halagang mga damo ang mahuhulog rito, at patuloy na magbibigay ng kanilang mga kauri.
             Tulad ng isang hardinero na nagsasaka sa kanyang lupa, pinanatili itong ligtas mula sa mga damo, at nagpapalaki ng mga bulaklak at prutas na kung saan siya ay mangangailangan, kaya maaari din sa isang tao na mag-alaga sa hardin ng kanyang kaisipan, ang lahat ng mga mali ay inaalis, ang mga walang silbi, at marumi saloobin, at paglinang patungo sa pagiging perpekto ng mga bulaklak at prutas ng karapatan, kapaki-pakinabang, at purong saloobin.
Itutuloy……

Martes, Nobyembre 05 2013

Ang iyong ipinalalangin at ang mga orasyong ginagamit mo, ang siyang nangyayari sa iyong kamalayan, kaisipan at sa iyong buhay.



Ang iyong ipinalalangin at ang mga orasyong ginagamit mo, ang siyang nangyayari sa iyong kamalayan, kaisipan at sa iyong buhay.

Marcos 11:

24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25-26 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit."
Ang ating kaisipan ay isang maestro ng kapangyarihan na nagmomolde at nagbubuo, At ang tao ay isang kaisipan, at habang-buhay siyang tumatagal
Ang gamit ng kaisipan na humuhubog sa kung ano ang ating ninanais,
Ay nagdadala ng libong kasiyahan, maging ng libong mga pinsala at karamdaman: -
Ito ay nag-iisip sa lihim, at dumarating:
Ang kapaligiran ay ang kanyang salamin.
Ang sagradong aklat na ito ay nagtatanghal ng isang simple ngunit rebolusyonaryong ideya na ang ating ipinapanalangin, ang ating orasyong inuusal ang matutupad sa ating buhay.
Ito ay nagpapahayag na ang tao ay isang literal na produkto ng kanyang ginagawa, ng kanyang karakter sa pagiging isang kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga kaisipan.

Klasikong karunungan

Para sa karagdagang inspirasyon ng mga lumalaking komunidad ng mga naghahanap ng kaliwanagan.
Ito ang resulta ng pag-iisip nang malalim at meditasyon upang pasiglahin tayo sa pagtuklas at pang-unawa ng mga katotohanan na- tayo rin ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan.
Ang tao rin ang gumagawa ng sarili niyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng kabutihan ng ating mga kalooban, na tayo rin ang pumili at nanghikayat; na ang ating pag-iisip ay ang maestrong-naghahabi, ng parehong panloob na damit ng karakter at ng panlabas na damit ng mga pangyayari, ay nagtatakpi ng kawalan ng kaalaman at hapdi ay maaaring itahi sa liwanag at kaligayahan.

Juan 15: 1-17

Ang Tunay na Puno ng Ubas
               1 Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
               5 Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad. a 9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
               11 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. 14 Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. 16 Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.
Ang talinghagang "Kung ano ang iniisip ng isang tao na nasa kanyang puso ay kung ano siya," hindi lamang yumayakap sa kabuuan ng kanyang pagkatao, ngunit ito ay komprehensibo upang maabot ang bawat kondisyon at kalagayan ng kanyang buhay. Ang isang tao ay literal na kung ano ang kanyang iniisip, ang kanyang karakter ang pagiging kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga saloobin.
Kung paanong ang isang halaman ay nagmumula sa taniman, at hindi maaaring maging wala, ang binhi, kung gayon ang bawat aksyon ng isang tao ay mula sa nakatagong binhi ng kanyang kaisipan, at hindi lilitaw kung wala ito. Nalalapat ito nang pantay-pantay sa mga pagkilos na tinatawag na "kusang-loob" at "hindi inihanda" kontra doon, sa sadyang sinasadya at ginagawa.
Ang pag-aksyon ay ang pamumulaklak ng kaisipan, kagalakan at paghihirap ay ang bunga nito; kaya ang isang tao ay umaani sa matamis at mapait ng prutas ng kanyang sariling pagsasaka.
Itutuloy sagradong aklat 38

Miyerkules, Oktubre 30 2013

Sagradong Aklat 51 Ang pag-gising sa binhi ng dakilang pagkatao sa pamamagitan ng sagradong kaalaman.



