Sunday, May 2, 2010
Sa Aswang daw Namatay sabi ni tiya!!!
Maliit lang ang barrio namin sa visaya. Bata pa ako nuon, wala pang muwang sa mga bagay bagay at pinipili pa na maglaro kesa isipin ang mga bagay na hindi ko naman maintindihan. Pero ang lahat ay malinaw pa sa isip ko.
Katulad ng ibang probinsiya, ang barrio namin e hindi naman kalakihan, nagmumukha lang malaki dahil hiwahiwalay ang bahay na halos hindi mo matanaw dahil sa lawak ng mga palayan na lumilibot sa buong barrio. Sa edad ko na iyon ay meron pa akong mga tiyuhin duon na halos kasing bata ko pa lang. Normal naman sa probinsiya ang ganuon na madamng anak ang mga pamilya. Ang nanay ko kase ang panganay kaya marami pa siyang nakababatang kapatid. Bumisita lang kaming pamilya duon.
Kalaro pa namin ng kuya ko si Tita magda at Tito bandolino (hindi tunay na pangalan) Kuya at ate pa ang tawag ko sa kanila nuon kase hindi ko pa alam na tiyuhin at tiyahin ko sila. Ang alam ko nuon ay mga pinsan ko sila. Mga 5:30 na nuon at medyo dumidilim na.May mga napansin kaming mga aso sa di kalayuan na mga puno ng Abaka. Tinanong ko pa nga kung kaninong mga aso iyon dahil mahilig ako kahit nuong bata pa ako sa mga aso. Kaya lang natakot ako ng makita ko na parang naglalaway at pula ang mata. Ang masama pa ay parang napakalaki nila. E kaya lang nuong bata ako ay talagang lahat ng bagay na malaki sa akin ay tingin ko ay napakalaki. Medyo parang 3 na ang mga aso kahit na nung una ay 2 lang ang nakita ko at parang ikot sila ng ikot sa mga puno ng abaka. Nang bigla kaming tawagin ng Lola ko. Hindi naman kami kalayuan sa bahay kaya ng tawagin kami ng aking lola ay nagkarerahan pa kami umuwi kaya nga nagtaka ako sa mga nangyari kinagabihan.
Nang maghahapunan na kami, parehong walang gana si Tio Bandolino at Tia magda. Pinipilit pa silang pakainin ni Lola. Pero wala silang gana pareho
Nang hawakan ko sila, ang sabi niya may lagnat daw silang pareho, sabi pa ng lola ko dahil daw kung anu-ano ang pinaglalaruan namin at napagod lang daw sila kaya nilalagnat. Pinainom ng gamot ng Lola ko sila at pinatulog na. Kami naman ng kuya ko ay nasa bintana sa may likod bahay. Minamasdan namin ang malawak na palayan at ang panaka-nakang mga nagliliparan na paniki sa di kalayuan nang may napansin kaming papalapit na mga mata. Tila umiilaw ang mga mata ng mga aso na papalapit sa bahay. Hindi lang namin pinansin ng kuya ko. Sanay na rin kase kami kase may alaga din kaming aso nuon. Ang akala namin ay baka na alaga lang ng kapit-bahay namin. Nagkukuwentuhan lang kami ng kuya ko. Napansin namin na paikot ikot ang mga aso sa bahay, paruot-parito. Lakad ng lakad. Tinawag na kami ng nanay at tatay ko para mahiga sa papag. Huling araw na kase namin iyon at sasakay na kami kinabukasan ng hapon ng barko pabalik ng Maynila.
Bago kami umalis kinabukasan ay kinumusta pa namin ng kuya ko si Tia magda at Tio bandolino. Medyo masigla na sila kaya natuwa kami. Nagpaalam na kami pati sa mga iba namin kamag-anak duon. Nang nasa barko ay tinigdas pa kami ng kuya ko pero ok naman ang pakiramdam ko nuon. Nahihilo kase ako sa ugoy ng barko kung kaya't halos buong oras na nasa barko kami ay tulog ako. Kahit na pagdating ko sa bahay ay antok pa din ako.
