Friday, May 28, 2010

Personal Third Eye Experience

Noong maliit pa ako, sa Masbate hindi ko lang alam kung ano talaga yon.

Hatinggabi nagising ako, tapos nakita ko isang malaking lalaki sa bintana punong puno ng katawan halfbody lang siya, sabi nila mama at papa ay kapre daw po yon, gisingin ko sana sila mama at papa kaso hindi ako makagalaw dahil nakatitig siya sa akin, kaya pinikit ko nalang ulit ang aking mga mata. Hindi ko kinuwento sa mga magulang ko, umabot pa ang isang buwan dahil takot akong magk'wento, pero ng nalaman ng parents ko, sabay kami lipat ng bahay, ayaw ng parent's ko na doon pa kami titira baka daw kukunin ako.

Nangyari na naman ito ulit, hatinggabi din natutulog na kami, pareho ang pangyayari sa unang k'wento ko, kaso this time, isang lalaking bata naman ang nakita ko. Nagkaroon na ako ng lakas sabihin kina mama at papa kinabukasan, kagaya ng dati, umalis din kami kaagad sa lugar na iyon.

Mula sa nangyari na yan, ay ayaw kong mag isa kasi hindi ako handa...baka manghimatay ako pag may nagpakita sa akin.............

Lately lang dito sa angeles, lalot hindi sila naniniwala rito gaano, pero natakot sila sa k'wento ko kasi yong may ari, ang nagk'wento sa aming lahat na haunted daw ang hotel na iyon at tabi lang ng k'wartong tinutulugan ko, may conference kami noon sa trabaho ko. Pero na ik'wento ko na sa mga ka trabaho ko na may nararamdaman akong kakaiba noong gabi kaya hindi ako nakatulog, pinagtawanan nila ako, pero ng nagk'wento ay may ari ng Hotel, natakot na rin sila sa gabi, mga pasaway mas takot pa sila kay sa akin.

Sa ngayon naturuan na ako ni bro nest ng mga Divino doctrines. Alam ko na paano mag shield at kung kinakailangan at pinayagan pinaparusahan ang mga masamang nilikha na nagbibigay ng takot sa akin.

Maraming salamat sa divino third eye fellowship lalo na sa mga taong nasa likod nito hindi ninyo lang alam kung gaano kalaki ang naitulong ninyo sa akin.

God Bless Winnie

No comments:

Post a Comment