Sagradong Aklat 51
Ang pag-gising sa binhi ng dakilang pagkatao sa pamamagitan ng sagradong kaalaman.
Welcome sa isa na namang presentasyon ng Dtef tungkol sa sagradong kaalaman isang pampublikong serbisyo sa tradisyon ng malalim na karunungan at sikretong kamalayan.
Ang sagradong kaalaman ay ang mga kahanga-hangang karunungan ng lahat ng mga dakilang relihiyon.
Ang sagradong kaalaman ay unibersal na pagtuturo ng praktikal na agham. Ang layunin ay ang ganap na pagpapalaya mula sa paghihirap at ang kumpletong pag-unlad ng tao.
Ang libreng lektiyur ay magagamit ng lahat ng mga taong nagmamahal sa ating Panginoong Diyos. Ang araling ito ay mula sa ibat’t ibang maraming mga paksa ng sagradong kaalaman at mga lihim na karunungan upang matugunan ang maraming pangangailangan ng sangkatauhan.
Ang ating libreng mga aralin ay nagawang posible sa pamamagitan ng mga kabutihan ng mga miyembryong  bukas ang puso na tulad mo para sa karagdagang impormasyon o upang gumawa ng isang donasyon ng mapalawak pa ang ating mga layunin mag-mensahe sa amin anumang oras sa pamamagitan ng facebook o sa aming web site.
8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng nasusulat, "Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha; ang kanyang katuwiran ay walang hanggan." 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang magaan na pagtanggap ay isang ekspresyon ng karangalan sa nagbibigay.
Ang pag-gasta at mga serbisyo
Ang Pera ay parang dugo dapat itong dumaloy.

Ang pag-iimbak at pagtatago lang nito ay nagiging dahilan maging matamlay.
Upang lumago dapat itong dumaloy.
kung hindi, ito ay nagigig hadlang at tulad namumuong dugo maaaring maging sanhi ng pinsala.

