Sunday, May 23, 2010

(Haunted House case sa Bulacan) Pagpapasalamat sa officers ng Dtef at kay Brod nest

Ang aming bahay sa san ildefonso Bulacan ay dating pinagmumultuhan, at ako ay naniniwala na may dalawang multo dito. Sa aking tingin ay ang kaluluwa ng aking
ina na biglaan ang pagkamatay sa isang bus accident at may iba pang masamang ispiritu. Pakiramdam ko ang aking
ina ang nagpoprotekta sa akin mula sa
masasamang


ispiritu. Ako ay ipinanganak sa kalagitnaan ng hatinggabi kaya may mga psychics na nagsasabing malakas ang pakiramdam ko at ako ay sensitibo sa mga
paranormal, tunay na napansin ko ito
lalo na noong ako ay halos mamatay ako sa
sakit na stroke. Ika nga ni brod nest ang taong nagkakaroon ng near death
experience ay lumalakas ang thirdeye ayon sa kaniyang karanasan at sa kanyang
lecture seminar sa healing center sa baliuag.



Ang aming bahay ay may mahabang kasaysayan at ito raw ay itinayo noon pang 1900's. Ang mga naunang kastilang may-ari na nagbenta nito ay hindi man lang nag kwento ng
mga naranasan nila sa loob nito, ngunit ang kanilang ina ay bigla na lamang namatay
habang natutulog mag- isa dito sa bahay na kahoy na ito na nalaman lang namin
mula sa mga kapitbahay.



Kami ay hindi sigurado kung totoo nga na medyo malas ang bahay na ito. Bagama’t namatay ang aking ina sa kahindik hindik at biglaang aksidente noong 1995. Totoo na kami ay nakakaranas ng kakaibang karanasan at pangyayari kahit na bago pa lang kaming lumipat dito. Ang amoy ng
prutas, pabango at kahila-hilakbot na odors ay natagpuan sa buong bahay sa
iba't-ibang okasyon at ang tunog ng mga yapak, gaya ng ginawa nila sa kanilang mga paglakad
sa likod ng mga silid namin.



Pakiramdam ko nga ang aking kuwarto mismo ang daanan nila o pintuan galing sa ibang dimensyon at panahon. Ito ang puso ng bahay nila at bahay namin, sa tingin ko tulad ng isang malakas na nakakasasakal na pakiramdam kapag ako ay nandoon natutulog mag- isa lalo na sa
oras na 12 hanggang alas 3 ng madaling araw. May parang aninong dumadaan habang
ako’y natutulog at may hingang nararamdaman ko sa aking mukha. May nag aalis ng
aking kumot at minsan nagising na lang akong nasa ibaba ng aking kama.



Subalit ang kataka-taka parang lumakas ang kanilang kapangyarihan matapos akong makaligtas sa aking stroke saka noong namatay ang aking ina. Parang hinihigup nila ako sinasama sa isang pintuang
wala ng daang pabalik sa aking pang gagalingan. Nakunan ko pa nga sa aking
cellphone ng larawan ang isang malaking
mabalahibong elemento na lumalapit habang ako natutulog sa aking kwarto sinusubukan
ko itong ilipat sa computer upang ipa re-copy ngunit bigla na lang nasira ang
aking cellphone hindi na nagawa ng mga
cellphone technician.



Ito pa ang ilang mga pangyayari sa loob ng bahay namin. Minsan nov 1, 2004 6pm ng gabi biglang lumamig tapos umalingasaw ang amoy ng bulok na bulaklak ng patay, kahila-hilakbot na amoy ay
kumalat sa buong bahay.
Sa iba't-ibang okasyon, meron akong nakikitang
mga bagay na lumipad/lumulutang sa aking silid.


Minsan habang kumakain akong mag isa sa dining table namin may isang garapon ng peanut butter na kusang bumubukas ang takip ng dahan dahan saka ito lumalaglag ng mag isa. Minsan naman
ang hawakan ng front door ay umiikot sa loob mag isa pero wala namang tao.Ang
mga paintings ay kusang bumabagsak sa sahig mula sa pader na pinagkakabitan.



Minsan habang natutulog ako ay nadama ko ang isang kamay sa aking hita nanginginig ako at naramdaman ko ang kakaibang lamig masyadong malamig na hangin sa aking kuwarto. Kung minsan, makakikita ka ng isang anino na biglang dumadaan
sa paligid ng bahay at ito ay karaniwang sinusundan ng isang malamig na
pakiramdam at isang mabahong amoy.
May
mga pagkakataong sa aking pag uwi pag pasok ko pa lang sa loob ng bahay ay may
maririnig kang boses pero wala namang
tao parang may binubulong pero hindi ko maintindihan.



Maging ang aking mga kaibigan pagbumibisita ay may nadaramang kakaibang lamig lalo pag dumidilim na. Doon na nila ni recommend na pa
check sa mga membro ng Divino Thirdeye Fellowship.



Sa pangunguna ni Brod Nest nag sagawa sila ng meditation pinakiramdamang mabuti ang loob at labas ng bahay. Confirmado may engkanto diabolikong naninirahan at sinabi pa ni brod nest na andun nga
dumadalaw ang aking ina hindi pa ito nakatatawid sa mas magandang dimension ng
kapayapaan.



Ginamitan ng efod/panturo at baston ni brod nest ang masamang engkanto at ito’y pinarusahan combatis spiritual ata ang tawag sa ganung engkwentro sinarado na
ang negative portal sa pamamagitan ng pambakod na dasal at pinag dasal o ni
request sa mga makapangyarihang anghel na ma escort na ang aking ina sa mas
mapayapang bahagi ng langit para matahimik na pero ang kagulat gulat pa nito
bago siya tuluyan lumisan ay nagsabi sa pamamagitan ni brod nest ang kaluluwa
ng aking ina na may naitago siyang documento ng bankbook na matagal na niyang
secretong iniipon sa itaas na bahagi ng mataas na cabinet na amin ngang nakuha.



Halos himatayin ako sa tuwa may lamang halos P495k ang bankbook na may kasamang kasulatan na kung sakaling mamatay ang aking ina ay ako ang nag iisang
tagapagmana ng pera, Kaya ito ngayon ang inaayos pa ng aking mga abogado.



Taos puso ako nagpapasalamt sa mga taga Divinothirdeye fellowship sa pagtulong sa akin lalo kay brod nest sapagkat wala na akong nararamdamang anumang kakaiba sa bahay namin. Feel ko na ang
positive energies na inilagay, ang divine shield na nireinforced.



Hope na dumami pa kayong magkakasamang may mga ibat ibang gifts upang makatulong sa mga nagangailangan.



Salamat po sa inyo,



Sis Susan

No comments:

Post a Comment