Saturday, May 1, 2010

(Haunted House case sa Bulacan) Pagpapasalamat sa officers ng Dtef at kay Brod nest



Ang aming bahay sa san ildefonso Bulacan ay dating pinagmumultuhan, at ako ay naniniwala na may dalawang multo dito. Sa aking tingin ay ang kaluluwa ng akingina na biglaan ang pagkamatay sa isang bus accident at may iba pang masamang ispiritu. Pakiramdam ko ang akingina ang nagpoprotekta sa akin mula samasasamang ispiritu.


Ako ay ipinanganak sa kalagitnaan ng hatinggabi kaya may mga psychics na nagsasabing malakas ang pakiramdam ko at ako ay sensitibo sa mgaparanormal, tunay na napansin ko itolalo na noong ako ay halos mamatay ako sasakit na stroke. Ika nga ni brod nest ang taong nagkakaroon ng near deathexperience ay lumalakas ang thirdeye ayon sa kaniyang karanasan at sa kanyanglecture seminar sa healing center sa baliuag.

Ang aming bahay ay may mahabang kasaysayan at ito raw ay itinayo noon pang 1900's. Ang mga naunang kastilang may-ari na nagbenta nito ay hindi man lang nag kwento ngmga naranasan nila sa loob nito, ngunit ang kanilang ina ay bigla na lamang namatayhabang natutulog mag- isa dito sa bahay na kahoy na ito na nalaman lang naminmula sa mga kapitbahay.

Kami ay hindi sigurado kung totoo nga na medyo malas ang bahay na ito. Bagama’t namatay ang aking ina sa kahindik hindik at biglaang aksidente noong 1995. Totoo na kami ay nakakaranas ng kakaibang karanasan at pangyayari kahit na bago pa lang kaming lumipat dito. Ang amoy ngprutas, pabango at kahila-hilakbot na odors ay natagpuan sa buong bahay saiba't-ibang okasyon at ang tunog ng mga yapak, gaya ng ginawa nila sa kanilang mga paglakadsa likod ng mga silid namin.

Pakiramdam ko nga ang aking kuwarto mismo ang daanan nila o pintuan galing sa ibang dimensyon at panahon. Ito ang puso ng bahay nila at bahay namin, sa tingin ko tulad ng isang malakas na nakakasasakal na pakiramdam kapag ako ay nandoon natutulog mag- isa lalo na saoras na 12 hanggang alas 3 ng madaling araw. May parang aninong dumadaan habangako’y natutulog at may hingang nararamdaman ko sa aking mukha. May nag aalis ngaking kumot at minsan nagising na lang akong nasa ibaba ng aking kama.

Subalit ang kataka-taka parang lumakas ang kanilang kapangyarihan matapos akong makaligtas sa aking stroke saka noong namatay ang aking ina. Parang hinihigup nila ako sinasama sa isang pintuangwala ng daang pabalik sa aking pang gagalingan. Nakunan ko pa nga sa akingcellphone ng larawan ang isang malakingmabalahibong elemento na lumalapit habang ako natutulog sa aking kwarto sinusubukanko itong ilipat sa computer upang ipa re-copy ngunit bigla na lang nasira angaking cellphone hindi na nagawa ng mgacellphone technician.

Ito pa ang ilang mga pangyayari sa loob ng bahay namin. Minsan nov 1, 2004 6pm ng gabi biglang lumamig tapos umalingasaw ang amoy ng bulok na bulaklak ng patay, kahila-hilakbot na amoy aykumalat sa buong bahay. Sa iba't-ibang okasyon, meron akong nakikitangmga bagay na lumipad/lumulutang sa aking silid.
Minsan habang kumakain akong mag isa sa dining table namin may isang garapon ng peanut butter na kusang bumubukas ang takip ng dahan dahan saka ito lumalaglag ng mag isa. Minsan namanang hawakan ng front door ay umiikot sa loob mag isa pero wala namang tao.Angmga paintings ay kusang bumabagsak sa sahig mula sa pader na pinagkakabitan.

Minsan habang natutulog ako ay nadama ko ang isang kamay sa aking hita nanginginig ako at naramdaman ko ang kakaibang lamig masyadong malamig na hangin sa aking kuwarto. Kung minsan, makakikita ka ng isang anino na biglang dumadaansa paligid ng bahay at ito ay karaniwang sinusundan ng isang malamig napakiramdam at isang mabahong amoy. Maymga pagkakataong sa aking pag uwi pag pasok ko pa lang sa loob ng bahay ay maymaririnig kang boses pero wala namangtao parang may binubulong pero hindi ko maintindihan.

Maging ang aking mga kaibigan pagbumibisita ay may nadaramang kakaibang lamig lalo pag dumidilim na. Doon na nila ni recommend na pacheck sa mga membro ng Divino Thirdeye Fellowship.

Sa pangunguna ni Brod Nest nag sagawa sila ng meditation pinakiramdamang mabuti ang loob at labas ng bahay. Confirmado may engkanto diabolikong naninirahan at sinabi pa ni brod nest na andun ngadumadalaw ang aking ina hindi pa ito nakatatawid sa mas magandang dimension ngkapayapaan.

Ginamitan ng efod/panturo at baston ni brod nest ang masamang engkanto at ito’y pinarusahan combatis spiritual ata ang tawag sa ganung engkwentro sinarado naang negative portal sa pamamagitan ng pambakod na dasal at pinag dasal o nirequest sa mga makapangyarihang anghel na ma escort na ang aking ina sa masmapayapang bahagi ng langit para matahimik na pero ang kagulat gulat pa nitobago siya tuluyan lumisan ay nagsabi sa pamamagitan ni brod nest ang kaluluwang aking ina na may naitago siyang documento ng bankbook na matagal na niyangsecretong iniipon sa itaas na bahagi ng mataas na cabinet na amin ngang nakuha.

Halos himatayin ako sa tuwa may lamang halos P495k ang bankbook na may kasamang kasulatan na kung sakaling mamatay ang aking ina ay ako ang nag iisangtagapagmana ng pera, Kaya ito ngayon ang inaayos pa ng aking mga abogado.

Taos puso ako nagpapasalamt sa mga taga Divinothirdeye fellowship sa pagtulong sa akin lalo kay brod nest sapagkat wala na akong nararamdamang anumang kakaiba sa bahay namin. Feel ko na angpositive energies na inilagay, ang divine shield na nireinforced.

Hope na dumami pa kayong magkakasamang may mga ibat ibang gifts upang makatulong sa mga nagangailangan.

Salamat po sa inyo,

Sis Susan

No comments:

Post a Comment