Ang Pera ay enerhiya ng buhay, na ating pinagpapalit at ginagamit  bilang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa sandaigdigan. At upang panatilihin itong dumarating sa atin, kailangan nating panatilihin ang paglaganap nito.
Ang donasyon ay ang pagbibigay ng isang bahagi ng iyong kita ng walang mga kundisyon o inaasahang kapalit kapag magbibigay. Kapag nagbigay
ng walang kapalit humihigop ito at nililikha ng mas kaakit-akit at mas higit pang pagpapala sa kung ano ang iyong ibinigay. Kapag walang mayamang puso ang kayamanan ay nagiging pangit na pulubi.
Ngayon, may taos-puso kahilingan  para sa katapusan ng paghihirap ng lahat ng mga nilalang, magsisimula tayo sa ating pag-aaral, upang ang lahat ng tao'y magiging masaya.
Bumabati kami ng malugod sa mag-aaral na pasukin na natin para sa pagtuklas ng mga sagradong kaalaman kung saan ito ay ang mga praktikal na agham. Na kailangan natin upang lubos na mabuo ang ating sarili bilang isang tao.
Ang sagradong kaalaman ay isang anyo ng kaalaman na lagpas sa ating panlupang personalidad. Ito ay isang anyo ng kaalaman na sumasaklaw sa kabuuan ng ating pag-iisip. At nasa loob  ng ating sarili lahat ng karunungan o ang maliwanag at tiyak na hakbang na kinakailangan para sa kaisipan na iyon upang maging ganap na buo ..
Kaya kapag nag-aral na tayo ng mga sagradong kaalaman ito ay magiging ating interes, ito ay ang ating pananabik. At sa katunayan lahat ng nag-aral ng relihiyon at ispirituwalidad. Ay ganito, dahil mayroon tayong espirituwal na pag-aalaala. Ang mga espirituwal na pag-aalaala ay isang pagnanais para sa pag-asam ng isang pampasigla, iyon ay nasa loob ng ating kamalayan o diwa.
Isang bagay na malalim, malalim na nasa loob ng ating saykiko. Ang espirituwal na pag-aalaala ay ang puwersa na naghahanap upang maging elemento na nagtatanong bilang isang kaluluwa, bilang isang taong may kamalayan, upang maging isang taong may pag-asam na mabuhay, na nahihimok mula sa lalim ng ating mga kamalayan, mula sa isang malalim tungkol sa nananatili nating kamangmangan para mag-isip-isip. Ang layunin ng sagradong tradisyon o ng sagradong kaalaman ay ang pag-aaral upang malaman ang pinagmulan ng nagpapasigla upang katawanin ang pinang-galingan, ng magkaroon ng direktang kaalaman ng pinagmulan at ito  talaga ang ibig sabihin ng sagradong kaalaman sa kanyang tunay na kahulugan ang unang kaalaman ng ating pinangalingang ugat kung saan tayo nanggaling.
Magsimula tayo sa pagsiyasat sa pamamagitan ng pagtingin sa ating mga sarili kung ano tayo ngayon, siyasatin kung saan tayo nanggaling at upang matuto mula sa likas na katangian tungkol sa kung paano tayo gumagana at kung paano tayo maaaring maka-angkop kung saan at paano tayo dapat mabuhay?
Lahat tayo bilang mga tao ay nakakaramdam ng ganitong mga simbuyo upang ipahayag, upang lumitaw, para maging, at ang pangangailangan ng madaliang pagkilos na ito ay partikular na malakas kapag tayo ay nasa kabataan, at nakakaramdam tayo ng paghahanap, nangangailangan at nagpupumilit malaman kung sino tayo?
Sino at ano ang ating magiging pagkatao? Ano ang ating magiging layunin? Ano ang ating magiging tungkulin? Ano ang nasa loob natin na naglalayong ipahayag ang kanyang sarili, kung sino tayo? Ito ang malalim na espirituwal na pag-aalaala ay partikular na malakas sa ating paglaki at sa pagiging kabataan. Ngunit sa kasamaang-palad para sa atin hindi natin makita ang mga sagot sa ating lipunan, sa ating relihiyon, sa ating mga paaralan, mga unibersidad at ang ating mga pamilya madalas sinabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin ngunit napaka bihirang matuklasan ng isang tao kung sino sila.
Itong uri ng kaalaman sa sarili o sagradong kaalaman sa sarili ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng paghahanap sa labas ng mundo matagpuan ito sa pamamagitan ng paghahanap sa kaibuturan ng ating sarili at sa kasamaang-palad ang karamihan sa mga tao na ipinanganak sa mukhang nitong pag-asam na malaman ang kanilang mga sarili ay lumilipas sa kanyang anyo ng may pananabik nananatiling walang kasagutan at natagpuan nila ang kanilang mga sarili at buhay sa, trabaho,careers, pagaasawa at sa mga sitwasyon na hindi kaaya-aya at sa mga kakulangan nila sa kaalamanng sarili o sa sariling ekspresyon na kinakailangan at sila ay namatay nang hindi kailanman natuklasan ang kanilang totoong layunin sa buhay.
Ito ay pareho sa anumang halaman, sa anumang puno na sa kurso ng kanilang pag-iral ay pinakawalan mula sa kanilang sarili ang milyong mga binhi at ang mga binhi ay nakakalat sa bawat kapaligiran upang palaganapin ang kanilang uri ng puno na iyun. Ang karamihan sa mga binhi ang lahat ng kung saan ay may pakiramdam ng pananabik upang maging isang mahusay na punong kahoy ay mawawala. Ito ang parabula na ibinigay ni Hesus sa ebanghelyo.
Mateo 13: 1-58
Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8)
               1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:
               "May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!"
12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
  16 "Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig."
Ipinaliwanag ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4:13-20)(Lucas 8:11-15)
               18 "Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
               20 "Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
               22 "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
               23 "At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu."
Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, 'Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?' 28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga damo?' 29 'Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,' sagot niya. 30 'Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.' "
Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa
(Marcos 4:30-32)(Lucas 13:18-19)
               31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito."
Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37 Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"
Ang karamihan sa mga binhi ay nawala o natuyo sa pamamagitan ng araw o kinakain ng mga ibon ang karamihan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ugat. Ang bawat tao ay isang binhi ang kabuuan ng lahi ng sangkatauhan ay isang koleksyon ng mga binhi ang bawat isa sa atin ay isang binhi na naglalayong maging isang puno. Ang puno na nais natin maging ay tinatawag na "Ang Punong kahoy ng buhay". Kung saan ay kinakatawan sa bibliya sa Genesis bilang Punong kahoy ng Buhay.

