Powered By Blogger

Sunday, May 23, 2010

Sharing of Spiritual experiences Part 1 (Walking through the valleys of death)

I want to share my spiritual experiences upang kahit paano maging isang kwentong maaaring kunan ng aral. Hindi ko nais pang bangitin ang aking pangalan dahil para sa akin hindi importante ito..

Ang importante ay makita ng tao ang regalong ng buhay na galing sa Tatlong Persona and that there is hope and spiritual freedom in the Holy Trinity.
Ako ay isang ordinaryong tao na lumaki may normal na pamumuhay at pagsubok sa buhay.

Isang akong catholic tuwing weekend ,dahil tulad ng lahat tao, hindi ko ma-deny ang sigaw ng aking puso na magbalik loob sa panginoon.

Ngunit kapag weekdays isa akong happy "go-lucky" na catholic. Sa madaling salita, namuhay ako para sa aking sariling kaligayahan. Ang aking parating katwiran ay "patay kung patay", Walang ibang guguhit ng aking kapalaran kundi Ako.

At dahil sa aking bilib sa sarili at sa aking kapabayaan sa buhay at pangangatawan, nagkaroon ako ng maraming pagsubok.

Nag karoon akong sari-saring sakit. Dalawang beses akong nagkaroon ng bells palsy, Nag karoon ng diabetes, neoropathy of the feet at TB.

Ngunit ang pinaka mabagsik na pagsubok ay nang magkaroon ako ng isang karamdaman na hindi pang karaniwan.

Isang karamdaman or infection na kahit mga doctor hindi makita at mapaliwanag.

Ayaw man animin ng medical doctors pero alam ko na bilang na ang aking araw.

Hindi nagtagal , naging sunod sunod ang spiritual warfare na aking pinagdaraanan kung saan ako at ang aking kaluluwa ang pinaglalabanan.

Nakita ko ang milyon milyong demonyo na patuloy na nagpapalipad ng mga umaapos na sibat. Hangang sa bumaon ang mga ito sa aking dibdib at ako ay nalagutan ng hininga.

Nagising ako na lumulutang sa tabi ng aking katawan na pinagkakaguluhan ng mga nurse at doctor.

Hindi nagtagal ako at nabulag sa isang liwanag na kung saan ako nahigop. Sa pagkakataon na ito , aking sabi sa aking sarili na ako ay pumanaw na.

No comments:

Post a Comment