Sunday, May 2, 2010

Murder Case solved thru Thirdeye

Brod.Nest

Ako po yung ng txt kanina po ------------ang user name ko sa Website nyo, ako po ang panganay sa aming 4 na magkakapatid.

Ang concern ko po ay yung tungkol sa aking kapatid na bunso na lalaki na si -----------na pinatay ng walang kalaban-laban, siya po ay estudyante ng ------------- at dapat sana ay graduating nitong April 9, subalit sya po ay pinatay ng mga hindi pa kilalang salarin, siya po ay umalis sa aming bahay noong April 7 ng umaga upang kumuha daw ng toga subalit hindi na sya nakauwi ng bahay, kinabukasan ay sinabihan kami ng aming kabit bahay na may report daw ng salvage victim sa ------------na -------------- ang pangalan na nakita sa ID.

Ang kapatid ko po ay natangpuang patay at duguan sa gilid ng kalsada sa isang abandunadong subdivision sa brgy. ---------------------, may tama ng baril sa dibdib

eto po ang report ayon sa isang website:----------------------

Bagamat mali po ang report ng website na iyan dahil hindi po Security guard ang kapatid ko kundi isang estudyante. ang unang nakakita daw ay isang security guard

Wala po kaming makitang dahilan kung bakit pinatay ang kapatid ko, ang sabi ng mga pulis ay baka daw sa droga or sa love triangle

Sa pagsusuri po ay napag-alaman namin na hindi pala naka-enrol sa -------------- ang kapatid ko ng 1 & 1/2 year, sya pala ay hindi na pumapasok, pero buo po ang tiwala namin sa kanya sapangkat siya ay napakabait na bata at masunurin sa magulang

Ako po ay nagdududa dahil baka sya ay biktima lamang ng pananakot o ng Psychic Manipulation / Control kaya sya hindi na nag-aral

Hangang ngayon po ay wala paring linaw kung sino talaga ang may kagagawan ng krimen na ito

Wala naman po syang mga naging kaaway dito sa lugar namin sa ---------------, bagamat sya ay Player ng basketball sa ---------- dati ay wala naman daw mga nagiging kaaway ayon sa kanyang mga kaibigan na estudyante noong High School

Ang aking pong tanong din Brod.Nest ay kung possible po bang mabigyan ng hustisya ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay gamit ang Divine Justice na kaloob ng ating Dakilang Lumikha

Ako po ay nag-aaral pa lamang ng Esoteric knowledge at wala pang sapat na kakayanan para isagawa ang mga lihim na rittual ukol dito, kung kaya ko lang po sanang makita sa Akashic Book ang lahat ng pagyayari, upang kahit pano ay malinawan kami, subalit hindi ko pa po kaya.

Ako po ay magpapasalamat na sa inyong pagbasa sa aking saloobin, sana po ay magkaroon ng Divine Justice hindi lang sa aking kapatid kundi sa iba pang mga biktima na itinapon din sa lugar na iyon


Lubos na gumagalang;




Ang naka attach po ay picture ng aking kapatid na namatay na si --------------

Salamat po Guro

No comments:

Post a Comment