Genesis 3:

Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
               22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
               24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.

Ezekiel 47:

11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin. 12 Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga sapagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon."

 

Pahayag 22:

1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Pahayag 2:

    7 "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
               "Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos."
Ang Punong kahoy na ito ay kumakatawan sa mga tao na ginawa sa imahe ng kanyang manlilikha ang Dios Ama. Ang bawat binhi ang bawat tao ay may potensyal na maging isang mahusay na punong kahoy ng Buhay. Ang binhi na tayo kapag isinalin nang direkta ay nangangahulugan na ang embrayo ng isang pukaw na nilalang, isang embrayo ng kaluluwa, ang potensyal na maging kaluluwa.
Ang binhing ito ay ang kalikasan o potensyal ng isang buto, isang pinakaubod, isang mikrobyo, isang maliit na maliit na butil na naglalaman sa loob mismo ng isang koleksyon ng mga hilaw na mga elemento. Ang binhi na ito ay ang ating kamalayan sa sagradong kaalaman tinatawag itong pinakadiwa dahil ito ang esensya ng ating pagkaka-likha, na may kaugnayan sa punong kahoy ng buhay. Ang esensyang ito ay isang maliit na kislap o maliit na butil na may kaugnayan sa malalim na hininga, ang kaluluwa ng tao na kumikislap o maliit na butil ng kahulugan na ang mundo.
Sa ibang salita, ang binhi ng ating kamalayan ay ang pinakadiwa, isang lugar sa mundo kung saan nahuli ang ating pisikal na katawan. Ang ating pisikal na katawan ay ang lupa, ang lupa mula sa kung saan si Adan ay kinuha ngayon ay nahuli ang ating pisikal na katawan at naging sandigan na kung saan nasa loob ang binhi na kung saan ay dapat na lumaki  ang binhi at ang binhi ay ang ating kamalayan at ito ay nangangailangan ng tiyak na mga sangkap ng pagkakasunod-sunod para siya ay lumago.
Kapag tayo ay bumalik sa analohiya ng dakilang puno ang mga espasyo ng milyong-milyong mga binhi sa kapaligiran upang makalikha ng buhay. Makikita natin ang kahanga hanggang pag-ikot ng kapanganakan at kamatayan. Ang puno mismo ay mula sa isang binhi, isang binhing lumalaban upang mabuhay at nakipaglaban upang maging isang dakilang punong kahoy na nagbibigay ng mga binhi upang lumikha ng isang bagong buhay, ngunit ang karamihan sa mga binhi na kanyang nagawa ay walang sapat na lakas upang lumikha ng bagong mga puno dahil sa kakulangan ng pagkakataon para sa mga elemento upang magawa ito, kaya sa pamamagitan ng analohiya makikita natin ang parehong katotohanan sa sangkatauhan.
Ang karamihan sa mga binhi ng kamalayan ay hindi lumalago. Ang karamihan ay nananatiling binhi lamang at namamatay. Sila ay itinanim  sa lupa at sa pisikal na mga katawan at maaaring lumago sa isang tiyak na lawak, maaari rin silang gumawa ng kahit anong bagong buto pero sila ay sirang binhi, binhing hindi maaaring makabuo ng isang puno. Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay ang ating sariling karma, ang resulta ng ating mga nakaraang pagkilos.
Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay nasa loob ng ating mga kaisipan na gumagawa sa atin upang maging hindi dalisay, magagalitin, mapagmamataas, mainggitin, mapanibugho, mapanlilinlang, mang-mang, mapag-paimbabaw, at mapag-malaki. Itong lahat ay sakit, mga karamdaman na nakaapekto sa ating kaisipan at nagbibigay katiwalian sa ating binhi, ang binhi ng ating kamalayan. Sa kabila ng katiwalian mayroon tayong mga potensyal upang mapagtagumpayan ito, dahil mayroon tayo sa ating kalooban, ng isang puwersa sa ating pagkatao, sa ugat nito ay ang ating sariling pagkatao, ang Diyos ang banal na elemento na nagbubuo ng kislap sa ating kamalayan ang ating sariling panloob na ama at ina upang makabuo ng binhi ng kamalayan sa loob natin.
Ang dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang ganitong uri ng impormasyon, ang dahilan kung paano natin naunawaan ang sagradong kaalaman o nakakaranas ng mga panloob na mundo o upang maunawaan ang malalim na meditasyon o pukawin ang ating mga kamalayan ay dahil ang ating sariling panloob na dibinidad ay nagpapasigla sa ating kamalayan na kung saan ay espirituwal na pag-aalaala na may pag-asam malaman, makaranas sa kanyang sarili ay nagbibigay sa atin ng ating solong paanyaya para sa pag-asa dahil ang puwersa na tumutulak sa atin upang mapayabong ang ating sarili na nagbibigay sa atin ng mga potensyal upang mapagtagumpayan ang mga balakid na umiiral sa ating kapaligiran at umiiral sa ating kaisipan.
Para maayos ang binhi upang mabuo sa kalikasan, kailangan nito ng partikular na elemento at pareho totoo ito sa binhi ng kamalayan, ang binhi ng kamalayan ay nangangailangan ng tamang balanse sa pagkakasunod-sunod para ang kamalayan ay lumago. Maaari nating obserbahan ang sangkatauhan ma-obserbahan ang mundong ito bilang isang butas upang matukoy kung ang mga elemento ay naroroon. Kung titingnan natin ang sangkatauhan bilang isang lahi at nauunawaan natin ang proseso ng kalikasan at nauunawaan natin ang isang bagay sa relihiyon maaari nating makita ng mabilis ang mga bagay na wala sa balanse.