Makalipas ang isang linggo ay nalaman naming pamilya ang pagkamatay ng Tio bandolino ko mg 3 araw daw matapos naming umalis, pagkatapos ay ang Tia magda ko naman sa sumunod na 2 araw. Nakaburol daw sila ng panahong iyon. Nagtaka kami ng kuya ko kse nga masigla pa sila nang paalis kami. Nang araw na iyon dumating ang Tiyahin ko na isa na kapatid din ng nanay ko ngunit kasalukuyang nakatira dito rin sa Maynila. Hindi man ako marunong ng bisaya ay medyo nakakaintindi ako. Ang naintindihan ko lang ay "Doktor, Lagnat, Aswang". Sinabi ng nanay ko na ipinatingin naman sa doktor pero ala naman silang sakit kundi lagnat. Pero hindi binanggit ng Nanay ko ang tungkol sa aswang.
Nang tumanda-tanda na kami ng kuya ko at nakakaintindi na. Minsan ay nagka-kuwentuhan namin ang tiyahin namin na iyon. Ikinuwento niya sa amin kung anong nangyari sa dalawa naming kamag-anak. Ang sabi niya ay ipinatingin nga sila sa doktor pero ala namang sakit kundi lagnat. Pagkatapos ay, galit na galit daw ang lolo ko dahil may nakakita daw na dumaan na kapit bahay namin na may paikot ikot daw na malalaking asong pinaghihinalaan niyang aswang dahil daw malalaki, kulay itim at mapupula ang mga mata. Naalala namin ng kuya ko ang mga asong malalaki na nakita namin nung gabi bago kami umalis.
Sabi ng tiyahin ko na mga aswang daw ay nagpapalit ng anyo at nagiging malaking aso o kaya naman ay baboy. tapos daw nang tulog na ang lahat ay kinuha ang tiyo at tiya ko at pinalitan ang katawan nila ng puno/puso ng saging. Kinilabutan ako nuon dahil naiisip ko pa na kinausap ko sila bago kami umalis at pareho silang masigla. Sabi raw para malaman ang tutuo kung napalitan ng aswang ang katawan ng mga kamaganak namin ay kelangan buksan uli ang kabaong nila matapos ang ilang araw pagkatapos ipalibing o kaya naman ay ibato sa lupa ang katawan bago ilibing o kaya naman ay hilahin ang daliri kahit isa at sadyang malalaglag ito ng hindi man lang magdudugo o kaya ay walang hirap at makikita na kundi sanga ay bahagi raw ito ng puno ng saging. Sabi ng tiya ko na hindi daw ginawa ng Lolo ko pareho yun dahil mas nanaisin pa daw niya na maalala na ang mga katawan ng anak niya ang nakalibing kesa sa puno o puso ng saging o kesa isipin na kinuha ng mga aswang ang mga anak niya.
Hanggang ngayon buhay na buhay pa sa akin ang pangyayaring iyon. Kaya tuwing inaaya akong mag bakasyon doon ay talagang ayaw kong magpunta.Hanggang makakilala ako ng isang taong hindi natatakot sa ganoong mga bagay si sis honey naging interesado ako sa kaniya at nagkuwentong may nagturo sa kanya kaya pinakilala niya naman ako at nagpaturo ako kay brod nest ng sagradong aklat 1, 2 at 3. Matindi nilalaman talagang may pag aaral at pagsisikap na pinagtiisan sapagkat may mga sikretong ngayon ko lang nalaman pero kailangan testingin ang kapangyarihan. Nasubukan ko ang lakas sa ilang mga pagkakataon.
Ang pinakamalaking pagsubok ay ng umuwi na ako uli at nag bakasyon sa aming probinsiya. Isang gabi ay uminit ng husto ang pendant na pinasuot sa akin ni brod nest warning signals daw iyon pag umiinit at umalulong ang mga aso. Ano’t ano pa man nanigurado na ako nambato na ako ng mga mahiwagang salita na itinuro sa akin sa lahat ng direction taas, baba, ilalim, gitna pinaikot ikot ko. Mga limang minuto nawala lahat ng kilabot ko at mga alulong ng aso. Wala akong nakita nakaramdam lang una’y kilabot matapos mambato ay katahimikan at kapayapaan. Kaya masasabi kong sa karanasan nasusubukan ang kapangyarihan at napatunayan ko hindi na ako takot mag bakasyon sa lupain ng mga ninuno ko. At kahit na anong maligno aswang, kapre, duwendeng itim kaya ko ng makipagdigma kung kinakailangan basta ang tiwala ko ay doon sa aking mga tinatawag sa orasyon.
Salamat po mga Divino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment