Friday, May 28, 2010

Sharing a Mysterious Story

Since 2001 nagkasakit ang aking asawa sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. simula st. Lukes hanggang Medical City hindi ma-diagnose kung bakit mabilis at malakas ang tibok ng puso niya at mayroon siyang High Blood. hanggang makilala ko si Kabagis Nest tiningnan kung pantay ang daliri ni Mrs. pare-pareho kameng nagulat sapagkat mas mahaba ang isang daliri. ika ni kabagis Nest likha daw ito ng bayarang mangkukulam kaya kanyang inalam kung saan galing.. mga ilang oras may tinanong siya sa akin kung may iba akong babae? sa ganoong situasyon inamin ko sa kanya sa harapan ng aking asawa na meron nga at nasigurado na ito ang nagbayad sa marunong magkulam upang masarili niya ako. doon na ako nagdesisyon na hiwalayan na iyong babae at humingi ako ng tawad sa Diyos at sa aking asawa. tinapatan ng panturo ni kabagis ang aking asawa may mga binunot daw siyang naibaon sa may puso at baga. matapos ay pinarusahan ang mangkukulam at naglagay ng bakod sa paligid ng katawan ng aking asawa doon na guminhawa ang pakiramdam ng aking asawa mapahanggang ngayon magkasama kame kahit medyo matatanda na. nag-aaral din ako ng konteng panggagamot. kaya salamat kabagis pati sa lahat ng miyembro. isinulat ko ito para maingat din kayo sa mga babaeng possessive at huwag ninyo ako tularan.

Pagpalain lahat kayo!

No comments:

Post a Comment