Kung hindi, bakit nagagawa ng mga tao gumawa ng kakila-kilabot na kabangisan laban sa isa't isa.  Bakit nagagawa ng mga tao makagawa ng kasuklam-suklam na krimen laban sa kanilang sariling ina ang mundong ito? Ito ay dahil ang mga binhi ng kamalayan ay naging masama at ngayon ang tao ay hindi magawang lumikha ng kanilang sariling puno, ang punong kahoy ng buhay, upang magising, upang maliwanagan, upang maging sa ibang salita, mga anghel o masters.
Ang binhi o embrayo ng kaluluwa ay hindi tumatanggap ng tamang sustento at sustansiya na kailangan nito para maisayos ang binhi para maging isang mahusay na puno ang ebidensiya ay nasa lahat ng dako. Ito ang dahilan kaya mayroon tayong pagnanasa upang siyasatin ng malaman kung ano ang mga elemento na nawawala? Ano ang mga elemento na kailangan natin?
At lahat tayo ay naghahanap at tumitingin, nag-aaralan, bumabasa at nagsisiyasat na makita ang pinakamahusay na sagot. Ang sagot ay makukuha natin kung alam natin kung paano tayo dapat maghahanap ngunit ang importanteng dahilan para sa atin na maunawaan ay ang mga pinamamahalaang batas ng kalikasan na masyadong napaka istrikto.
Kapag tiningnan natin at pinakikilos ang batas na magpapagana at sumasaklaw sa paglago ng anumang binhi, makikita natin na ang mga batas ay dapat na mapatupad kung hindi ang binhi ay hindi maaaring lumaki. Kung ilalagay natin ang binhi sa lupa ngunit walang araw, at walang tubig na maibibigay sa kanila sila ay mamamatay. Kung itatago mo ang binhi sa isang bato sa loob ng isa pang taon hindi sila tutubo sila ay mamamatay at pareho itong totoo sa ating mga kaluluwa ng ating mga kamalayan.

Ang ating kamalayan ay nangangailangan ng tamang pagkain, ng tamang kapaligiran para ito ay lumago at mabuo. Sa halaman, ang binhi ay kumakawala sa balat nito ang puwersa ng buhay sa loob nito na tumutulak pareho sa paraan ng isang inakay sa pamamagitan ng lakas ay kumakawala sa kanyang shell at nakikipagbaka at nakikipaglaban upang mabuhay, ito ay hindi isang madaling proseso na totoong pareho sa atin sa ating sariling pag-unlad bilang isang binhi na nasa isang pisikal na katawan.
itutuloy

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete