Thursday, May 13, 2010

Sulat ng Pagpapasalamat * Posted by arana luzviminda on November 17, 2008 at 2:30pm

Salamat sa inyong pag iimbita sa akin lalo na kay brod nestor sa pag papaalis ng kung anong elementong kumakatok lagi sa pintuan namin tuwing alas dose ng gabi ngunit pagbukas ng maid namin ay laging walang tao. Madalas din kameng namamatayan ng mahal kong aso maging pusa. Madalas ding nawawala ang mga bagay bagay na kanina lang ay nasa aking harapan. Pero ngayon dahil sa ginawang ritual at kung anong orasyon tahimik na kameng nabubuhay ng aking mga apo, pati maid ko nagtatagal na sapagkat wala ng nagpaparamdam, nag alaga uli ako ng poodle ngayon ay may mga anak na maging ang bago kong pusang si kutingting ay marami na salamat sa tulong ng fellowship nyo hindi ko man kayo kilala napakabuti ng inyong kalooban upang ipamahagi ninyo ang pagod, pawis, oras alam ko may mga gastos din tulad ng pamasahe. Pagpalain kayong lahat bagaman ini imbita ako upang mag-aral ng alam nyo medyo takot ako kaya laging si brod nest ako nagpapatulong siguro darating din ang araw na iyon malalim kasi at may sakripisyo na hindi pa ako handa pero taos puso akong nag papasalamat sa grupo ninyo wala na kong nakitang katulad ninyo wala ng kumakatok ng alas dose ng gabi at hindi na nawawala ang mga gamit namin sa bahay may nilagay daw si bro nest na balot o anoman iyon ramdam ko malakas at napaka epektibo at wala daw nabibilhan noon. Salamat Pagpalain kayong lahat humaba pa ang inyong buhay upang matulungan ang katulad kong biyuda na matanda na pero lumalakas dahil sa inyo..

No comments:

Post a Comment