Sunday, May 23, 2010

Sharing of questions and answers

Brod:

Good day. Ito ay ilan sa mga panaginip ko.

1.) Year 2007, napanaginipan kong bumalik ako sa high school building at nagkaklase kami ng Religion teacher (ex-seminarian) namin. Tinuruan kami ng special prayer o orasyon daw na magagamit balang araw. Ini-memorize ko iyon pero ang ibang kaklase ko ay nagtawanan lang. Pagkagising sa umaga, natandaan ko na nanagip pala ako kagabi at sinubukan kong i recall kong ano iyon.. Natandaan ko pa nga orasyon at nagtataka bakit iyon ang panaginip ko. Dumaan ang ilang araw ay nalimutan ko rin ang orasyon. Divine signs iyan na dapat kang mag aral ng mga powerful na orasyon. Tama ka kahit kami tinatawanan pero nagugulat na lang sila minsan hindi nila kami makitang dumaan sa harapan nila, minsan maraming cases walang solusyon sa ating gumagamit ng Divine rituals/orasyon laging meron from malalang sakit na tinaningan na ng mga doktor sa atin nagagamot pa
hanggang ngayon buhay pa at laging nagpapasalamat.

2.) Year 2008, Napaginipan kong bumalik na naman ako sa high school building namin at ground floor ay nakita ko pa ang mga classmates ko before. Umakyat ako sa building na may kasama at inalalayan akong pumasok sa silid. Umalis siya at naiiwan akong mag-iisa sa room. I noticed na ako lang pala ang nasa loob at doon na inabutan ng gabi sa kahihintay sa taong umalis. Madalim ang paligid at nakaramdam ako ng takot at balisa pero nilaban ko iyon. Hating-gabi na at naramdaman ko ang pagod at antok. Paglingon ko nakita ko ang bed na bakante at nilapitan ko iyon. Nagtaka ako bakit ang classroom na ito ay may higaan. Umupo ako sa gilid ng bed at humiga na mayat-maya ay ipipikit at ididilat ang mata.. Dumating ang madaling araw ay tuluyan na akong nakatulog. Pagkagising sa umaga, sobrang liwanag dahil mataas na ang araw. Hinde pa rin ako binalikan ng tao at nagpasyang lumabas upang umuwi nalang. Nadaanan ko ang maraming rooms na bakante at tahimik ang loob. Danger signs iyan pag wala kang shield hinhatak ka sa dimensions na hindi mo controlado kaya kang higupin. Mahirap iyan pag dinala ka sa point of no return maaari kang mabangungot.

3.) Nasa tabing kalsada ako at may pader na mataas na gawa sa matibay na bato. Ang lugar ay parang nasa labas ako ng gate ng high school building namin. Naglakad ako papunta sa gate pero akoy nabigla na walang gate doon. Naglakad ako at hinanap ang entrance gate at nakakita ako ng malaking pintuan. Kinatok ko ang pintuan at bumakas ng isang tao na parang kilala na ako kasi hinde man lang nagtanong kung sino at ano ang pakay ko. Maraming tao sa loob na nag-uusap at ang iba ay lumapit at bumati sa akin. Parang palasyo ang loob at akoy naglibot kasama ang isang guide. Tinawag kami at oras na ng kainin . Umupo at kumain ako sa mesang mahaba at malapad kasama ang iba pang tao. GAnyan ang samahan sa Divino fellowship sa astral world na meeting tayo kahit sa panlupang mundo. Inaya ka na namin sa divine plane may mahalaga kang purpose may misyon ka ring tulad namin dapat malaman mo pag nag aral ka na ng mga sagradong aklat ida-download sa iyo real essence ng buhay mo.

4.) Pumunta ako sa bahay ng Lolo Medyong (kapatid ng tunay kong Lola) upang samahan at tulungan ang matanda. Isang umaga tinanong ko siya kong tapos na siyang kumain at sagot nama'y tapos na. Kinuha ko ang palayok at balak kong magsaing na naman kasi maraming pa akong ibang gagawin. Pagbukas ko sa palayok ay nakitang puno pa rin ito. Lumapit ako sa kanya na dala-dala ang palayok at tinanong ko siya ulit at sumagot siyang tapos na talaga siya. At sinabi siya na ang tao ay hindi nabubuhay sa pagkain lang kungdi'y sa salita ng Diyos rin. Tinitigan ko ang kanyang mukha at nagulat ako na hindi siya ang Lolo ko. Tinanong ko siya at kong ano ang pakay niya. Sumagot siyang may ibibigay daw siyang siyang aklat ng may mga orasyon. Sumagot naman akong hinde ko muna tatanggapin iyan at akoy magtatanong ng mga pari at magbasa ng Bibliya kung may mga nasusulat ukol diyan at magtatanong sa ibang tao upang maintindihan ko ang tungkol sa mga orasyon . Payo iyan na mag aral ka na kami man ay hindi nabubuhay sa tinapay lamang kundi sa makapangyarihang salita ng Diyos na itinago sa mga may mahahalagang misyon lamang.

5.) Nanaginip din ako ng color blue Rosary. Signs of wonders pinakikita sa iyo kaya nasa iyo na iyan iyung iba nga hindi ganyan dreams pero pinilit makapag aral ang huli nga taga aurora quezon pa 8 hrs na trip dalaga pa matapang hindi lang siya may taga laoag, quezon province mga nasa abroad tandaan mo baliuag bulacan healing center natin pinag sisikapan nilang makapag seminar alam nila dapat galangin at sundin ang mga pangitain, mga visions, premonitions, dreams, predictions etc.

Brod , Puwede pakiliwanag sa akin ang tungkol dito. Maraming salamat po.

No comments:

Post a Comment